CHAPTER 30

26 0 0
                                    


Gal's POV



Distansya.



Sinubukan kong dumistansya na sa kanya. Alam kong mahirap pero ito 'yung kailangan. Kasi kung pagpipilitan lang namin ang nararamdaman namin sa ngayon, mas lalo lang din kaming mahihirapan sa susunod na pagkakataon. Ganun naman talaga, diba? Kahit anong desisyon na gagawin mo sa pagmamahal, parehas ka lang mahihirapan. Pero mas pinili kong lumayo kaysa sa lumapit dahil alam kong hindi pa ito 'yung tamang oras para gawin 'yung gusto ko.



Love costs everything. Indeed it does, because if it doesn't... then it's not expensive. Love is something that is so dear and high-priced. It takes everything in us just to face it and have it. Simultaneously, love is free. Anyone can grab it, keep it, and cherish it in their hearts. It's just a matter of situation and time as to how it should be valued. Kaya sa lahat ng mga taong nagmamahal, kung sa tingin nilang karapat-dapat ang pagmamahal sa buhay nila, kinakailangan nilang magsakripisyo sa tamang paraan.



"Gal, nakakapanghinayang pa rin kasi hindi ka namin naipagtanggol kay Nerissa nung nasa garden kayong dalawa dahil nasa school court kami para sa volleyball game." Kasama ni Erah sina Pam at Jas sa tabi ko. Nandito kaming apat sa loob ng kwarto namin ni Jas. Nabalitaan na nila lahat nang nangyari – lahat-lahat. Hindi sila kinayang kumalma nung una pero pinaliwanagan ko naman na sila. "Babes, sorry."



"Kung alam lang namin na may ganung gulong mangyayari, sumugod na kami ng walang alinlangan! Dadalhin pa namin 'yung bola ng pang volleyball tapos ibabato namin sa mukha niya ng ilang beses!" Lumakas ang boses ni Pam pero nung narinig niya ang sarili niya, pinilit niyang kumalma.



"Kalma lang, Pam! Relax, chill, calm down." Hinaplos ni Jas 'yung likod ni Pam. Napansin kong napapikit si Jas at huminga ng malalim. "EH KASI NAKAKABWISIT NAMAN TALAGA 'YUNG BABAENG 'YUN, EH. ANG SARAP NIYANG – "



"Shhh!" Tinakpan ko ang bibig ni Jas. "Akala ko ba kalma lang?" Pinaalalahanan ko siya.



"Wag na kayong manghinayang doon. May rason kung bakit nangyari 'yun. May dahilan kung bakit nagkataong kaming dalawa lang ang nandoon." Pagkakataon na rin 'yun para magkaliwanagan na. At tsaka ako naman 'yung umalis ng school court nung sinabihan nila 'kong manood na lang sa kanila kung ayaw kong sumali. Ako 'yung nagpaalam na pupunta muna 'ko sa school garden.



"Sabagay, dumating din naman si Zayr. Hindi niya hinayaang mahuli na lang ang lahat." Tinignan ni Erah ang mga sugat ko. "Masakit pa rin ba?"



"Hindi na. Ginamot naman na 'to ni Zayr nung nagpunta kami sa park." Bigla namang napalitan ng lungkot ang inis nila dahil napaalalahanan ko sila tungkol sa usapan naming dalawa ni Zayr nung dinala niya 'ko sa park habang bumubuhos ang ulan.

TurquoiseWhere stories live. Discover now