CHAPTER 29

21 0 0
                                    


Third Person's POV



"Gal, sorry kung pinilit kitang pasamahin sa'kin. Kailangan lang kasi nating gawin 'to, eh. Pangako, hindi ko hahayaang masaktan ka pa ulit ni Nerissa." Pagpapaumanhin ni Zayr. Kabababa lang nila ng tricycle na pinagsakyan nila papunta sa lugar kung saan nakatira si Nerissa. "Wag ka nang umiyak, oh. Please?" Pagpapatahan niya.



Ilang beses nang nagtangakang magsalita ang tricycle driver nila. Nang maabot na sa kanya ang bayad para sa pamasahe, naisipan niyang kamustahin ang dalawa. "Bossing, kinikidnap niyo ho ba 'yang babae? Ayoko kasing madamay, eh. Sapilitan mo kasing pinasama sa'yo tapos mukhang ayaw talaga niya dahil sa iyak niya."



"Kuya, hindi ko siya kinikidnap, okay?" Pinagmasdan ni Zayr si Gal na pinupunasan ang mga luha. "Gal, sorry na... napapraning kasi akong malaman na umiiyak ka, eh. Nakakataranta kasing makitang nasasaktan ka kaya gusto kitang tulungan."



"Kung ganon, edi aalis na 'ko." Pagpapaalam ng tricycle driver. "Sana maayos niya na 'yung problema niyo kung may LQ kayo." Pinaandar na niya paalis 'yung transportasyon niya.



"Tara na." Pagyaya ni Zayr. "Nandito na tayo sa tapat ng bahay nila kaya tumahan ka na." Nagsimula na siyang kumatok sa gate.



Saktong pagkabukas ng gate, palabas din si Nerissa. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat nang makitang magkasama sina Zayr at Gal. "B-bakit kayo m-magkasama?"



"Kailangan nating mag-usap." Nakaramdam si Zayr ng panggigigil pero kinontrol lang niya ang sarili.



"Dito tayo sa may terrace." Pinapasok sila ni Nerissa sa loob. "Wala namang tao rito kundi ako lang dahil umalis silang lahat." Napuno siya ng kaba, pagtataka, at takot.



"Nerissa, break na tayo." Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Zayr.



Nanghina si Nerissa sa narinig niya at halos hindi maipinta ang reaksyon sa sinabi ni Zayr. "Hindi, Zayr... hindi pwede... hindi pwede 'yun."



"Hindi ka tumupad sa usapan natin." Mariin niyang tinignan si Nerissa sa mga mata. "Ang sabi mo sa'kin, hindi mo siya sasaktan kapag nakipag balikan ako. Pero anong ginawa mo? Pinagbitawan mo na nga siya ng masasamang salita, pinagbuhatan mo pa siya ng mabibigat mong kamay." Pinakita niya ang kalagayan ni Gal na nasugatan at nagkaroon ng pasa.



"Nagawa ko lang naman 'yun kasi nauna kang hindi tumupad sa usapan natin!" Depensa ni Nerissa. "Oo, nakipagbalikan ka sa'kin. Binigay mo sa'kin 'yung relasyong hinihingi ko. Kaso hindi mo binigay sa'kin ang puso mo, eh. Nalaman kong nakipagkita ka pa rin sa kanya!" Hinampas niya ng ilang beses sa dibdib si Zayr kahit na mas siya ang nasasaktan sa paggawa nito.

Turquoiseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें