Chapter 27: LINIS

675 16 2
                                    


Jaki's POV

natigilan ako sa narinig kong sinabi nya.. nakatagilid syang nakahiga sa lap ko na nakaharap sakin..

"ah?" Yung lang ang nasabi ko..
Hindi sya sumagot.... sinilip ko sya.... tulog...

Bat nya kaya nasabi yun?...

tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi nya... "I Love you".. yun ba ang sinabi nya?.. tama ba yung naiisip ko?.. ano ba ang dapat kong isipin sa sinabi nya?.. seryoso ba sya sa sinabi nya?.. baka naman hindi.. baka kung ano ano lang ang nasasabi dahil sa sakit ng ulo..

hinawakan ko ang buhok nya..

"Vice.. pahinga kana.. kung ano ano nang nasasabi mo" mahina kong sabi
.
.
15 minutes narin ang nakakalipas.. nag pophone lang ako.. bigla nalang syang gumalaw at nagiba ng pagkakahiga.. hindi na sya nakahiga sa lap ko.. nahiga sya sa may gilid ng kama.. mukhang masarap ang tulog nya ha.. pagkagalaw nya ay tumayo naman ako.. parang napata narin kasi yung paa ko.. ipinadyakpadyak kopa ang mga paa ko.. kinuha ko yung bowl na nakapatong sa may table..

Mabilis lang naman ako.. huhugasan ko lang to saglit.. mahimbing naman yung tulog nya..

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto.. hindi kona sinara yung pinto baka kasi magising sya.. saka para marinig ko kung tumatawag sya..

Bumaba nako ng hagdan diretso sa kusina..

Aba? Ngayon ko lang napansin na medyo marumi pala ang sahig.. meron ding mga hugasin... medyo magulo din ang pagkakaayos ng mga gamit..

Tinignan kona din ang sala... medyo magulo din.. di pa yata sya nakakapag linis.. tinignan ko yung oras sa phone ko.. 6:16 pm..

Alam ko na... maglilis muna ako... this is the least that I can do.. para sa ginawa nya para sakin..

Pinusod ko ang buhok ko.. Nag simula na akong maglinislinis.. linis dito linis don.. ayos dito ayos don.. pagpag dito pagpag don.. punas dito punas don.. walis dito walis don.. tapos na akong mag linis at mag ayos.. mga hugasin nalang.. pero sisilipin ko muna si Vice.. halos 1 oras narin kasi ako naglilinis..

Umakyat ako sa second floor papunta sa kwarto ni Vice.. pumasok ako sa loob..
.
.

***
Vice's POV

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko.. kinapa kapa kopa ang hinihigaan ko.. napa upo ako nang mapagtanto ko na wala na si Jaki sa tabi ko..

Tumingin tingin pa ako sa buong kwarto.. wala talaga sya.. saan sya pumunta? Sabi nya di sya aalis sa tabi ko?..

"Jaki? Jaki?" Medyo mahina kong tawag.. hindi pa kasi okay na okay ang pakiramdam ko.. medyo masakit pa ang ulo ko..

Bigla kong narinig na may papaakyat ng hagdan.. baka si Jaki nayun.. bumalik ako sa higaan ko saka ako nagkunwaring tulog...

Rinig ko ang pagpasok nya sa loob ng kwarto.. naramdaman kong papalapit sya sakin.. umupo sya sa tabi ko.. hinipo nya ang noo at leeg ko..

"bumababa na" mahina nyang sabi..

Tumayo sya at rinig kong naglakad sya palayo sakin..
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko.. sinilip ko sya.. naglalakad sya papunta sa cr..

Bat parang ang dumi ng damit nya?.. ang gulo pa ng pagkakaipit ng buhok nya.. parang pawis na pawis pa sya.. pumasok sya sa loob ng cr..

Maya maya ay lumabas na sya.. basa ang mukha at mga kamay.. naghilamos yata.. nagtulog tulugan uli ako.. narinig ko nalang na lumabas na sya ng kwarto.. pinakiramdaman ko muna kung nakalabas na talaga sya..

ilang minuto din akong naghintay.. saka ako tumayo at naglakad palabas ng kwarto.. paglabas ko ng kwarto meron agad akong napansin.. basa ang sahig.. parang kakamop lang.. saka yung mga gamit sa gilid ang ayos.. hindi ko pa naman naaayos yung mga yun ah?..

dahan dahan akong bumaba ng hagdan.. tumambad sakin ang sala.. malinis at maayos ang mga gamit.. bumisita ba si ate? Sya lang naman ang naaayos dito kapag bumibisita sya.. tinatamad kasi ako maglinis pero pagdating sa kwarto ko naglilinis at nagaayos ako.. sinong naglinis dito?

May naghuhugas ng plato? Naririnig ko kasi ang daloy ng tubig mula sa kusina.. tahimik akong naglakad papunta sa kusina.. tumambad sakin ang isang babaeng nag huhugas ng plato.. si Jaki..

"Jaki?" Sabi ko... humarap sya sakin..
"Vice? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya
"Ikaw nga dapat ang tinatanong ko nyan eh, anong ginagawa mo dito? Bakit mo ginagawa yan?" Tanong ko namn

"hayaan mo na ako.. umakyat kana sa taas dun sige na, pahinga ka nalang sa kwarto mo" sabi nya
"Jaki, di mo naman kailangang gawin yan eh, ako nalang maghuhugas" sabi ko saka ako lumapit para kunin ang sponge sa kanya.. pero ayaw nyang ibigay..

"no, baka lalo kapang lagnatin, akyat kana dun  sa taas ako nang bahala dito" sabi nya
"Jaki naman" sabi ko
"Vice, patapos na naman ako, sige na susunod ako sa taas pagkatapos" sabi nya naman..

ano bayan, ayaw ko naman syang iwan dito.. hindi naman nya kailangang gawin to eh..

"Jaki, tama nayan ako nalang tatapos nyan" pangungulit ko
"Vice, wag nang makulit, sige pag hindi kapa umakyat sa taas aalis nako" sabi nya
"Sige na nga, basta pagkatapos mo akyat ka agad sa taas ah?" Malambing kong sabi
"sige na patapos narin ako" sabi nya naman saka ako tumalikod at naglakad pabalik ng kwarto..
.
.

***
Jaki's POV

Sa wakas natapos din ako! Kakatapos kolang maghugas ng plato.. agad naman akong umakyat sa kwarto si Vice.. pagkabukas ko ng pinto agad kong hinanap si Vice.. pero wala sya sa may kama..

"Vice? Vice?" Medyo malakas kong sabi.. wala namang sumagot sakin..

Dali dali akong lumabas ng kwarto at nag punta sa sala.. wala din sya doon.. wala din sa kusina.. hanggang sa labas ng bahay.. wala sya.. kinakabahan na ako.. saan sya nagpunta??
.
.
..
.

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now