43: Perceived but Unaccepted feelings

7.9K 102 131
                                    



MEIKO'S POV

Pagkagising ko ay nakahiga na ako sa kama..

Teka..

Kagabi.. nakatulog ako dun sa balkonahe..

Ibig sabihin dinala ako ni Keiji dito.. Ako dapat yung gumising sa kanya pero sya ata yung nagising at naglipat saken sa loob.

Napabuntong hininga nalang ako at chineck yung oras..

Medyo maaga pa naman pero maliligo nalang ako, mahirap na ma late sa first subject, si Sir. Lim pa naman yung prof namin nun..

Bumangon ako ng kama at pumunta ng CR sa kwarto ko saka naligo..

Pagkatapos ay nagbihis muna ako ng white polo at knitted vest, mamaya nalang yung coat at ribbon kasi kakain pa naman kami, baka mamantsahan..

Bumaba agad ako para magluto.. at naabutan ko naman si Keiji na umiinom ng tubig..

*Gulp*

Naka towel lang sya sa baba at basa yung buhok nya, kakatapos nya lang ata maligo..

Napahawak ako sa dibdib dahil bigla bigla nalang ito kumabog ng malakas..

Pinakalma ko muna yung sarili bago bumaba..

Palagi nalang to nangyayari saken simula nung nanatili ako dito kasama sila mama at daddy clive..

Dumeretso nalang ako sa kusina ng hindi tumitingin sa direksyon kanya..

Hinanda ko yung mga gamit na gagamitin ko para sa pagluluto at yung mga lulutuin ko..

"Meiko"

I kinda startled when he called me..

Lumingon naman ako sa kanya na nasa gilid ko lang...

Basa pa rin yung katawan nya, pati yung buhok nya tumutulo pa dahil sa basa..

"A-ano yun?"

Lumapit pa sya saken, umiwas agad ako ng tingin at nilinis yung mga gulay..

"Are you seriously going to cook with your knitted vest on?"

"O-oo.. Bakit?"

"Come on Meiko, Isn't it obvious? You're going to stain it, It's a soft cotton kaya madali lang mamantsahan, and if that happens, you're going to go to school with a visible stain. It's better to leave the white polo instead, so if mamantsahan man, the knitted vest will cover it.. Does it makes sense?"

Ngayon ko lang napagtanto..

"Tama ka.. S-sige, huhubarin ko nalang to.."

Huhubarin ko na sana yung knitted vest ko pero pinigilan nya ako.

"I'll do it for you instead"

Bago pa ako makapagsalita ay pumunta na sya ng likod ko at inangat agad yung knitted vest.

Inangat ko na rin yung kamay ko sa taas para mas madali lang matanggal..

"I'll place this on your room together with your uniform alright?"

Sabi nya.. Hindi pa rin sya umaalis sa pagkakatayo nya dun sa likod ko..

Napansin ko na tumutulo yung tubig galing sa buhok nya dun sa balikat ko..

Tumingala naman ako at tinignan sya..

[R18] My Step Brother Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