CHAPTER 18

19 0 0
                                    


Gal's POV


"Mg ka-tubig, hindi talaga ako makakasama sa inyo ngayon. May pupuntahan kasi kami, eh." Pagpapaalam sa amin ni Jas. "Nagmamadali na 'ko. Ingat! Bye!"



"Bye!" Nagpaalam na rin kami kay Jas. Kanina pa namin siya sinasabihang sumama sa amin kaso ayaw niyang palagpasin 'yung dance workshop with her favorite dancer, Kenneth San Jose, eh.



"Wala na nga sina Ky at Pam, pati si Jas wala rin." Para namang 'di makapaniwala si Pierce.



Pupunta kasi kami sa Bonifacio Global City. Maraming malls doon at pwede naming puntahan para pasyalan. Sa grupo namin, kami lang ang magkakasama nila Erah, Keifer, Zayr, at Pierce. Wala 'yung tatlo kasi may mga lakad. Pero kasama namin si Joe, kasama kasi namin siyang mag church kaninang umaga pa. Kaya niyaya na rin namin siya sa alis namin.



Nagsimula na kami sa biyahe. Nasa loob kami ngayon ng jeep at konti lang naman kaming mga tao rito. Walang masyadong passengers, eh. Katabi ko si Joe tapos nasa tapat naming dalawa sila Erah, Keifer, Pierce, at Zayr.



"Lazer tag tayo sa mall mamaya! Magbabarilan tayo sa loob ng dark studio. May kasama pa 'yung costume at soundtrip na intense. Beng, beng, beng!" Umakto pa si Erah na parang pulis.



"Ouch! Babu, natamaan mo 'ko." Nagkunwari naman si Keifer na sumasakit ang dibdib.



"Oh my gosh! Saan kita natamaan?" Sinakyan naman ni Erah 'yung trip ni Keifer



"Sa puso, natamaan mo 'ko. Ang lakas ng tama, promise." Ang drama ni Keifer, ah!



Bigla naman silang inawat ni Pierce. "Alam niyo ba kung sino 'yung totoong nasasaktan ngayon?"



"Sino?" Tanong ni Joe innocently. Hinanap niya pa kung sino sa amin.



"Itong walang imik kong katabi." Tinignan ni Pierce 'yung right side niya at tinuro si Zayr. Oo nga, wala siyang imik.



"Umiyak si Zayr?" Sobrang tahimik kasi niya tapos naka earphones lang. Ang tamlay niya pang tignan. Mugto 'yung mga mata.



"Observation ko rin 'yan, ate Gal." Katabi ko si Joe. Nag "shh" sign naman ako sa kanya dahil baka mangyari nanaman 'yung nakakahiyang usapan namin nung camping. Hindi kami aware na 'yung topic namin, katabi lang pala namin. Epic talaga nun!

TurquoiseWhere stories live. Discover now