32: Move out

11.2K 138 105
                                    


MEIKO'S POV

"Okay ka lang ba meiko?"

Tanong saken ni Ivan.. Nasa room na kami ngayon, kakatapos lang ng third subject for afternoon class namin.. at uwian na din..

"Oo naman..."

Iniisip ko lang kung anong mangyayari kung.. kung hindi ko na makakasama palagi si keiji.. Medyo nasanay na rin kasi ako na palagi ko syang kasama.

"Wag kang mag alala.. Tama lang ang ginawa mo.."

Tumango nalang ako..

"Tara?"

"Sige"

Kinuha namin yung bag sa upuan.. Inakbayan nya ko at sabay kaming lumabas ng classroom.

Napahinto kami pareho nung makita namin si Keiji na nakaabang sa labas ng room..

Nakatingin sya samin na nakakunot ang noo.. may mga pasa sya sa gilid ng labi at mata nya dahil sa nangyari kanina..

"Tch, you were serious about what you've said huh?"

Sabi nya..

"Kailan naman ako hindi nagseryoso Keiji Aihara? Wag mo akong itulad sayo na puro kalokohan lang ang laman ng utak!"

Nakita kong ikinuyom ni Keiji ang kamay nya at unti unting lumapit kay Ivan kaya mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa bago pa may mangyari.

"What do you think you're doing meiko?!"

Tinabihan ako ni Ivan. "Halika na meiko, hayaan nalang natin sya"

"What did you just say?!"

Hindi nga pala alam ni Keiji na sabay na kami uuwi ni Ivan simula ngayon.

"Sabay na kami pauwi simula ngayon kaya kung ako sayo Keiji Aihara, kung gusto mo ng taong masasakyan yang kalokohan mo, maghanap ka ng iba"

Hinila ako ni Ivan palayo sa kinatatayuan namin..

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

Papunta kami sa bahay nila Keiji ngayon.. Pagkatapos ay kukunin ko yung mga gamit na kakailanganin ko sa pagpanatili ko dun kila Ivan pansamantala..

Gagawin ko ba talaga to... ?

Gaya nga ng sinabi ni Ivan, Ginawa ko lang kung ano ang nararapat.. Siguro panahon na din para matapos na to.. Hindi naman habang buhay ganito kami ni Keiji.. Kailangan ko na siguro tong tapusin habang hindi pa alam nila mama ang tungkol samin, ayoko din namang umabot sa punto na mahuli kami... Isipin ko lang na mangyari yun, nanginginig na ako sa takot..

"Meiko.. Salamat talaga na hinayaan mo kong gawin to.."

"Ako dapat ang magpasalamat sayo Ivan.. Kung hindi dahil sa sinabi mo hindi ko siguro mapagtanto kung mali o tama na yung ginagawa ko.. hindi ko rin kasi alam kung anong dapat kong gawin.. gusto kong tumigil pero hindi ko magawa kasi-----"

Naputol ang sinabi ko nung bigla nyang hinawakan ang pisngi ko at saktong stop yung traffic light..

"Wag kang mag alala meiko, hanggat nandito ka sa tabi ko, walang mangyayaring masama sayo.."

Nung nag green light na ay itinuon nya na ang atensyon sa daan at pinatuloy ang pag dadrive hanggang sa makarating kami sa bahay..

"Buti nalang at natatandaan ko pa yung daan.. Hihintayin nalang kita dito"

"Sige.. Bibilisan ko.."

Lumabas ako ng kotse at pumasok sa loob..

Sana hindi pa dumating si Keiji...

[R18] My Step Brother Where stories live. Discover now