CHAPTER 24

11 0 0
                                    


Zayr's POV


Ilang beses ko nang minemessage si Gal simula kaninang umaga. Pinaalam ko rin sa kanya na nandito ako sa resort kasama sila Keifer, Ky, at Pierce. Pati 'yung iba pa naming kalaro sa basketball. Nagkayayaan kasi ng swimming.



"Pre, 'di pa ba gising 'yung Kendall mo?" Hinagis sa'kin ni Ky 'yung twalya niya. Kakapalit lang niya ng pangligo. "Mukhang hindi ka mapakali diyaan sa kakatitig mo sa cellphone ah? Halatang naghihintay ka."



Nasalo ko naman at pinasok sa bag niya. "Hindi pa siya gising. Hindi pa kasi nagrereply sa'kin saka hindi pa rin online."



"Tulog mantika ata si ate Gal." Nagsusuklay pa si Pierce eh maliligo rin naman siya. "Baka nananaginip pa siyang magkasama kayong dalawa kaya ayaw pang magising."



"Sinend ko nga sa kanya 'yung picture namin ni Keifer kanina para ebidensya na nasa resort ako." Halata naman dahil sa cottage na nandito. Hindi pa nga 'ko naliligo. Ayoko pang magpalit. Hinihintay kong magising si Gal.



"Ayieee! Tiyak magigising na siya kapag nakita niya 'yung itsura mo. Tapos kasama mo pa 'ko sa picture. Oh diba? Edi lalong nagising sa gulat at takot 'yon." Ang hard ni Keifer sa sarili niya. Epekto nanaman ng chocolate drink na tinutungga niya.



"Zayr!" Biglang nagbago 'yung aura ng mukha ni Ky. "Akala ko ba tayo-tayo lang ang nandito sa resort?"



"Bakit, sino pa bang ibang mga kasama natin?" Kami-kami lang naman talagang magkakatropa ah? Ano bang ibig sabihin ni Ky?



Dismaya ang itsura niya. "Eh bakit may mga bagong paparating? Tapos mukhang dito pa sa cottage natin papasok. Mga nakatingin sa atin, oh!"



"Hala?" Nagulat sila Pierce at Keifer. Napatakip sila sa bibig nila at sabay na tumingin sa'kin.



"Si Nerissa." Nakita kong may kasama siyang isa pang babae. 'Yung ex ni Pierce. Takte, anong ginagawa nila rito?



"Magkasama 'yung ex mo tsaka ex ko." Dumikit sa'kin si Pierce. "Nakakasira ng araw."



"Planado ba 'to?" Wala akong kaalam-alam. Maski naman sila mukhang hindi nabalitaan na may pupuntang dalawang babae rito dahil nagkibit-balikat lang sila.



"MGA PRE..." Biglang pumasok dito sa cottage si Torotot, kalaro namin 'yan. Palayaw niya lang 'yan kasi masyado siyang maingay. "BALITA KO, RITO RAW MAKIKIGAMIT NG COTTAGE 'YUNG DALAWANG BABAE AH?"

TurquoiseWhere stories live. Discover now