CHAPTER 2

76 4 3
                                    



Gal's POV

Erah named the group TUBIG IS WATER


Erah added you


Erah: Mula ngayon, ito na ang group chat nating walo.


Keifer: Mula ngayon, pag-ibig ko'y sa'yo~


Erah: Ano ba 'yan mahal, wala pang anniversary pinapakilig mo na agad ako. Enebe.


Pierce: Kailan anniv niyo?


Erah: Sa 29. Invited kayo sa celebration namin.


Keifer: Swimming ulit, pero sa Seabreeze Resort naman.


Pierce: Ow, gusto ko 'yan! Sasama ulit kami. December 27 pa lang naman ngayon, eh. Makakapag-ipon pa.


Ky: Sasama ako, pero sana kasama na siya.


Pam: Hello! Sorry talaga hindi ako nakasama sa D'Anchor Resort. Hindi rin ako pwede sa 29. Aalis ulit kami, eh.


Habang binabasa ko yung conversations sa group chat, bigla akong binato ni Jas ng unan. "Swimming daw ulit. Sama tayo, ah? Sabihin ko na sa kanila."





"Okay." Inayos ko ang mga nakakalat sa kama ko. Puro kasi paperworks, eh. Ang dami naming school tasks.







"Ang bilis ko natapos, oh! Parang si flash lang ako, eh." Niligpit na rin niya yung mga kalat sa kama niya. Iisa lang kasi ang bedroom namin pero enough naman yung space. "Pero mas mabilis yung hero mo."






Bigla kong naalala yung gabing muntik na akong mahagip ng sasakyan dahil hindi ako nakatingin sa daan. "Alam mo ba, nagulat kaming lahat nung narinig naming sumigaw siya. Napalingon kami tapos nakita naming yakap-yakap ka na niya. Kung hindi niya ginawa 'yon, malamang nasagasaan ka na. Jusko!"






"Sobrang terrifying nung gabing 'yon." Ramdam ko talaga yung fear dahil akala ko, accident na yung magaabang sa akin.






"Pero siya ang nagtanggal ng fear mo." Ngumiti si Jas na para bang kinikilig.





"Ang daming nangyari sa isang gabing magkasama kayo. Siya yung nag-alalay sa'yo at nagmasahe nung pinupulikat ka, siya yung nag-abot sa'yo ng lagayan ng underwear at bra mo nung nakalimutan mo sa cottage, siya yung nanlibre sa'yo ng foods mo, siya yung nagbitbit ng bag mo nung nabibigatan ka na kahit di mo lang pinapahalata, siya yung nasa right side mo malapit sa kalsada – sa mga dumadaang sasakyan, para safe ka sa left side ng gutter, siya yung humila sa'yo palayo sa sasakyan na muntik ka nang mahagip, tapos niyapos ka niya para maalis yung gulat mo hanggang sa mawala na yung takot mo. He likes you, babes." Paalala niya.





"Maybe he's just being a gentleman." Pag-correct ko sa kanya.



"Sa tingin ko hindi naman niya gagawin yun ng paulit-ulit kung hindi siya interesado sa'yo." Pag-disagree niya. "Well, let's see where it goes."






"Babes, tignan mo yung group chat. Hahaha!" Pinakita sa akin ni Jas yung phone niya.






TUBIG IS WATER



Keifer: ANG TUBIG, INIIGIB. SI ERAH, INIIBIG.



Ky: Yung love ko parang water, it flows forever.


TurquoiseWhere stories live. Discover now