26. Field Trip

18.2K 170 75
                                    

MEIKO'S POV

Bukas na yung Field Trip namin. Nalaman ko na optional yun, pero sumali pa rin ako para naman hindi ako palaging nandito sa bahay...

We paid for it.. It's a 2 days trip kasama ang mga ka batch ko, mag o-overnight kaming lahat sa isang malaking hotel, pagmamay ari iyon ng may ari sa Wallstonecraft Academy. Ipinahinto nila pansamantala ang booking ng hotel para samin days before ng field trip, mukhang plinano talaga nila ng maigi ang field trip na to..

Hindi ko nga rin alam bakit may pa class trip pa silang nalalaman eh malayo pa naman ang katapusan ng klase, wala pa ngang pasko..

Siguro para I celebrate yung kakatapos ng examination namin? Para makapag relax yung mga estudyante? Ewan ko, wala na akong pakealam basta ako, i e-enjoy ko nalang ang araw na yun!

Naka post din yung schedule at kung anong lugar yung pupuntahan namin, Zoo Safari, Shrine, Flower farm at Museum.

Nakaramdam ako ng excitement habang nag iimpake ng mga gamit na dadalhin ko sa field trip..

Naka lista naman doon sa bulletin yung mga gamit na dadalhin namin. Hindi pwedeng magdala ng gamit na wala dun sa lista..

Mag a-assemble kaming lahat bukas, alas otso ng umaga sa school grounds by section kaya kailangan maaga akong matulog ngayon.

Each section may kanya kanyang Bus, nakita ko rin sa bulletin yung unang lugar na pupuntahan namin at ilang oras lang kami pwedeng magtagal dun bago lumipat sa ibang lugar. Bale tour itinerary namin yun..

"What are you doing?"

Napalingon ako sa kanya na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko..

Hindi ko man lang napansin na nandito sya..

"Nag iimpake.."

Kita mo naman siguro diba?

"For what?!"

Nagulat ako nung biglang tumaas ang boses nya. Bakit ba sya nagagalit?!

"May field trip kami bukas keiji kasama ang mga ka batchmates ko"

Paliwanag ko sa kanya habang nag iimpake.

"Oh... I thought you're leaving the house. Do you necessarily need to go, meiko?"

Akala nya na aalis ako dito sa bahay? Kung pwede lang sana, gagawin ko pero dito na kami nakatira. Yung bahay namin, pina rent nalang ni mama para may extra syang kikitain at sabi nya na saken ang kita dun at ilalagay nya sa bank account ko, kaya may pangbayad ako dun sa field trip.

"Hindi, pero sasama ako tsaka nabayaran ko na yun keiji, sayang naman kung hindi ako sasama, para ko na ring tinapon yung pera ko sa wala"

"Why didn't you tell me about this earlier? It's a class field trip so your friend is also coming with you and i'm not liking it, meiko"

Bakit ko naman kailangang sabihin sa kanya ang tungkol dito? Hindi naman kailangan na alam nya lahat ang mga gagawin ko.

"Para san pa keiji kung sasabihin ko sayo ng maaga? Oo, sasama sya, wala ka namang dapat ipag alala. It's not like we're going to do something during the field trip"

Sinarado ko yung bag ko pagkatapos kong mailagay lahat ng mga gamit na dadalhin ko sa trip.

"You better stick to your own words, meiko. You wouldn't know what that guy could be thinking"

Ano?

Kinuha nya ang isang box ng cigarette sa bulsa nya, kumuha sya ng isang yosi doon at sinindihan iyon. Palagi ba syang may dala dalang lighter at isang box ng yosi?

[R18] My Step Brother Where stories live. Discover now