CHAPTER 26

24 0 0
                                    




Gal's POV






"Pasuot nga nung cap mo!" Hiniram ni Erah 'yung ginagamit na sombrero ni Zayr. Nakaporma kaming lahat dahil invited kami sa birthday ni Ky.





"Saan mo isusuot?" Pinahiram ni Zayr 'yung cap kay Erah.





"Malamang sa ulo! Saan mo ba gustong suotin ko? Sa paa?" Pambabara ni Erah. Pero tama naman, alangan namang sa iba pa diba?






"Oh, andito na pala kayo!" Salubong samin ni Ky sa labas ng bahay niya.





"HAPPY BIRTHDAY!" Bati namin at pinapasok naman niya kami. Wala kaming tangible gifts pero andito naman ang presence namin.





Well, presence is better than presents. What's the sense of presents if the one who gave those things to you isn't around, right?





"Hindi na ata makakarating si Pam... gabi na rin, eh." Tinignan ni Ky 'yung wristwatch niya. "Umalis nanaman sila ng family niya." Oo, wala nanaman si Pam.





"Pero malay mo humabol. Charot. Hindi naman sa pinapaasa kita... uhm, siguro parang ganon na nga rin?" Natawa si Jas.





"Jas, tayong dalawa na lang 'yung hindi pa kumukuha ng foods, oh." Mahinang sabi ko sa kanya dahil inunahan na kami ng iba. Si Erah, nangunguna sa pagkuha ng pagkain. "Nakakahiya rin kumilos dahil sa mga bisita eh 'no?"





"Oo nga. Kahiya." Nailang din si Jas. Sabay kaming lumingon sa mga lalaki sa likod namin na nagkukuwentuhan habang kumakain. Mukhang kanina pa sila rito. Sila rin 'yung mga kalaro ng mga kaibigan namin sa basketball.





"ZAYR, DITO KA!" Yaya ni Crampus, isa sa mga basketball players. "MALUWAG PA PWESTO RITO."





Hawak na ni Zayr ang paper plate niya na may lamang pagkain. "Wag na, parang masikip na diyaan, eh. Dito na lang ako." Tumingin siya sa'kin at umupo sa bandang kanan ko.





"'Di pa kayo kakain? Ikaw, 'di ka pa kakain?" Tanong niya.





Umiling ako. "Kayo na muna."





"Basta sumunod ka na ha? Kain ka na." Sinabihan niya 'ko.





"Ayieee, nilalapitan ka oh..." Kantyaw ni Jas na nasa kaliwa ko naman.





"Kuha na nga tayo ng pagkain." Niyaya ko na lang si Jas na kumain na kami kesa sa asaran pa kami mabusog. Nagsimula na kaming namili ng pagkain.





"Oh, bakit ngayon lang kayo kumuha ng pagkain?" Gulat na tanong ni Ky sa amin ni Jas.





"Si Gal kasi, eh." Hala! Ako pa sinisi ni Jas.


"Naiilang lang 'yan... mahiyain 'yan, eh." Nakangiting sabi ni Zayr kay Ky habang napapatingin sa'kin. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na agad kayla Jas at Erah.





"Erah, bakit sobrang sobrang sobrang sobrang dami mo namang kinuhang pagkain?" Nanlaki pa 'yung mga mata ni Jas sa plato ni Erah. Maski ako nagulat.





"AY HOLO SOREH MAMSHEYS... HAHAHAHA!" Halos mukhang 'di rin makapaniwala si Erah sa sobrang daming laman ng plato niya. Natawa na lang kami sa itsura niya. Pero mauubos niya 'yan, sampu 'yung tiyan niya, eh.





TurquoiseWhere stories live. Discover now