12: Beach's CR

39.6K 282 42
                                    

MEIKO'S POV

Nagising ako dahil sa malakas na kulog na narinig ko..

Tinignan ko ang orasan, Alas onse na ng gabi at ang lakas ng ulan..

Nabaling naman ang atensyon ko sa bintana, nakalimutan ko palang isarado ang mga kurtina!

Tumayo ako para isarado ang kurtina kasi..

Takot ako sa kulog at kidlat, dahil nagka trauma ako nito nung bata pa ako..

Nanginginig ang katawan ko..

Isasarado ko na sana ang kurtina nang kumidlat at kumulog ng sobrang lakas kaya napatumba ako sa gulat at dali dali akong pumunta sa sulok upang protektahan ang sarili ko..

Natatakot ako...

Parang nanumbalik yung trauma ko noong bata pa ako... Muntik na kasi akong natamaan ng kidlat nung pauwi ako galing ng skwelahan..

Nakakatakot.. sa harapan ko pa nangyari yun at napakalapit pa saken.. Akala ko talaga na matatamaan ako at mamamatay na ako nun..

Kaya gayon nalang ang takot ko tuwing kumikidlat at kumukulog kapag umuulan..

Tinakpan ko ang tenga ko pero rinig ko pa rin ang kulog...

Napaluha nalang ako sa mga naririnig ko, hindi ako makagalaw.. nanginginig ako..

Sana sana.. Matapos na to...

May narinig pa akong malakas na kulog kaya napaiyak ako.. Natatakot ako.. Natatakot talaga ako, pinaka ayaw ko sa lahat ang kulog at kidlat..

"Mama..."

Ipinikit ko lang ang mga mata ko at tinakpan ang tenga ko habang umiiyak..

Sa tuwing naririnig ko ang malakas na kulog lalo akong napaiyak..

Para akong bata pero natatakot ako.. Ito ang pinaka kinatatakutan ko sa lahat..

Lumala ang mga kulog na naririnig ko..

Hindi ko na kayang pigilan ang luha ko sa takot..

Kelan pa ba to matatapos...

Utang na loob.. gusto ko nang matulog ng maayos..

"Meiko? What's wrong with you?"

Iniangat ko ang ulo at nakita ko si Kuya na nakatayo sa harapan ko..

Dumaan ang sobrang lakas na kulog kaya napayakap ako sa kanya dahil sa takot...

"H-hey don't tell me you..."

Nakayakap lang ako sa kanya habang umiiyak..

"Wait here.."

"S-san ka p-pupunta? Kuya wag mo ko iwan ng mag isa dito please..natatakot ako!"

"No, no I won't.. Trust me"

Bumitaw naman ako sa pagkayakap sa kanya..

Nagtungo sya sa bintana at sinarado ang kurtina.. pagkatapos ay bumalik sya sa kinatatayuan namin..

"You should've closed it earlier"

Nakarinig na naman ako ng malakas na kulog kaya napahawak ako sa damit nya dahil sa gulat..

Naririnig ko parin ang kulog ng konti kahit na nakasarado na ang bintana at kurtina dahil sa lakas neto..

"You're really scared of it huh?"

"Hindi ko naman ginusto to eh.."

Kung pwede ko lang sana tanggalin ang takot na nararamdaman ko sa tuwing nangyayari to, gagawin ko pero nakatatak na saken ang takot simula nung bata pa ako at dala dala ko yun hanggang ngayon.

[R18] My Step Brother Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz