Chapter 24: BIGAT

664 16 0
                                    


Vice's POV

"Jaki, pano kung nagkagusto ako sa isang girl? Pano kung kunwari trip kita?" Tanong ko..

Di sya sumasagot... kinakabahan ako..

"ah, eh, kalimutan mo nalang yung tinanong ko.. n-naitanong lang din sakin yun ng isa kopang friend" sabi ko naman

Di parin sya nagsasalita... tinaas ko ang ulo ko saka ko sya sinilip..

Aba! Tulog na pala! Ano bayan!

"tinulugan ako ha" bulong ko

Ginalaw galaw ko ang braso kong yakap yakap nya para gisingin sya..

"Jaki? Jaki? Jaki?" Panggigising ko..
"uh?" Sabi nya naman
"dun kana sa room matulog tsaka maligo ka muna, baka magkasakit ka" sabi ko.. hindi pa kasi kami nagpapalit ng damit eh nag swimming kami..
"ah, Oo thanks" sabi naman nya saka ko sya inalalayang tumayo..

"guys! Pasok na kami sa loob!" Malakas kong sabi sa mga kaibigan naming nagtatawanan.. tumingin naman sila samin

"sige!" sabi ni Vhong
"huy! Baka kung anong gawin nyo sa loob ha?" Pilyong sabi naman ni Melvie
"sira!" Malakas na sabi naman ni Jaki
"sige na!" Sabi naman ni Anne

Pumasok na kami sa loob ng room.. pumunta sya sa bag nya saka sya kumuha ng mga damit tapos dumiretso sa may banyo para maligo..

10 minuto na ang nakakalipas.. ang tagal naman pala maligo ni Jaki? Inaantok nako... bukas nalang ako maliligo..

Pumunta ako sa may bag ko saka ako kumuha ng damit tapos nagpalit nalang ako ng damit, brown na sando, gray na shorts.. nilagay ko sa plastic yung madumi kong damit..

Pagkatapos ay dimuretso ako sa may kama.. dalawa yung kama dito.. dun ako sa may kaliwang kama humiga.. bet ko kasi yung kulay pink na bedsheet humiga ako sa may gilid at nakaharap sa pader.. pagkahiga ko naramdaman ko agad ang pagod sa katawan ko kaya agad akong nakatulog..
.

***
Jaki's POV

kakatapos ko lang maligo at magbihis.. XL pink t-shirt, white na shorts.. palabas nako ng banyo, hinanap ko agad si Vice..

Aba! Tulog na? Sya tung nagsabing maligo muna bago matulog?! Ang bilis naman nyang matulog? At mukhang nagbihis nalang sya..

Pumunta ako sa may bag ko at kinuha ang isang plastic, dito ko inilagay ang madumi kong damit..

Inaantok nako..  pumunta ako sa kama sa kanan.. umupo ako.. hihiga na sana ako nang biglang pumasok sila Anne at Vhong..

"uy! Tulog na si Vice?" Tanong ni Anne
Tumango naman ako
"Anne? Tabi tayo ha?" Panlalambing ni Vhong kay Anne
nakita ko namang parang kinilig si Anne
"Nanliligaw ko palang noh?!" Mataray na sabi naman ni Anne
"sige na?" Panlalambing naman ni Vhong
"Oo na" kinikilig na sabi naman ni Anne
"Jaki? Tabi ka nalang kay Vice ah?" Sabi ni Vhong sabay turo kay Vice..
Wala na akong nagawa kaya lumipat ako sa kama kung saan natutulog si Vice..

nakaupo ako sa may gilid.. hindi ako agad nahiga kasi pinapatuyo kopa yung buhok ko gamit ang tuwalya.. nang natuyo na ay nagsusulkay ako ng buhok.. nakaugalian kona kasing mag suklay ng buhok bago matulog.. pagkatapos ay humiga na ako..

Tulog na sila Anne at Vhong sa kabilang kama.. sila Karylle at Yael naman nasa ibang room.. tahimik ang buong paligid.. bakit ganito ang nararamdaman ko? Bat nakakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan namin ni Vice?.. siguro di lang ako sanay na may katabi matulog..

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now