11: Beach

28.9K 265 4
                                    

MEIKO'S POV

Nakasakay kami ngayon sa van papuntang private beach resort na pupuntahan namin.

Sabi ni daddy clive na matalik nyang kaibigan ang may ari ng beach resort na iyon kaya libre lahat.

Nag reserve din sila agad ng vip rooms.

Excited na tuloy ako..

Ngayon ay nasa likod kami ni kuya sa van, si daddy ang nag drive tapos si mama ang nasa front seat.

Hindi ko lang alam bakit nasa tabi ko si kuya, eh may ibang bakanteng upuan naman sa gilid. Sinabihan ko sya pero sabi nya na mas gusto nya daw sa tabi ko.

As usual, hindi rin naman ako mananalo sa kanya kaya hinayaan ko nalang sya. Ayoko na din ng gulo.

"Wala na ba kayong naiwan?"

"Wala na po" sagot ko kay daddy clive.

"Okay, let's go.."

Pinaandar nya naman ang van at nagsimula nang magmaneho.

Alas otso pa ng umaga, maaga kasi kaming gumising dahil sabi ni daddy medyo malayo daw yung beach resort na yun, 3-4 hours ang byahe kung walang traffic.

Nakikinig lang ako ng kanta sa headset ko.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko, matutulog nalang ako. Di kasi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Narinig kong tinawag ako ni kuya ng mahina pero binalewala ko nalang iyon, gusto kong matulog.

Nakaramdam ako ng bigat sa balikat ko.

Binuka ko ng konti ang mga mata ko at nakita ko ang ulo ni kuya na nakasandal sa balikat ko.

Yung isang kamay nya naman, nakasandal sa ibabaw ng binti ko.

Pagsasabihan ko na sana sya pero hinayaan ko nalang. Mas mabuti nang makatulog na din sya para iwas gulo, andito pa naman si mama at tito clive.

Bumalik nalang ako sa pagtulog.

⏩⏩ FAST FORWARD ⏩⏩

Nagising na ako, tinignan ko ang relo ko. Malapit na pala mag alas onse.

Tinignan ko si kuya, gising na sya at kumakain ng potato chips.

Nilapit nya saken ang chips, nangangahulugan na kukuha ako kung gusto kong kumain.

Medyo nakaramdam na rin ako ng gutom kaya inabot ko yung kamay ko para kumuha ng chips pero inilayo nya iyon bago pa ako makakuha.

Sinamaan ko sya ng tingin at inabot ulit yung chips na inilayo nya pa lalo papunta sa likod nya.

Hindi ko nalang sya pinansin at iniangat ko yung sarili ko para kumuha ng chips na hawak hawak nya sa malayo.

Inilapit ko pa yung sarili ko para abutin yung chips kasi nagugutom na ko nang..

*SMACK*

!!!!

"Kuya?!!"

Diin kong sabi.

Tumawa lang sya. Halikan ba naman ako sa pisngi?! Baka nakakalimutan nya na nasa harap si mama at papa nya?!

"Sayo na nga lang yan!"

Bumalik ako sa pagkaupo at nakinig ulit ng headset.

"To naman, kung tutuusin di pa nga yan ang mararanasan mo saken"

He's saying those weird things again!

Maya maya pa, napansin kong may katawag sya sa cellphone nya.  Di ko marinig ang pinag uusapan nila dahil naka headset ako at full volume to.

[R18] My Step Brother Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon