Chapter 259

700K 25.6K 40.8K
                                    

A/N: Torplise means Surprise.

White & Red

Jay-jay's POV

Naririnig ko na ang paghikbi ni Ella mula sa likod ko. Kahit ako gusto na ring umiyak ng malakas. Wala pa namang sinasagot si Percy pero yung seryosong tingin nya ay sapat na para bumigat ang kalooban namin.

"Asan sya?!" May halong paki-usap ang boses ni Ella.

"P-percy... Asan si Aries?" Tanong ko.

Napayuko sya sandali bago magbuntong hininga. "Si Aries..." Panimula nya at ganun nalang ang pigil ko sa paghinga ko dahil baka tuluyan na kong bumigay. "...si Aries...kasi..." Tumingin sya sa bandang likod namin. "...Ayan! Parating na!"

Lumingon agad ako para tignan ang tinuro nya. Marumi ang damit at may talsik ng kaunting dugo, halos sing-dami lang ng kay Percy. Diretso naman ang lakad at parang walang nangyari'ng masama.

Agad na tumakbo si Ella palapit sa kanya. Mahigpit na yakap agad ang sinalubong nya.

Okay... Yung girlfriend muna, mamaya na yung kapatid.

Nang masiguro kong okay naman sya. Agad kong hinarap ang hayop na Percy. Pero ang hudas mabilis na nakatakas. Tanging ang pagtawa nalang nya ng nakakaluko ang narinig ko.

"PUNYETA KA PERCING! HINDI NAKAKATUWA BIRO MO!" Galit na sigaw ko.

"Mwuhehehehe..." Lang ang narinig ko galing sa kanya.

Kingina! Muntik na kong lumumpasay dahil sa kaba. Akala ko kung ano nang nangyari sa kapatid ko.

Hinarap ko na ulit si Aries na kayakap pa rin si Ella. Hindi muna ko nagsalita dahil ayoko silang istorbuhin. Masaya na kong malaman na ligtas sya at walang kahit na anong nangyari'ng masama sa kanya.

Ilang segundo lang ang nakalipas ng tignan ako ni Aries. Bumitaw sya kay Ella at agad na lumapit sakin. Hindi naman ako nag-atubili na salubungin sya ng yakap.

"Bwisit na Percy yun! Akala ko kung ano na nangyari sayo!" Sabi ko habang naka-subsob sa dibdib nya.

Mamaya sakin ang baliw na yon.

"Okay na... Tapos na, wala ng mang-gugulo sayo." Bulong nya sakin bago bumitaw sa pagkakayakap. "...anung nangyari sa muka mo?"

"S-si Sato yan... Yung kaninang nilayo nya ko sa inyo. Ngayon lang lumilitaw mga marka."

Niyakap nya ko ulit at hinalikan sa noo. "Patay na si Sato."

Nabigla ako at napabitaw sa kanya. P-patay na? Panong? Sinong? Teka! Hindi pa ko nakakaganti sa kanya.

Parang ang hirap maniwala. Oo, galit ako sa kanya pero hindi naman ako umabot sa punto na hinihiling kong mamatay na sya. Hindi naman ako ganun kasama. Maldita lang ako.

"S-sinong—?"

"Pinatay nya ang sarili nya." Mabilis nyang putol sa sasabihin ko.

Nagpakamatay ang Gunggong.

"Ano?!"

"Sinabi kasi ni Yuri na tumawag na sya sa Japan Embassy para ipahuli sya. Mukang ayaw nyang pahuli ng buhay sa dami ng kaso nya." Paliwanag nya.

Napa-tango-tango naman ako. Akala ko isa sa kanila ang may gawa non. Speaking of Yuri napangiti ako kay Aries. Magkakasama sila kanina, ibig sabihin ba non?

"Hindi na kami magkakabati, kung yan ang nasa isip mo." Sagot sakin ng Horoscope kaya nawala ang ngiti ko.

"Bakit magkakasama kayo?"

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon