Chapter 60: SINO KAYO?

390 21 6
                                    


Magkakalahating oras din silang bumiyahe..

Napansin ni Jaki na parang di alam ng barkada ang totoong pagkatao ni Vice..

Pero di sya nagsalita..

Dahil ngayon.. ang tangi nyang iniisip ay kung bakit sila papunta sa hospital..

Wala rin namang makapag sabi sa kanya sa nangyari dahil walang may lakas ng loob..

Natatakot silang mabigla sya..

.

.

.

nang makarating sila ay nagmamadali at halos patakbo silang pumasok sa hospital..

ni hindi na sila nagtanong at dire diretsong umakayat papunta sa 5th floor..

agad na pumasok sa isang kuwarto..

pagkapasok ay naabutan nila doon si Bela na nakaupo sa gilid na nagpupunas ng kanyang luha..

sa gilid naman ay si Billy na may kausap na doktor..

"Sige po dok... thank you"

maya maya ay lumabas narin ang doktor at naiwan sila sa loob..

"nasan sya?" tanong ni Anne na halatang nagpipigil ng iyak..

"emergency room" sagot ni Bela

"huh? akala ko stable na sya?" tanong ni Karylle na di narin mapigilan ang luha..

"akala rin ng mga doktor.. pero kanina bigla nalang nagkaproblema tapos nakita nilang may pumutok na ugat sa ulo nya" paliwanag ni Billy saka pasalampak na umupo..

nang marinig yon ay bigla nalang humagulgol si Anne at Karylle saka sila yumakap kila Vhong at Yael..

di naman alam ni Jaki kung paano magrereact dahil di nya kilala kung sino bang pinaguusapan nila..

"A-ano bang nagyayari? bat ba tayo nandito? sino bang tinutukoy nyo?" tanong ni Jaki

Nagkatinginnan naman sila bago lumapit sa kanya si Bela..

bigla nalang yumakap ito sa kanya..







"Vice... si Vice.. naaksidente sya kagabi" halos paos na sabi ni Bela na nakapagpatuod kay Jaki..











tulala si Jaki habang palalim ng palalim ang paghinga nya..

bigla nyang naramdaman ang panghihina ng mga tuhod nya..

nang mapansin ito ni Billy ay agad syang tumayo at inalalayan si Jaki..

Pinaupo sya sa isang upuan at pinainom..

.

.

.

.

Nagmamadali namang pumunta sila lahat sa harap ng emergency room nang ipatawag sila ng doktor..

Pagkarating nila roon ay nandoong nakatayo sa tapat ng pinto ang doktor..

"dok kumusta po si Vice?" tanong agad ni Billy

"okay naman sya.. stable na sya uli.. at nagkaroon lang pala ng konting kirot ang ulo nya.. wala namang pumutok na ugat.. sa ngayon di pa sya pwedeng bumangon pero pwede na syang bisitahin kapang nailipat na sya sa room nya.." paliwanag ng doktor..

Nakahinga naman sila ng malalim..

"thank you doc" sabi ni Anne at umalis narin ang doktor..

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon