Chapter 2: BOO

1K 30 3
                                    


Jaki's POV

ano bayan! Wrong timing naman sya! Kainis! Mukhang sinundan talaga ako nito ha! Anong gagawin ko? Hindi ako titigilan nito!

Bigla nalang hinawakan ni Vice and ulo ko at ipinatong ito sa balikat nya at kinuha ang kamay ko at hinolding hands nya tapos ipinatong sa may table....
"sumakay ka nalang" bulong nya sakin..

Ibig nya bang sabihin...

"hi Jaki!" Masayang bati ni Tom sakin..
"Tom?" Nagkunwari nalang akong ngayon kolang sya nakita.. inalis ko ang tingin ko kay Tom at tumingin ako kay Vice.. tsaka ko naman tinignan ang kamay naming magkaholding hands.. diba dapat kabahan ako? Bat ang kalmado ng pakiramdam ko? Ang lambot ng kamay ni Vice..

"Jaki ano to? Sino sya?" Gulat na tanong ni Tom
Diko alam kung anong sasabihin ko.. tumingin ako kay Vice para senyasan sya.. binigyan nya ko ng matipid na ngiti tsaka sya tumingin ka Tom..

"Boo sya ba yung sinasabi mo?" Tanong nya.. biglang naging panlalaki ang boses nya.. boo? Nakaisip kaagad sya ng nickname?
"y-y-yes Boo" sumakay nalang ako sa sinabi nya.
Dahan dahang tumayo si Vice,, kalmado.. seryoso.. lumapit sya kay Tom.. mas matangkad sya ng mga 3inchs kaysa kay Tom

"ano nanaman bang kailangan mo sa Girlfriend ko?" Mahinahon nyang sinabi kay Tom.
"Girlfriend?!" Gulat na tanong ni Tom.. tska sya tumingin sakin..
"Jaki sabi mo sakin di kapa pwede mag bf kaya moko binabasted?!" Pasigaw na sinabi ni Tom
"psst! Wag mong sinisigawan si Jaki! Kaya nya lang sinabi yon eh para umiwas kana! Kaya pwede bang tigil tigilan mona ang paglapit si girlfriend ko?" Mas malakas pero di sumisigaw na sinabi ni Vice
"So ikaw pala ang dahilan kung bakit ako binabasted ni Jaki.. eh sa porma mo palang pang bakla na oh! Pink??" Natatawang sinabi ni Tom kay Vice.
"haha di moba nakikitang couple t-shirt yung suot namin ni Jaki?" Sagot naman ni Vice sabay turo sa damit naming dalawa
"Eh yang relo mo?! Wala namang relong pink si Jaki ha?!" Inis na tanong ni Tom
"si Jaki ang pumili nito para sakin kaya kahit anong kulay to di ako mahihiyang isuot to" sagot naman ni Vice sabay tingin sakin ng naka ngiti.. tinignan ko si Tom.. inis na inis na sya.. nakita kong nanggigigil na ang  kamao nya at parang gusto nang manuntok.. inangat nya ang kanang kamao nya at akmang susuntok kay Vice.. diko alam ang gagawin ko kaya tumayo ako at niyakap ko si Vice para di ituloy ni Tom ang Balak nya.. ramdam ko ang pagka gulat nilang dalawa..
"Jaki.." bulong ni Tom na halatang huminahon na.
Binalikan naman ako ng yakap ni Vice, tinaas ko ang ulo ko at tumingin kay Vice.
"Boo dapat di mona ginawa yan.. pano kung ikaw yung nasuntok?" Sinabi naman ni Vice.
"di ako papayag na saktan ka nya!" Sagot ko naman sabay higpit ng yakap sa kanya.
"Jaki.." bulong ni Tom sabay hawak sa balikat ko.. tinanggal ko ang pagkakahawak nya at pumunta sa likod ni Vice sabay yakap sa likod ni Vice at umiwas ng tingin kay Tom.
"Tom, please lang umalis kana, di moba nakikitang natatakot na si Jaki?" Mahinahong sinabi ni Vice kay Tom
"Jaki.. aalis nako,, sorry" malungkot na sagot ni Tom,, tumalikod at naglakad papalayo saming dalawa..

Hinintay naming sumakay sya sa motor nya at umalis.
Nang naka alis na sya sabay kaming huminga ng malalim ni Vice. Pumunta ako sa harap ni Vice at niyakap ko sya ng mahigpit..
"Thank you Vice!!" Sabi ko
"kung gusto mong mag thank you tanggalin mo na yang pagkakayakap mo sakin girl!!" Inis nyang sagot.. bumalik na yung dati nyang boses... diko alam pero bakit parang ayoko nang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya.. ang sarap sa pakiramdam.. naramdaman kpng niyakap nya narin ako..
"siguro naman titigilan kana non" bulong nya sa tainga ko.. nakayakap parin kami sa isat isa..

