CHAPTER 25

12 0 0
                                    


Gal's POV


"Bakit ba kasi kailangang kasama pa 'kong sumundo?" Nasa labas na kami ng resort. Susunduin ni Erah si Keifer, si Pam naman kay Ky. "Jas, wala naman tayong susunduin dito."



"Kahit na. Nagpapasama pa rin sina Erah at Pam sa atin." Sumusulyap-sulyap pa siya kasama nina Erah at Pam sa gate. "Wag kang mag-alala, palabas na rin sila. Tinext na namin."



"Gusto ko nang umuwi." Naiinip na 'ko. Wala naman kasi akong ganang lumabas ng bahay ngayon. Pinilit lang talaga nila 'ko.



"Ayan na sila!" Tinuro ni Jas 'yung mga papalabas na ng resort.



"Love!" Kumaway agad si Pam kay Ky hanggang sa magkasalubong na sila ng tingin. Agad na tumakbo si Ky papalapit sa kanya.



"Babu!" Ganoon din ang ginawa ni Erah. Nakita naman kaagad siya ni Keifer at agad na pinuntahan siya.



"Jas, anong call sign natin? Tawagin mo rin ako, dali." Nagbibiro nanaman 'tong si Pierce. Hindi na lang siya pinansin ng ni Jas.



"Nauna nang umuwi 'yung mga kalaro namin sa basketball. Kami-kami na lang 'yung mga natira. Nagpaiwan kami kasi susunduin niyo kami." Banggit ni Ky kay Pam.



"Asan si Zayr?" Hinanap ko kaagad siya kanila Keifer, Pierce, at Ky. "Lahat kayong members ng Tubig is Water nakalabas na... pero siya wala pa rin."



Napansin kong nawala 'yung mga simpleng ngitian nila. Sumeryoso bigla 'yung atmosphere at mood. Lahat sila umiiwas ng tingin sa'kin.



"Nandoon pa sa loob." Sinagot naman ni Keifer ang tanong ko. "May kausap pa. Hindi na namin tinawag, baka makaistorbo pa kami."



"Sinong kausap ni Zayr?" Tanong ko pa rin kahit na malakas naman ang kutob ko na si Nerissa 'yun.



"Ako, bakit? May problema ba?" Nabigla kaming lahat nung lumabas ng gate si Nerissa. She was smiling at me sarcastically while she was looking at my head down to my feet. It was like she was scrutinizing my whole being.



"Hinanap ko lang, kasi siya lang naman 'yung wala." Pinagmasdan ko siyang sumandal sa balikat ng kasama niya. Sinundan ng mga mata ko kung sino ang katabi niya. "Oh, ayan na pala si Zayr. Magkasama pala kayong dalawa." Napalunok ako.

TurquoiseWhere stories live. Discover now