CHAPTER 27

15 0 0
                                    


Gal's POV



"Bakit hindi pumunta man lang dito si Zayr?" Hinahanap ko siya kanina pa. Lahat kasi kami nandito sa bahay ni Pam, nag movie marathon kami. Siya lang ang wala.



"Noon tinataboy-taboy mo siya kapag nandiyaan siya tapos ngayon namang wala siya tsaka mo siya hinahanap-hanap. Babes, ang gulo mo rin eh 'no?" Nalito na sa'kin si Erah.



"Shempre siya lang ang wala rito kaya ko hinahanap. Celebration ng monthsary nating Tubig is Water eh, kaya dapat complete tayo." 19 ngayon, 'yun din 'yung date ng nagkasama-sama kami for the first time sa resort.



"Wews? Ang sabihin mo, namimiss mo lang siya kaya mo siya hinahanap ngayon!" Pag kontra ni Jas.



"Hindi 'no! At bakit ko naman siya mamimiss?" Depensa ko sa sarili,



"Shempre sanay kang kasama siya, tsaka mahal mo siya!" Sagot ni Pam.



"AYIIIEEE!" Pangaasar nila Keifer, Ky, at ni Pierce. Nagbabatuhan pa sila ng unan. "ZAYL FOREVER!"



"Mas sweet pa kayo sa pinapanood nating romantic movie, eh." Niyapos ni Keifer 'yung unan.



"Fan niyo kami!" Ginaya naman ni Ky 'yung ginawa ni Keifer. Parang mga sira.



"Bubuo na kami ng Zayl Club tapos kaming lahat na mga kaibigan niyo ang kasali sa admin. Presidente kaming lahat!" Tumawa si Pierce.



"Ewan ko sa inyo!" Sagot ko. "Alam niyo namang may girlfriend na 'yung tao, sa'kin niyo pa rin siya pinagtutulakan."



"Shempre, ikaw naman talaga 'yung mahal ni Zayr, eh." Parang ewan din 'to si Pierce, eh. Naririnig ba niya 'yung sinasabi niya?



"Bakit niya babalikan 'yung ex niya kung hindi niya mahal diba?" Hay nako, simple lang naman 'yun. Ibig sabihin, 'yun ang mahal niya. 'Di ako.



"Basta, wag mong isiping pinapaasa ka namin o ano... totoo 'yung sinasabi namin na mahal ka nun." Sumeryoso naman si Keifer. Ano bang ibig nilang sabihin?



"Tigilan niyo nga kami. Nabasa ko accidentally kanina 'yung conversation nina Nerissa at Ky sa Messenger. Gamit pa nga ni Nerissa 'yung account ni Zayr, eh." Nasa likod kasi ako tapos nasa harapan ko si Ky, tapos bigla kong nakita na nagpakilala si Nerissa sa account ni Zayr. Binasa 'yun ni Pam at sinabi niya na rin sa'kin.

TurquoiseWhere stories live. Discover now