CHAPTER 23

15 0 0
                                    


Zayr's POV


"Mga pre, umayos kayo ah!" Sinabihan ko sila Keifer, Pierce, at Ky. Nagpasama kasi ako sa kanila rito sa may Siomai Stall. Magkikita kami ni Gal, ililibre ko siya kasi siya nanaman ang top 1 sa klase nila.



"Opo boss!" Pumayag sila. Paano ba naman kasi, nilibre ko sila ng siomai kaya hindi raw sila mangaasar. Nakakahiya kasi sa tindera kapag nag-ingay nanaman sila, eh.


"Behave lang kami." Pangako ni Keifer habang tinutungga 'yung toyo sa tray ng siomai.



"Babalik din naman kami sa court, eh. Pag naubos na 'tong kinakain namin." Pinagkasya ni Ky 'yung tatlong piraso ng siomai sa bunganga ay este bibig niya.



"Nagpapalakas lang kami. Napagod kasi kami sa laro natin kanina." Ubos na ni Pierce 'yung kinakain niya. Hinihintay niya lang 'yung dalawa na malapit na rin matapos. "Oh ako ang look out – tagatingin ako kung malapit na rito si Kendall Jenner, hehe."



"Asan na kaya siya?" Konti lang naman lalakarin niya, eh. "Ay oo nga pala! Sabi niya kanina sa'kin, nakatulog daw siya. Baka nag-aayos pa siya."



"Uyyy, pare atat na atat ka ah?" Tinusok-tusok pa ni Ky 'yung tagiliran ko. Hanep! "Oh, pare! Ayan na pala si Gal, eh. Naglalakad na papalapit."



"Peram nga ng cellphone mo." Hinablot ko kay Pierce 'yung phone niya para tignan sa camera kung ayos lang ba ang buhok ko. Shempre kelangan pogi points!



"Hi Gal!" Bati nila. Teka, medyo tinatamaan nanaman ako ng hiya, eh. Anak ng puso talaga, oo! "Zayr, una na kami ah?"



"Oh, aalis na agad kayo?" Parang gusto pa silang pigilan ni Gal.



"Oo, eh. Kailangan pa naming pumunta sa court. May hindi pa kasi kami natatapos na laro." Si Ky na ang nagpaliwanag. "Sige, enjoy your date ay este your quality time together!"



"BYE ZAYL!" Pagpapaalam nila. Zayr + Gal = Zayl?



"Ah, upo ka." Kinuha ko ng mauupuan si Gal. Meron naman kasing kainan dito sa tabi ng tindahan. Medyo maliit lang 'yung mesa dahil pang dalawahan lang talaga.



Umorder na 'ko ng ilang trays para sa siomai. "Shark's Fin po, lola. Hindi maanghang." Paalala ko sa nagtitinda.

TurquoiseWhere stories live. Discover now