34: Storage Room

14K 126 93
                                    

MEIKO'S POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung makita ko si Keiji dun sa 8th floor..

Wala pa rin akong ideya kung anong nangyari sa kanya at bakit nandun sya.. Bihira lang kasi makapasok yung mga normal na estudyante sa floor na yun unless kung pinapasok sila ng SGA members o kung inutusan sila na pumunta dun.

Tsaka parang pagod sya pagkakita ko sa kanya.. pinagpawisan kasi sya at yung uniform nya ang gusot.

Hindi ko na nga pala sya masyadong nakikita sa campus.. yun ang huling kita ko sa kanya. Hindi ko alam san sya nagpupunta.

Bahala na, labas na ako dun.

"Ivan, after meiko's line, touch her right cheek and say your line, you already know what it is. Just take a look at your script, and meiko, after Ivan's line, you stand up and walk away, and then Ivan will pull your hands and...."

Nandito kami sa school grounds, Nagpapractice.

May Event kasi next week at mag peperform kami.

There are four performance in total.

Stage Play, Band, Dancing & Comedy at ang nabunutan ng section namin ay "Stage Play".

Each year level, isang performance at isang section na representative. Kami yung representaive ng 2nd Year.

May isang linggo kami para mag practice. Tsaka hindi kami pwedeng mapalpak kasi lahat ng students manonood pati yung mga admins, uppers at teachers..

Ang i pe-perform namin ay Romeo & Juliet at kami ni Ivan yung main characters, Ibig sabihin, ako si Juliet at sya si Romeo.

Yung mga kaklase ko yung nagtutulak na kami yung main character, ayaw sana naming tanggapin ngunit yun ang desisyon ng class president namin.

Iniisip ko palang yung araw na mag peperform kami, kinakabahan na ako. Hindi ko pa kasi naranasang mag perform sa harap ng maraming tao..

Binigyan na kami ng kanya kanya naming script matapos maibigay ng class president yung kanya kanyang role namin kahapon.

Extended ng one hour yung lunch break namin para makapag practice kami kaya nabago yung time schedule ng afternoon class namin pansamantala.

Nag papractice din kami every after class and that is only good for two hours kaya gabi na kami lagi nakakauwi ni Ivan.

"Okay! Position yourselves everyone! Back to the top!"

Lahat naman kami ay inayos yung sarili, pumunta sa kanya kanya naming lugar.. Yung hindi pa kasali sa scene ay isasantabi muna.

"Action!"

Nag perform na yung mga kasali sa first scene.

Kami ni Ivan nasa gilid muna binabasa yung script habang nag peperform sila, mamaya pa kami lalabas kapag oras na namin.

"Kinakabahan ka pa rin ba?"

Tumango naman ako bilang tugon sa tanong nya..

"Wag kang mag alala, kaya natin to.."

Nginitian ko nalang sya.. Hindi dapat ako nagpapadala sa kaba, dapat ay kampante ako kahit practice pa namin.

"Good! Now, next Scene! Ivan, Meiko, Laura, Mae, Dennis & Clyde! Go!"

Pumunta kami sa harap at ginawa yung dapat naming gawin.. Buti nalang at hawak hawak namin yung script, sa tuwing nakakalimutan namin yung lines, titingin lang kami dun pero kailangan parin naming i memorize yun.

Kinakabahan pa rin ako habang nag papractice, baka kasi magkamali ako..

"Nice one! Next scene!"

Iba na naman yung susunod na scene.. pero nandun si Ivan.. kaya ako nandito sa gilid, nag aabang kung kailan ako lalabas..

[R18] My Step Brother Where stories live. Discover now