Chapter 257

700K 26.6K 33.2K
                                    

A/N: Nakalimutan kong mag-thank you sa lahat ng bumati sakin nung birthday ko.

And thank you din sa lahat ng sumusuporta sa AMNSE, at least once naging #1 sya sa TeenFiction.

Enemy who?

Jay-jay's POV

Tagaktak ang pawis ko. Mahapdi din ang pulsuhan ko dahil sa sikip ng pagkakatali nila.

Hindi na ulit ako kinausap pa ng hudas na to. Panay lang ang salita nya sa mga kasama nya ng salitang hapon. Mabuti nalang at nakaramdam tong mga kasama ko at nag-sitahimik din.

Ryosuke Sato!

Yun ang pangalan nya. Ryo ang tinatawag sa kanya ng mga kasama nya. Pero mas gusto ko syang tawaging Gunggong.

Nakakainis! Hindi ako makaisip ng pwedeng gawin dahil baka madamay sila Mica. Baka sila ang pagbuntunan nya. Kahit pagsasalita hindi ko magawa dahil baka hindi sya matuwa sa sasabihin ko.

"You!" Sabi nung Gunggong sabay turo kay Ella. "...why are you looking at me like that?"

Halatang hirap syang magsalita ng english. Tinignan ko si Ella na itinuro nya. Gusto kong sampalin ang noo ko dahil sa itsura nya. Hindi nga sya nagsasalita pero ang sama naman ng tingin nya kay Sato.

Sige lang... Gandang moves nyan.

"Because I don't understand—."

Mabilis na pinutol nung Sato ang sasabihin nya. "You don't have to."

Hindi ko mapigilan na hindi maki-alam. Ang dami nya kasing kailangang idamay.

"Bakit pati sila andito? Ako lang naman kailangan mo diba?"

Lumipat ang tingin nya sakin. "Yes, but things didn't work well because of Jason."

Si Friday the 13th?

Yung nakalaban namin sa gotohan. Yung naka-motor na maganda. Buhay pa kaya yon?

"...what I want is Keifer, Yuri and their gang." Dagdag nya pa.

Gang? Sino? Yung mga Ulupong? Eh hindi naman Gang yung mga yon. Gang-gangan (feeling Gang) pwede pa.

Isa pa! Wala yung Hari nila. Alangan namang intayin pa naming umuwi yon. Jusme! Baka graduation na sa HVIS andito pa rin kami kasi hindi pa rin nagpapakita yung isa.

"Baka pwedeng wag mo na silang isali pa dito? Pupunta naman yung mga yon kahit ako lang ang hawak mo." Sabi ko ng may pakiki-usap ang tono.

"Then ikaw lang ang bida?!" Maarteng singit ni Freya.

"Ay tanga." Bulong ni Ella pero halatang parinig.

Kahit hindi kami okay sa alright ni Ella.... Sasang-ayon ako sa kanya.

"What?!" Inis na tanong ni Freya.

"Actually, I agree with her." Gatong pa ni Honey patukoy sa sinabi ni Freya. "...ang dating kasi ikaw lang ang ililigtas. Ikaw lang ang bida."

"Ay isa pang engot." Sabi ni Rakki habang napapa-irap.

Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader dahil sa katangahan ng dalawang to. Gumagawa na nga ako ng paraan para maka-alis sila dito tapos yun pa talaga ang nasa isip nila.

Wow.... Just wow.

"Urusai!" (Shut up!) Sigaw ng Gunggong samin.

"WHAT?!" Sabay na tanong ni Freya at Honey

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Where stories live. Discover now