Chapter 56: SHHH

528 21 8
                                    

"alam mo bang mahal kita?"

napangiti naman ako sa sinabi nya..

"alam mo bang mamahalin kita hanggat nabubuhay pako?"

"ay mali.... kahit patay nako at hindi na tumitibok ang puso ko...... mamahalin parin kita.."

titig na titig sya sa mga mata ko.. na parang tinutunaw na ako...

"Vice? kuya... bat mo ba sinasabi yan?" tanong ko..

Bigla naman syang ngumiti..

"alam mo bang special yung araw na to?" Sabi nya saka nya inintertwine yung mga kamay namin..

"anong meron?" Kunotnoo kong tanong

Tinuro nya naman gamit ang nguso nya ang sa may likuran ko..

Agad naman akong lumingon pero wala naman akong nakita kundi ang kaparehong mga puting bulaklak na nakadisenyo sa buong paligid...

"ano ba wala naman ah?" sabi ko saka ako lumingon pabalik kay Vice

Natigilan naman ako...

May kagat kagat syang pink na rose...

Nakangiti...

Ilang segundo rin akong natigilan bago ako ngumiti..

"ano bang trip mo ha?" natatawa kong tanong...

Alam kong kitang kita na ang pamumula ng mukha ko...

Kinuha nya naman ang pink na rose muna sa pagkakakagat nya at inabot iyon sakin..

Kinuha ko naman yun agad at inamoy..

Ang bango..

"ano bang meron?" tanong ko..

Di ko naman alam ang gagawin o sasabihin ko nung bigla syang lumuhod..

"Jaki.." sabi nya saka nya ulit kinuha ang isa kong kamay..

Medyo seryoso syang nakatingin sakin..

Ano ba to...

Anong nangyayari...

Parang ang bilis naman...

"Kuya ano ba... tayo ka nga dyan" sabi ko habang pinipilit hilahin sya patayo..

Bigla nya namang hinigpitan ng konti ang pagkakahawak nya sa kamay ko kaya natigilan nalang ako at napatitig sa kanya..

"Ate ko.... Jaki ko......"

"...... Happy Daysary"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya..

"Daysary?" taka kong sabi

"Oo.. 1 day na tayong official na mag bf and gf" naka ngiti nyang sabi

"loko loko ka talaga! Akala ko kung ano na!" natatawa kong sabi saka ko sya hinampas ng mahina sa ulo

Tumayo naman sya at pumunta sa may likuran ko at nag backhug sakin..

"eh kasi... parang di ko gusto yung linggo-linggo o buwan-buwan o taon-taon lang yung special day natin.. na dun lang tayo nag cecelebrate... gusto ko.. araw-araw special... araw-araw kitang susurpresahin.... araw-araw kitang babatiin.. araw-araw tayong mag cecelebrate... araw-araw tayong masaya... araw-araw kong masasabing... ikaw at ako... tayo... na... araw-araw.... kong masasabing..... akin ka... at... sayo ako" sabi nya habang nakapatong ang baba nya sa balikat ko at niyayakap ako ng mahigpit..

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon