29. Exchange Student

16.1K 186 80
                                    

A/N: I will finish this story no matter what kahit matagalan pa and if ever na matapos ko na ang story na to, gagawa ulit ako ng panibagong storya. Wapakels wahaha. Labyu readers esp sa mga voters and commentors Hindi man ako nakakapag reply sa inyo, nagpapasalamat pa rin ako sa pag supporta nyo sa story ko pati na rin sa simpleng pagbasa lang. Luv yall from the bottom of my sinner heart HAHAHA


🌹🌹🌹🌹🌹🌹

MEIKO'S POV

Papunta ako ng skwelahan ngayon, ang aga kong nagising mga alas singko ng umaga kaya maaga nalang din ako pumasok.

Usually maglalakad ako kapag maaga, marami pa naman kasing natitirang oras tsaka hindi naman gaanong malayo yung skwelahan namin sa bahay nila Keiji.

Nung makapasok na ako ng campus ay nagtungo ako sa room namin.

Nagulat ako nung madatnan ko si Ivan na nakatayo at nakatingin sa labas ng bintana..

"Maaga ka ata eiko.." Sabi nya ng hindi lumilingon..

"Maaga ka nga rin eh.."

Tumayo naman sya at lumingon sa direksyon ko..

"Nakita kitang naglakad papasok dito mula sa baba."

Hindi nalang ako kumibo at nilagay yung bag sa upuan..

"Meiko.. Nakalimutan mo na ba yung usapan natin?"

"Anong usapan?"

"Nakalimutan mo ata yung sinabi mo na ngayong araw tayo mag uusap dahil hindi ka pumayag na makipagkita saken nung sabado.."

Naalala ko yung text nya saken bago ako madulas sa hagdan.. Oo nga pala, sinabihan ko sya na sa lunes kami mag usap at ngayon yun.

Nakalimutan ko ata dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw..

"Meiko tabihan mo ko dito"

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko tsaka tinabihan sya.

"Sorry..."

Sana, sana eto na ang huling pagkakataon na hihingi sya ng tawad saken dahil sa nagawa nya.

"Sorry sa mga nagawa ko sayo meiko.. Sorry kung minsan nawawala na ako sa sarili ko.. Hindi kasi ako sanay na binabalewala mo ko.."

Hinawakan nya naman yung kamay ko..

"Patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko sayo.."

Napabuntong hininga nalang ako.. hindi naman pwedeng ipairal ko nalang palagi yung pride ko, magkaibigan kami ni Ivan simula nung mga bata pa kami at dahil dun, medyo mahina ako pagdating sa kanya kaya minsan kahit may nagawa sya saken na hindi ko ginusto, papatawarin ko sya.

"Sorry din Ivan.."

Nagulat naman sya dahil sa sinabi ko.

"B-bakit?"

"Dahil sa mga inaasal ko sayo.. N-nabigla lang kasi ako sa ginawa mo.."

Hindi ko talaga alam kung bakit ganun nalang ang reaksyon ko nung ginawa saken ni Ivan yun, samantalang kay keiji...

Ewan ko, hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko..

"Meiko alam ko na binigla kita sa mga ginawa ko, patawad kung nasaktan kita.. Hindi mo naman kailangan mag sorry, ako yung may kasalanan kung bakit tayo nagkakaganito.. kung hindi lang sana ako nagkagusto sayo hindi mangyayari to"

Nginitian ko nalang sya.. Sana nga lang hindi ako ang nagustuhan nya, hindi naman talaga dapat dahil magkaibigan kami.. Pero hindi ko masisisi si Ivan, dahil alam ko na hindi nya pinili na magkagusto saken, kusa lang talaga yun nangyari at hindi nya kayang mapigilan yung nararamdaman nya..

[R18] My Step Brother Where stories live. Discover now