CHAPTER 28

21 0 0
                                    


Third Person's POV



Tahimik na nagbabasa ng mga libro sila Gal, Erah, Jas, at Pam sa library. Nang mapatingin si Erah kay Gal, napansin niyang hindi ito mapakali sa sarili. "Babes, Gal! Nahihirapan ka ba sa librong binabasa mo? Mukhang malalim kasi ang iniisip mo."



Natigilan sa pagbabasa sina Pam at Jas. "Ano bang iniisip mo, Gal?"



"Hindi ako nahihirapan basahin 'tong libro na 'to." Sinarado ni Gal ang librong hawak niya. "Nahihirapan akong basahin 'yung taong mahirap intindihin ang utak. 'Yun bang pag-iisipin ka pa."



Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Gal at napangisi. "Si Zayr 'yon 'no? Ayieeee!"



"Shhh!" Saway ni Gal sa kanila dahil may mga napatingin sa kanila na nakatambay din sa library. "Observe silence, girls. Bawal maingay dito sa library kundi palalabasin tayo."



Pumalumbaba si Erah at tinignang mabuti si Gal. "Babes, ganon talaga ang buhay... may makikilala tayong tao sa mundo na ibang klase rin. Diba ang boring kapag hindi ka nahihirapang basahin 'yung nasa isip niya kapag alam mo na?"



"Oo nga naman... walang thrill kapag hindi mysterious ang isang guy." Tinaas baba pa ni Jas ang kilay niya.



"Kasi shempre hindi mo na siya iisipin, hindi mo na siya huhulaan, at mas lalong hindi mo na siya kikilalanin kung alam mo na ang lahat sa kanya." Paliwanag ni Pam. Nakinig lang ng mabuti si Gal sa kanyang mga kaibigan.



"Siguro iniisip mo si Zayr tuwing gabi bago ka matulog 'no?" Kantyaw ni Jas. "Baka tuluyan ka ng magkaroon ng insomnia niyan ha!"



"Hindi naman..." Lumayo ang tingin ni Gal at napaisip. "Pero minsan nakakatakot din malaman kung anong nasa isip ng isang tao 'no? Kasi baka pag nalaman mo na 'yung totoo, hindi mo matanggap, at pagsisihan mo pa."



"Pati sa pagsisisi natatakot ka?" Sinarado na rin ni Pam ang hawak niyang libro.



"Someone once told me about this thing called 'regret'." Tinignan sila ni Gal. "When you feel like regret is haunting you, you should prevent yourself from being scared. Because it won't haunt you if you're not afraid from it."



"Tama naman 'yon." Ngumiti si Erah. "Kung hindi ka takot sa pagsisisi, edi hindi ka na tatakutin nito. Ang kailangan mo lang ay tanggapin 'yung mga bagay na naging dahilan ng pagka lagapak mo, tapos maging matapang ka na."

TurquoiseWhere stories live. Discover now