Chapter 32: V

700 19 1
                                    


***
Jaki's POV

mahigpit akong nakayakap ngayon kay Vice..

"Oo!" Malakas nyang sabi... nahinto si Tom sa pagtawa.. lalong humigpit ang hawak ko sa kamay nya dahil sa sinabi nya.. tumingin sya sa akin at nagpakita ng ngiti.. bakit sya naka ngiti? Anong binabalak nya?.. talaga bang aamin na sya?.. ibinalik nya ang tingin nya kay Tom..

"Oo bakla ako!" Malakas nyang sabi..

Grabe ang kabog ng dib dib ko.. dito naba matatapos ang pagpapanggap namin? hindi naba nya kayang pigilan ang sarili nya? Anong mangyayari pagkatapos nito?.. ibat ibang mga tanong ang umiikot sa utak ko..

"Tignan mo na Jaki? Sa kanya na mismo nanggaling ang ebidensya! Bakla sya!" Tuwang tuwang sabi ni Tom..

Saglit akong natigilan.. di ko alam kung anong sasabihin ko.. napayuko nalang ako habang nakayakap padin kay Vice.. malapit nang bumagsak ang mga luha sa mata ko na kanina kopa pinipigilan.. anong gagawin ko??..

"bakla ako..... noon.." natigilan ako nang marinig ko ang sinabi nya.. tumingala ako at nakita ko syang nakatingin parin kay Tom..

"anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Tom..

"Oo, inaamin kong bakla ako.. pero noon yun.. bago ko minahal si Jaki.." sabi nya saka nya ako tinitigan.. napangiti naman ako sa sinabi nya.. akala ko aamin na sya pero hindi.. nakaisip pala sya ng palusot..

"ano? Ganun ganun nalang yun?! Ni wala kang balak na ipaalam sa kanya yun?!" Inis na tanong ni Tom..

Kumawala ako sa pagkakayakap ko kay Vice at hinarap ko si Tom

"Tom! Please! Tama na okay?" Malakas kong sabi..
"Jaki? Dapat nga magpasalamat ka saakin kasi ngayon alam mo na yung pagkatao ng boyfriend mo" mahonahong sabi nya
"alam ko.. alam kong bakla sya.." sabi ko..

"huh?" nagtatakang tanong nya
"bago pa naging kami.. bakla pa sya.. naging magkaibigan kami na nakalipstic pa sya.. pero alam mo ba? Kahit ganun sya.. nahulog ako sa kanya.. wala akong pakielam sa hitsura o sa kung ano sya.. nahulog ako sa magandang ugali na meron sya.." pagpapaliwanag ko... bigla nalang hinawakan ni Vice ang Kamay ko at tumabi sakin..

"at sa di inaasahang pagkakataon.. pareho na pala kaming nahuhulog.. pinilit kong baguhin ang sarili ko para sa kanya.." sabi ni Vice habang nakatitig kami sa isat isa..

"sa totoo lang wala naman saakin kahit bakla sya eh.. minahal ko sya kahit ganoon sya.. pero sya na mismo ang may gustong magpakalalaki para sakin.. alam mo ba? Kahit nung hindi pa sya nagpapakalalaki.. nanligaw na sya.. ang weird siguro isipin pero.. sinagot ko sya.. naging kami kahit nung mga panahon na parehas pa kaming nakalipstic..sa iba siguro parang mali.. pero wala kaming pakielam.. mahal namin ang isa't isa.. at masaya kami dahil todo suporta naman ang mga kaibigan namin sa relasyon naming dalawa.." sabi ko na naka tingin naman kay Tom..

"h-hindi ako naniniwala.. hindi naman ganun ganun lang na magiging lalaki agad ang isang bakla" sabi ni Tom na halatang pikon na pikon na sa mga naririnig nya..

"tsaka, hindi kapa tunay na lalaki! At pwede mo pang balikan ang dati mong pagkatao!" galit nyang sabi.. may ngiting makikita muli sa kanyang mga labi..

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora