Chapter 33: MANSION?

687 18 4
                                    


***
Billy's POV

Nakapasa ako sa board exam! Grabe ang kaba ko habang hinihintay na lumabas ang pangalan ko.. pero wow! Ang daming blessings na dumadating sa buhay ko! Isama mo pa ang nalalapit na kasal namin ni Coleen!

Seryoso kami ngayon na nakatingin sa screen.. hinihintay namin na lumabas ang pangalan ni Viceral... sa totoo lang hindi ako rinakabahan sa magiging resulta ng exam nya.. well alam ko naman kasi na isa si Vice sa may pinaka mataas na grado sa school namin.. mas magaling pa sya sakin.. kaya kung nakapasa ako.. imposibleng hindi sya maka pasa... malaki din ang utang naloob ko sa kanya.. bukod sa pagtulong nya sa akin sa pagrereview para sa exam ay sya din ang sumuporta sa akin sa panliligaw ko kay Coleen.. I owe him a lot..

"malapit na" rinig kong bulong ng isa sa mga kaibigan ni Vice.. si Vhong?..

Velasquez.....
Versosa...
Ververo...
Viantro...
Vibeso..
Vicaniano..
Vicento...
Vicolo..
Vidaldo...
..
..

Halos malaglag ang panga ko nang mapagtantong wala... wala si Viceral.. ibig sabihin.. hindi sya nakapasa..

Agad kong tinignan si Vice na ngayon ay nakayuko.. nagkatinginan pa kami ng mga kaibigan nya.. di namin alam kung paano sya kakausapin.. pano ngaba?

Kita ko ang lungkot sa mga mukha ng mga kaibigan nya.. pero di talaga ako makapaniwala.. bakit hindi sya nakapasa?? Paanong nangyaring bumagsak sya? Eh sya tong isa sa pinaka hinahangaan sa school namin..

"si Viceral? Bakit wala sya?" Rinig kong bulong ng isa sa mga tao sa paligid namin.. isa siguro sa mga schoolmate namin..

Kita kong sumenyas si Anne sa mga kaibigan nya.. sabay sabay silang lumapit kay Vice at niyakap sya.. habang magkayakap sila.. umiiyak nadin ang ilan sa kanila.. pero nananatiling tahimik at hindi gumagalaw si Vice..

Alam kong masakit para sa kanya to.. marami nasyang naging sakripisyo.. marami nang nawala.. marami ng tinalikuran.. binalewala....... itinago..

Hindi ko lubos maisip na ganito ang magiging resulta sa lahat ng paghihirap nya.. lahat ng pagpapanggap..

Open kasi sakin tong si Vice.. may mga naikukwento sya sakin na saakin lang daw nya naoopen.. mga bagay na gusto nyang itago..
.
.

Nang lumuwag ang pagyayakapan nila.. saka lang nakapag salita si Vice..

"I'm okay, I'm okay... thank you" sabi nya habang pinipilit na ngumiti..
"sure ka?" Tanong ni Anne
"yes.." sabi ni Vice
"pwede ka panaman mag take ulit diba?" tanong ni Vhong..

hindi naman nagsalita si Vice.. tahimik lang syang nakatingin sa ilalim... parang nahihiya syang tumingin sa mga kaibigan nya... kilala kita Vice.. sinusubukan mong pigilin ang nararamdaman mo..

"Oo nga.. makakapag take ka panaman ulit eh.. susuportahan ka namin" nakangiting sabi ni Jaki saka tinapik ang likuran ni Vice... tumingin naman sa kanya si Vice at ngumiti.. niyakap sya ni Jaki.. binalikan naman sya ng yakap ni Vice.. mahigpit na yakap.. saka naman sumali ang iba pa nyang kaibigan..

may something sa Jaki na to... hindi pa sya naikukwento sakin ni Vice.. naging kaibigan nya siguro after ng exam.. parang ang close nila... if i'm not mistaken inabot ng 1 year bago naging close si Vice sa mga kaibigan nya... mapili kasi sya.. nagiingat.. pero bakit close kaagad sya sa Jaki na ito?.. marami kang ipapaliwanag sakin Viceral... matagal tagal kanang hindi nakakapag open sakin.. at alam kong may something sa Jaki na ito..

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now