CHAPTER 7

30 1 0
                                    



Gal's POV


"Happy birthday, Gal!"



Binungad ako ng birthday greetings ng mga visitors dito sa bahay namin. Puro mga adults pa lang sila, mga kaibigan ni mama na mga kilala ko. "Thank you po!"



"Mamayang 4 PM mo imbitahin yung mga magiging bisita mo." Sabi sa akin ni mama at inayos ang buhok ko. Bagong gupit kasi ako. Blunt bob cut.



"Summer clothes ang ipapasuot ko sa kanila dahil summery ang theme ng birthday ko." Nakasuot ako ng black shorts and white long sleeve na off shoulder blouse. Comfortable ako dahil suitable for hot breeze naman ang outfit ko.



"Ang ganda naman talaga ng anak mo, madam!" Pambobola ng kaibigan niya, si tita Luella.



"Manang mana lang 'yan sakin, madam." Proud pang sabi ni mama. Pero yung totoo, kapag walang ibang tao kundi kami lang, ang lakas niyang manlait sa itsura ko.



"Kaso ma, marami atang hindi makakapunta, eh." Nalungkot naman ako ng maalala ko yung usapan naming apat kagabi.



"Ganun ba? Tapos saktong hindi pa ata makakahabol yung pinsan mong si Jas." Dagdag pa ni mama.



"Nako madam, sayang naman kung hindi sila makakapunta." Sabi ni tita Luella.



"Excuse me." Umalis ako matapos ayusin ni mama yung buhok ko.



Kinuha ko ang phone ko para mag check kung anong ganap. Natuwa naman ako dahil unang una sa chat list ko ang pangalan ni Jas. Nag send siya ng long message kaya binasa ko. "Pambawi na niya siguro 'to dahil wala siya."



Napangiti naman ako ng husto sa LSM niya. That was so sweet of her. I wish she'll be here. I'd always express my gratitude for her.



Marami pa akong messages na natanggap. Nakita ko na marami ring nag post sa my day nila ng pictures kasama ako with their birthday greetings for me. Kasama na yung mga babes ko. Binuksan ko ang GC namin at tinignan kung may nag message din.



TUBIS IS WATER



Pierce: Magkano yung kokolektahin?


TurquoiseKde žijí příběhy. Začni objevovat