35: Bestfriend's Request

13K 129 125
                                    


MEIKO'S POV

Binilisan ko ng lakad patungo sa baba, kasing bilis ng pagkabog ng dibdib ko pagkatapos ng nangyari.

Hinalikan nya lang naman ako ulit bago ako makalabas ng storage room!

Ilang araw na din naming hindi ginagawa yun..

Mabuti nalang at huminto sya kung hindi... Hindi ko na alam kung ano ang susunod na mangyayari..

Pinikit ko ang mata ko..

Meiko... wag kang mag papaapekto sa kanya!

*BOOG!*

"A-aray..."

Napahawak ako sa likod ko pagkatapos kong mapaupo sa sahig nung may nabangga ako..

"Eiko?! Okay ka lang?!"

Tumingala ako..

"Ivan?"

"Pinuntahan kita dito kasi wala kapa sa room tsaka hinanap ka ni Maureen, kung hindi mo daw makita, wag mo nalang daw hanapin. Magpapagawa nalang tayo ng bago.. Halika"

Inilagay nya yung kamay nya sa likod ko at ipinatayo ako..

"Nahanap ko yung costume.."

Lumingon sya sa box na nasa sahig, mabuti nalang at hindi iyon natapon..

"Mabuti naman. Ako nalang ang magdadala neto"

Kinuha nya naman iyon.

"Okay ka lang ba meiko? Bakit parang nagmamadali ka?"

"Ah ano, baka ma late ako eh.."

"Tara, ipakita natin to kay Maureen and let's see what she'll say about this"

Tumango ako, bumaba naman kami at nagtungo sa classroom..

Pagkarating namin dun agad namin pinuntahan si Maureen sa seat nya at ipinakita yung costume..

"Wow! Ang ganda.. Ibigay muna natin to sa mga helper ng school and let them wash this. I'll let you know if we can do the fitting"

Binigay ko sa kanya yung susi ng storage room..

"Thanks meiko"

Sakto namang pumasok yung Teacher namin kaya pumunta kami sa kanya kanya naming mga upuan.

"Good afternoon, Class. Please settle down cause I'll begin my discussion shortly"

Maya maya pa ay nagsimula nang mag discuss si Sir.

Hindi ako makapag concentrate!

Bigla ko nalang naiisip yung nangyari dun sa storage room!

Meiko, makinig ka kung ayaw mong mag make up class!

⏩⏩ FAST FORWARD ⏩⏩

Kakatapos lang namin mag practice..

Apat na araw nalang at magsisimula na yung event..

We all memorized our lines already, lahat, pati na rin yung positioning, at acting namin..

Our performance during practice went smoother as the time goes by...

And the ending scene...

Hindi na ako naiilang, nasanay na ako at nilunok ko na yung kaba ko sa kaka practice namin..

"Good work for today everyone! Pero bago tayo umuwi, I fi-fit muna natin kina Ivan at Meiko yung Romeo and Juliet na costume! Don't worry guys, for the rest of the actors, tapos na yung costume nyo, ihahatid iyon anytime by tomorrow afternoon.. but for now, let's all go to studio room and see how our main characters slay their costumes haha"

[R18] My Step Brother Where stories live. Discover now