CHAPTER 6

38 3 0
                                    


Gal's POV



"HAPPY NEW YEAR!"



Kumain kaming magkakapamilya sa bahay dahil choice ni mama na huwag nang mag-celebrate sa labas.



"Oh babes, mga paborito mo!" Binigyan ako ng maraming hipon ni Jas sa pagkainan. Nilagyan niya rin yung plato ko ng kaldereta at sinigang na baboy. Napangiti naman ako sa ginawa niya.



"Thank you, babes!" Magkatabi kaming kumain. Milkshake and water yung drinks namin.



"Binili rin kita kanina ng buchi sa Chowking." Inabot niya sa akin ang plastic bag na may lamang apat na order ng buchi.



"Hala! Buchi!" Napanganga ako nang makita kong may mga buchi sa harapan ko. Sobrang nakakatakam! "Thank you!"



"May bayad 'yan. Joke!" Pagbibiro niya. "Kakalibre mo lang pala sa akin ng favorite mango shake ko, hehe."



"Ah yung lumabas tayo?" Mga bandang 10 PM kasi, binilhan ko siya ng shake.



"Oo. Sayang nga eh, hindi natin nakasalubong yung hero mo." Panghihinayang niya. "Nag send kasi si Zayr ng groupie nilang magkakaibigan sa GC natin ng mga 10:10 PM. Puro sila lalaki, mga basketball players. Doon sila nag-picture malapit sa binilhan natin ng shake."



"Kunwari ka pa, eh. Gusto mo lang sumilay kay Pierce." Pang-aasar ko sa kanya.



"Hindi 'no!" Tutol niya. "Kung may gusto ako sa kaibigan ni Zayr, si Paolo 'yon. Actually, nandoon din siya, kasama sa groupie. Haha!"



"Oh edi kay Paolo. Kaya ka pala nanghihinayang, eh." Dinamay pa ako.



"Ayoko na nga, behave na ako dahil new year na. I don't want to be completely attached with a guy." Pag-confess niya sa akin ng resolution niya.



"Eh paano si Paolo? Diba may attachment ka na sa kanya?" Napatigil siya sa pag kain.



"Oo may attachment na pero hindi ibig sabihin nun eh hahayaan ko nang tuluyang ikabit yung sarili ko sa kanya. Baka mamaya niyan, hindi na ako makaalis papalayo sa kanya kapag kinakailangan na." Pagpapaliwanag niya.



"So you're not yet in love with him, I bet." Obvious naman na hindi pa talaga malalim yung nararamdaman niya. "Emotional attachment isn't always the same thing as love."

TurquoiseWhere stories live. Discover now