23. Bestfriend's Confession

19K 188 105
                                    


MEIKO'S POV

"Ikaw meiko, ikaw yung gusto kong kapalit.."

Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan.."

Iba yung pakiramdam ko nung sinabi nya saken yun..

"Meiko-----

*Knock*Knock*

"Ivan Gabi na, ihatid mo na pauwi si meiko baka hinahanap na sya.."

Naputol ang sinabi ni Ivan nung binuksan ni tita ang pinto sa kwarto nya.

"Opo ma.."

"Bilisan nyo matapos dyan"

Nung marinig namin na bumaba na si tita, nagsalita ulit ako.

"Ivan, hindi talaga kita maintindihan."

Nakita ko syang bumuntong hininga. Ano bang ibig nyang sabihin sa sinabi nya?

Ako yung kapalit?

"S-siguro hindi ito ang tamang pagkakataon para sabihin ko sayo. Wag mo kalimutan yung mga tinuro ko sayo tsaka mag review ka sa bahay mo..."

Hindi na ako nakapagsalita pa nung umalis na sya sa harap ko.

"Iva---

"Bumaba ka na, ihahatid na kita pauwi"

"Ivan!"

Hindi sya tumitingin sa direksyon ko, diretso lang syang bumaba.

Napabuntong hininga na rin ako tsaka kinuha ang bag ko sa mesa.

Sinundan ko na din sya sa baba, di ko sya nakita dun.. Siguro nasa kotse na sya naghihintay saken.

Nagpaalam ako kay tita na aalis na ako.

"Mag ingat ka pauwi ha, tsaka meiko balik ka dito kung kailan mo gusto okay?"

"Opo naman tita! Salamat po talaga. Uwi na po ako.."

Lumabas na ako sa bahay nila at pumunta sa kotse ni ivan na nakapark lang sa labas ng gate..

Nakita ko naman sya na nakasandal sa kotse nya.

Nung makalapit na ako, binuksan nya yung pinto sa front seat.

Pumasok naman ako at umupo, sumunod din syang pumasok.

Di kalaunan, pinaandar nya na yung kotse...

Ang tahimik nya.

Hindi ako sanay na ganito sya..

Ano bang masama sa sinabi ko? Nagtanong lang naman ako kung anong ibig sabihin nya dun sa sinabi nya kanina.

Gusto ko syang tanungin tungkol dun, pakiramdam ko kasi parang kailangan nyang sabihin yun..

"Ivan-----

"Kalimutan mo na siguro yun, meiko"

"Ayoko..alam kong may tinatago ka saken, alam kong may gusto kang sabihin saken. Ivan please sabihin mo, magkaibigan tayo, maiintindihan kita ivan, ano bang ikinatakot mo?"

Hindi sya yung tipo na magtatago ng kung ano saken, kaya ngayon, hindi ko lang alam bakit sa simpleng tanong di nya pa masagot. Anong ibig sabihin nya kanina?

"Please, wag muna ngayon. Kahit patapusin mo muna yung exam natin meiko.."

Sabi nya habang nagmamaneho.

"Pagtuunan mo muna ng pansin yung examination natin, ayokong dumagdag pa sa mga iniisip mo.."

Bakit ba? Bakit pa kailangan pang after examination? Gaano ba ka importante yung sasabihin nya?

[R18] My Step Brother Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon