CHAPTER 10

36 2 10
                                    


Gal's POV



"Babes, kanina ka pa tinitignan ni Joe." Kasama ko si Jas kumain ngayon sa canteen. Naka pila pa kasi sina Erah at Pam. "Fan mo 'yan diba?"



Hinanap ng mga mata ko si Joe. "Hi ate!" Kumaway siya sa akin at ganoon din ang ginawa ko. Ang cute niyang tignan dahil short girl siya at palagi siyang naka tirintas.



"Babes, diba palagi niyang sinasabi sa'yo na she'll always be your number one fan when it comes to your talent in writing?" Tama si Jas. Supportive talaga si Joe sa akin. "Paano nga pala ulit siya naging fangirl mo pagdating sa pagsusulat?"



"She saw my notebook before. Puno ng pang spoken words poetry 'yun, tapos binasa niya." Nagustuhan naman ni Joe at simula nun, lagi na niyang hinahanap-hanap 'yung mga sulat ko.



"Taray, ah! 'Di ka pa totally sumisikat, may taga-hanga ka na." Kumindat si Jas.



"HI MGA BABES! ANG SARAP NG INORDER NAMIN, OH! KASING SARAP NG PAGMAMAHALAN NAMIN NI BABU." Ininggit kami ni Erah at umupo sa tabi ko. Si Pam naman sa tabi ni Jas. Dumplings 'yung foods nila.



"Bigla bigla ka namang umeepal. Nag uusap pa kami ni Gal, eh." Umirap si Jas.



"Oh sorry baby! Don't cry baby, baby, baby." Paglalambing ni Erah.



"Ano bang topic niyo?" Tanong ni Pam. "Tungkol ba sa mga secret admirers niyo 'yan?"



"Tungkol kay Joe, 'yung cute na high school girl." Nginuso ni Jas 'yung pwesto kung saan kumakain si Joe. "Napag kwentuhan lang namin 'yung closeness nila ni Gal."



"Ah, oo. Eh diba kaklase ni Nerissa 'yan? Close friends din kaya sila?" Muntik na akong masamid sa kinakain kong biscuit.



"Pam, shh ka lang! Huwag mo ngang banggitin 'yung pangalan na 'yun at baka may makarinig pa sa'yo, tsaka allergic si Gal dun." Saway ni Erah.



"Hindi sila close friends, pinapakisamahan lang nila 'yung isa't isa." Paliwanag ni Jas.



"I'm just asking. Baka kasi mamaya mag bestfriends pala sina Nerissa at Joe." Sumimangot si Pam. "Tapos may closeness pa sa pagitan ni Joe at Gal. Parang ang neutral ni Joe kapag ganun. 'Di ko maiiwasang mag isip ng masama."

TurquoiseWhere stories live. Discover now