CHAPTER 15

17 1 0
                                    


Gal's POV


"Crush mo 'ko noon pa?" He raised his head as I asked him. "Parang 'di ako naniniwala." Totoo ba 'tong sinasabi niya?



"Ikaw bahala kung ayaw mong maniwala." Ngumiti lang siya.



Hindi nga ba ako naniniwala o hindi lang makapaniwala?



Seriously, parang nananaginip lang ako. Knowing him, he's always quiet when it comes to serious matters. Hindi siya mapaamin ng ganyan, hindi siya open sa ibang bagay kasi hindi naman siya direct to the point magsabi. Nasanay lang siguro ako sa mga actions niya kaya naninibago ako nang dagdagan niya na ng words.



"Pero bakit mo naman ako crush?" Sorry na, matanong talaga 'ko!



"Sabi ko diba wala ka na dapat itatanong na kasunod?" He smirked. "Matanong ka talaga eh 'no?"



"Bakit nga kasi? Sabihin mo na." Hinintay ko siyang magsalita ulit.



"Hmm, bakit nga ba?" Nag isip pa siya. Pabalik balik pa 'yung tingin niya sa taas, sa may bubong, at sa'kin habang napapangiti.



"Magkaka crush ka sa tao ng hindi mo alam 'yung dahilan?" Pwede ba 'yun? Pinag iisipan niya pa. O baka naman nagpapabitin nanaman siya?!



"Wait. Meron na 'ko sa isip pero nahihirapan akong sabihin." Umiwas siya ng tingin sa'kin.



"Dali na." Sabi ko sa kanya.



"Kasi naman 'yung mga tanong mo ang hihirap pagsasagutin, eh." Natawa siya.



"Ayaw mo ba? Okay." 'Di ko siya nilingon.



"Wala akong sinasabi na ayaw ko ah! Maganda nga 'yon eh, nasasanay na 'ko sa mga tanong na ganon para natututo na 'kong sumagot. Hirap kasi talaga 'ko, eh." Obviously, hindi siya outspoken. Kaya siguro naiisip ng mga kaibigan niya na torpe siya at mahirap pilitin kasi tahimik lang at walang imik pagdating sa hotseat situations.



"Nagtatampo ka nanaman, tampururut." Sinubukan niya 'kong patawanin sa titig niya at pasimpleng tawa. "Oh eto na, sasagutin na kita."



"Oh ano?" Tinignan ko na siya.

TurquoiseWhere stories live. Discover now