CHAPTER 4

37 3 2
                                    



Gal's POV

"Crush mo talaga si Gal, eh! Oh my! Sabi na nga ba type mo talaga 'yung pinsan ko, eh." Gulat na sabi ni Jas at hinampas ako sa balikat dahil sa tuwa.





"Bakit pangalan niya 'yung sinulat mo? Anong dahilan ng pagkakacrush mo sa kanya?" Tanong sa kanya ni Pierce.





Umiwas na naman ulit si Zayr sa topic. "Eh basta."





"Heto talaga, nabibili 'yung sagot." Tinuro ni Jas si Zayr at umiling-iling. "Bago sumagot, kailangan mo pang pilitin o hulihin. Ang hirap paaminin."





"Eh 'yung kanya nga hindi ko nabasa, eh." Pagtukoy sa akin ni Zayr. "Hindi ko maintindihan. Naglelettering pa ata, eh."





"Huwag mong ipasa sa pinsan ko, Zayr. Ikaw 'yung tinatanong, eh." Natatawang sabi ni Jas dahil mukhang hot seat nanaman si Zayr.





"Eh." Pagtanggi niya kaya hindi na nila tinanong pa.





Lumangoy ako palayo pero umahon din ako sa tapat nila at naglakad sa tubig pabalik sa hagdan. Napatigil ako nang maramdaman kong nangangalay yung paa ko.





"Anyare, babes?" Nagtatakang tanong ni Jas. Napansin kong may hawak na siyang cellphone at nagpipicture-picture. Maingat lang dahil baka mahulog sa tubig.





"Wait, nangangalay paa ko." Biglang bumabad sa tubig si Zayr papunta sa akin at kinapitan ako sa kamay. Inalalayan niya ako para makabalik sa pwesto naming apat.





"'Yun, oh!" Pag-react kaagad ng dalawa na magkatabi sa pool stairs.





Nagkatinginan kaming dalawa ni Zayr. Tinignan niya ang itsura ko na para bang ineexamine niya ako ng husto. "Ang gulo na ng buhok mo. Mahirap mag swimming kapag ganyan."





Tinanggal niya yung ponytail sa wrist niya at tinalian ako. Naka upo ako sa isang palapag ng hagdan habang siya naman ay nasa itaas na palapag. "Ayan, tapos na. Oh diba marunong ako?"





Kinapa ko ang buhok ko. "Oo nga, 'no."





Napalingon ako sa dalawa na tahimik na nagtitinginan at ngumingisi sa amin. Ang lalakas nanamang mang-asar.





"Ibabalik ko lang 'tong phone ko ah?" Pagpapaalam ni Jas at sumenyas pa kay Pierce na lumayo sa aming dalawa ni Zayr.





"Naiwan tayo rito." Sabi niya.





"Okay lang ako rito, sige sama ka na sa kanila." Tinuro ko sila Erah sa kabilang side ng pool na nagbabonding.





"Hindi, huwag na. Mag-isa ka lang dito pag umalis ako, eh." Desisyon niya.





Tahimik lang akong naka-upo. Bigla naman niyang tinuro yung azure sky. "Tignan mo, oh. Ang ganda tignan ng langit."





Bigla kong naalala 'yung times na nasa D'Anchor kami. Outdoor pool din 'yung pinagswimmingan namin. Ang ganda talagang tignan ng skies.





"Ano, masarap ba kuhaan ng litrato? Kaso walang pang-kuha sa ngayon, eh." Sabi niya sa akin. "Napansin ko kasi na mahilig ka sa pictures. May photography skills ka, 'no? Maganda 'yan."





He was right. I love taking pictures whenever I see beauty around me. It is relaxing and prominent to appreciate the environment and other things which are astounding. Hilig ko lang talaga. Ang sarap kasi sa feeling kapag magaganda ang pictures na kinuha ko.





TurquoiseWhere stories live. Discover now