CHAPTER 14

24 1 0
                                    


Gal's POV



"Oh tara, laro! Kampihan tayo." Dumikit si Keifer kay Erah.



"Jas, kampi tayo ha?" Nagpaalam si Pierce kay Jas.



"Okay." Mukha namang napilitan pa siya.



"Hi love!" Tumabi si Pam kay Ky.



"Zayr, kampi na kayong dalawa." Keifer commanded while looking at the two of us.



"Hala, may paparating na mga lalaki." Nginuso ni Ky 'yung labas ng court. Isang malaking grupo 'yung papasok sa loob.



"Mga nagpa schedule sila rito sa court." Sabi ni Pierce habang nakatingin sa kanila. Naka uniform pa sila ng suot, color yellow.



"Ang tatangkad nilang lahat." Napansin ko lang. Mas matatangkad pa sila sa mga kaibigan namin.



"Sus, wala sa tangkad 'yan!" Sabi sa'kin ni Zayr.



"Oh tara laro na tayo!" Naiinip na si Erah. Kinuha na nila 'yung bola.



Kami na lang ni Zayr ang 'di kumikilos. Hinihintay niya lang kasi ako. "Ano... Lalaro ka pa? Sali tayo sa kanila?"



'Di ako makasagot. Napapatingin ako sa mga lalaking nag aabang lang sa amin. "Naiilang ka nanaman 'no?"



"Uy, ano pre? Sali na kayo sa amin!" Tinawag kami ni Keifer.



Tinignan ako ni Zayr bago sumagot sa kanya. "Nahihiya 'yung kakampi ko, eh. Sorry. Marami na kasing mga taong nanunuod."



"Sabi na nga ba, eh. Hahaha!" Natawa sila sa'kin lalo na 'yung mga dakilang babes ko na anlalakas mang asar.



"Sige pre, okay lang. We do understand. Kilala na namin 'yang si Kendall, mahiyain talaga." Ngumiti si Keifer at nagpatuloy na sa laro.



Gusto kong ngumiti kasi nakikilala na niya 'ko. Gets niya na 'ko kahit 'di ko na sabihin pa na nahihiya ako. Parang nawawala tuloy 'yung pagiging uncomfortable ko dahil nandiyaan siya para intindihin ako sa mga public anxiety attacks ko.

TurquoiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon