Chapter 4: SUGAT

848 29 1
                                    


"a-a-ano?" Tanong ko.. anong balak nya?
"Di moba ko narinig? Higa" sagot nya.
"bakit?" Tanong ko.. anong gagawin nya?
"dami mo pang tanong" sagot nya sabay hawak sa balikat ko at biglaan akong hiniga..

"Vice?" bulong ko
"wait lang hugas ako saglit bago tayo magsimula" sabi nya sabay lakad papunta sa isang pinto at pumasok... banyo siguro.. anong balak nya? Nakahiga ako ngayon sa kama.. diko alam kung ano bang dapat kong isipin.. tama bato?.. tama ba yung iniisip ko?... 

Maya maya lang lumabas na si Vice sa pinto iba na yung suot nya.. dark blue na sando at black na shorts..

"Jaki wait lang ahh, may kukuninlang ako" sabi nya sabay labas ng kwarto...

Anong kukunin nya? Di ako makagalaw sa sobrang kaba..

Maya mya bumalik na si Vice. May dalang plastic tsaka kahon.. lumapit sya sakin..

" ready kana?" Tanong nya.. tumango naman ako.. umupo sya sa gilid ng kama inabot sakin ang isang plastic..

"suot mo sakin" sabi nya
"a-a-ano?" Tanong ko.. ano bato??
"suot mo sakin" paguulit nya.
"ang alin?" Tanong ko
"yang gloves! Pano ko malilinis tong sugat mo kung di ako mag go-gloves?!" Sagot nya..

Kinuha nya yung paa ko at ipinatong sa lap nya.. inabot nya yung kamay nya sakin at sinuot ko sakanya yung gloves na laman ng plastic tapos dahan dahan nyangtinanggal yung telang ibinalot nya sa paa ko kanina.. nung tapos nya nang tanggalin kinuhana nya yung box na dala nya tsaka nya nilabas ang first aid kit nya.. tapos sinimulan na nyang linisin ang sugat ko.

Piapanood ko lang sya habang seryoso nyang nililinis ang sugat ko.. nakakamangha sya actually panoorin. Ang bilis nyang gumalaw pero di ako nakakaramdam ng sakit..

"Vice" bulong ko
"yes?" Sagot nya nang hindi tumitingin sakin
"bat parang sanay ka sa ginagawa mo?" Tanong ko
"ah doctor yung ate ko" sagot nya
"ah kaya pala" sabi ko
Naalala ko yung sinabi nya kanina kay Tom..

"Vice, totoo ba yung sinabi mo kanina?" Tanong ko
"alin?" Tanong nya
"magiging Lawyer kana?" Tanong ko
"ahh Oo" maikling sagot nya
"so magiging Lawyer kana pala.." sabi ko
"Actually still not sure.. depende kung papasa ako sa board exam.. next week ko pa malalaman" sagot nya habang binebendahan yung sugat ko.
"Vice ikaw lang ba magisa dito?" Tanong ko kasi wala naman akong nakitang ibang tao mula nung dumating kami.
"Oo" sagot naman nya
"pero di naman ako nags-stay dito lagi.. madalas kong kasama sila Vhong.. nandito lang ako pag magpapahinga, nagrereview or school works" dagdag pa nya
"san parents mo?" Tanong ko.
"ofw ni nanay" sagot nya
"eh yung tatay mo?"
"tegi" sagot nya
"sorry" bulong ko
"ok lang ilang taon narin naman ang nakalipas.. tanggap kona" sagot nya tsaka nagpakita ng matipid n ngiti
"yan tapos na!" Malakas na sabi nya sabay tingin sakin at ngumiti

Tatayo n sana ako pero pinigilan nya ko..
"Jaki! Ano kaba! Dimo pa pwedeng ipanglakad yan" sabi nya naman tsaka nya binuhat ang paa ko at ipinatong sa isang unan..

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now