"Vice! Jaki! OH MY GOD!!" tinanggal ko ang pagkakayakap ko kay Vice nang marinig ko sumigaw si Anne.. lumingon ako at nakita ko silang tatlo na halatang nagulat sa nakita nila.
"thank you naman at nandito na kayo!" Sigaw ni Vice
"hoy brad anong ginagawa nyo ni Jaki nung nawala kami ha?!" Tanong ni Vhong
"my gad sis! Boy kana ba?!" Sigaw ni Anne
"Jaki di mo nakukuwento samin to ha?" Sabi naman ni Karylle
"uy! uy! uy! Teka teka teka teka!bago kayo magisip ng kung ano ano dyan pwede ba muna naming ikwento yung ganap nung wala kayo?!" Sigaw namn ni Vice
Umupo kaming lahat uli sa bench.. nag simula na kaming mag kwento ni Vice..

. . .

"Nag kunwari kang boyfriend ni Jaki?!" Gulat na sigaw ni Anne kay Vice.
"OA ng reaction sis ah?" Sagot ni Vice tapos humigop ng slurpee.
"Bat di nalang kayo nagtago?" Tanong naman ni Karylle
"wa na kaming magawa eh papalapit na sya ng papalapit samin noh!" Sagot ni Vice
"teka brad ikaw talaga nakaisip na magkunwaring bf ni Jaki?!" Tanong ni Vhong
"Oo.. kesa namang tunganga lang kami kapag dumating sya? Tsaka na chika sakin ni Jaki na di nya bet yung guy" sagot ni Vice
"teka pwede bang tama na yang katatanong nyo? Gusto ko nangang kalimutan yung nangyari eh!" Dugtong pa nya
"in fairness Vice ang gwapo mo talaga, lalo na pag walang lipstick!" Kinikilig na sabi ni Anne kay Vice sabay tawa naman si Vhong at Karylle
"eeeeeeeewwwwwwwww!!!!!!!!" Pandidiri naman ni Vice tsaka sya tumingin sakin.
"Jaki may utang kang 1 linggong slurpee sakin ha?!" Sabi naman nya sakin
"oo sige" matipid ko namang sagot.
"osya tara na! Magreretouch pako sa bahay!" pang aaya naman ni Vice
"sige!" Sagot naman ni Anne.

Inayos na namin mga gamit namin tsaka tinapon mga basura tapos naglakad na kami pauwi.. katabi ko si Anne tsaka si Karylle na naglalakad tapos nasalikod naman namin sila Vice at Vhong.

Nagiba na ng daan sila Anne at Vhong di kasi namin sila kalapit bahay.. bigla namang dumating ang bf ni Karylle na si Yael at sinundo na sya.. kami nalang ni Vice ang magkasabay na naglalakad isang kanto lang kasi and layo ng bahay namin.. pero di kami magkatabi na naglalakad,, nasa likod ko sya.. naiilang siguro sya.
Mga 7 bahay nalang malapit na kami sa bahay ni Vice.. habang naglalakad naramdaman kong may umakbay sakin..
"Vice?" Bulong ko kay Vice na bigla nalang akong inakbayan
"Anong ginagawa mo?" Dugtong ko
"si Tom nasa likod" bulong nya sakin.. sisilipin ko sana pero pinigilan ako ni Vice na tumingin sa likod.
"ano kaba wag kang papahalata" bulong nya..

Napatitig ako kay Vice.. ang Gwapo nya nga talaga.. Tsaka alam nya yung mga bagay na gusto ng mga babae pagdating sa bf nila.. naalala ko mga sinabi nya kanina..

"ay!" Sigaw ko nang madulas ako kasi di ako tumitingin sa daan tsaka basa pala yung dinadaanan namin.. tumama pa sa bato yung kaliwa kong paa.. buti nalang nasapo ako ni Vice bago ako tuluyang natumba.. tinayo nyako tsaka inalalayan sa may gilid para paupuin sa may gatter.. hinawakan nya yung paa ko.. ang sakit.. bukod sa pagkakatama sa bato parang na pilay sa pagkakadulas yung paa ko..
"Jaki okay ka lang ba? Kaya mo pa bang lumakad?" Nagaalalang tanong ni Vice habang naka hawak sa paa ko..
"ang sakit parang napilay yata eh.." sagot ko

Nagulat ako nang may biglang humila kay Vice sa likod nya..
"Jaki okay kalang?!" Nagaalalang tanong ni Tom....
..
..
....
.

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now