Chapter 38: LIED

788 19 8
                                    

***
Jaki's POV


"Vhong! Akin na yan! Ano ba!" Iritang sigaw ni Vice..

Di naman sya pinansin ni Vhong at tuloy parin sa pagtakbo hawak ang bagong phone ni Vice na ibinigay daw sa kanya ni Billy at binabasa ang text na karerecieve lang...

"sis! Sabihan mo nga yan! Sayo lang nakikinig yan" sabi naman ni Vice kay Anne na kanina pa tawang tawa sa kalokohan ni Vhong

"Vhongskie! Bigay mo na! Baka umiyak si sisteret!" Malakas na sabi ni Anne habang pinipigil ang tawa..

Wala namang nagawa si Vhong kundi ang huminto at iabot kay Vice ang phone nito..

"Si sis lang pala katapat mo eh!" Mataray na sabi ni Vice saka hinablot ang phone nya..

Agad namang tinignan ni Vice kung sino ang nagtext...

"kaloka! Expired na load ko!" Iritang sabi nya habang iniiscroll ang phone nya..

nakangiti lang ako habang pinapanood silang nagkukulitan.. ang saya.. na ganito parin sila ka kulit pagkatapos naming malaman na di nakapasa si Vice sa board exam nya.. buti nalang at di nya dinamdam ang nangyari..

4 na araw narin ang nakakalipas nung dinala nya ako sa Amora company at dun sa restaurant.. hinatid nya ako pagkatapos.. kinaumagahan.. maaga akong sinundo nila Anne..

pagkarating namin sa bahay ni Vice ay sinalubong kami ng masarap na Pancake na niluto nya kasabay ng ngiti sa kanyang mga labi..

nung araw din na yon.. kung saan saan namin sya dinala.. sa mall.. park.. nood ng movie.. libot.. nilibre sya ni Vhong, Anne at Karylle.. parehas kasi silang tatlo na may kaginhawaan sa buhay.. habang ako.. sabay sa kung saan sila pupunta.. sabay sa tawa.. sa biruan.. pero di naman ako naoOP kasi hila hila ako lagi ni Vice.. napansin ko din na mas komportable na kami sa isa't isa.. di na ako naiilang sa mga sweet gestures nya na dati ay kila Anne lang nya ipinapakita...

mas naging malambing sya sakin.. para tuloy kaming mag Jowa.. well... sya yung girl kung umasta at ako naman yung boy.. hahahha

pero sa harap ni Mommy lalaking lalaki sya..

sa loob ng apat na araw din na yun ay hindi nagpakita saamin si Tom.. Araw araw namang inaaliw ng barkada si Vice.. pagkatapos ng dalawang araw ay muli akong dinala ni Vice sa Amora.. pinasyal nya ako sa buong lugar.. medyo nasanay narin ako satinginan ng mga tao.. sabi kasi ni Vice.. talagang tinitignan sya dahil madalas syang pumupunta doon kasama si Billy... si mr. Amora...

Mayroon narin akong nakilala doon.. tulad na lamang ni tyang Amy.. sya yung babaeng sumalubong sa samin nung unang beses na dinala ako dito ni Vice... kahit kakakilala lang namin ay parang anak ang turing nito sa akin.. Tyang Amy ang sinabi nyang itawag ko sa kanya at Jaki ang sinabi kong itawag nya sa akin..

friday ngayon.. nakatambay kami sa bahay ni Anne..

"guys.." napatingin naman ako at ang lahat nang biglang maging seryoso ang tono ni Vice..

"huy! serious ka sis?" biglang sabi ni Anne

"thank you" sinserong sabi ni Vice..

"para saan?" tanong naman ni Karylle

"sa lahat" simpleng sagot nya

"alam ko namang ginagawa nyo to para di ako ma sad dahil sa nangyari" dugtong nya pa..

di naman kami nakapag salita pa.. hanggat maari kasi ay iniiwasan naming mapagusapan yung nangyari.. di namin inaasahan na sya pa ang magsasalita tungkol doon

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora