Chapter 29: KAGAT LABI

696 19 0
                                    


Jaki's POV

Maaga akong nagising.. pagkagising ko ay agad na akong naligo at nag-ayos ng sarili..

Lalabas na sana ako ng kwarto nang biglang tumunog ang aking telepono..

*Vice message you*

Good morning Jaki! :-)
Hindi na nakalock ang gate at pinto kaya pasok kana agad pagdating mo.. saka dito kana magbreakfast, I cooked your favorite... PANCAKES!

See you! 😘

From:Vice

Napa ngiti ako nung nabasa ko ang message nya.. lalo na yung emoji sa dulo.. bigla akong nakaramdam ng kilig!

Lumabas ako ng aking kwarto na mayroong malaking guhit ng ngiti sa aking mga labi. Saktong paglabas ko ay andoon din si mommy na halatang kagigising lang..

"Umagang kay ganda po!" Medyo malakas kong sabi sabay kiss at hug kay mommy

"aba? Mukhang masaya si bunso ha? May lakad ka ba? Nakabihis ka yata? Ang aga pa ha?" Naka ngiting tanong ni mommy

"maaga po akong pupunta kay Vice" sagot ko naman
"ah ganon ba? Sige ipagluluto na kita ng almusal" sabi nya
"ay hindi napo, sabi po ni Vice nagluto naraw po sya, dun nalang po ako magaalmusal" nakangiti kong sabi
"osige, lumakad kana't baka hinihintay kana nya" sabi naman nya
"sige po!" Masaya kong sabi ska na ako lumabas ng bahay..
.
.

Nasa labas na ako ng bahay ni Vice.. agad na akong pumasok sa loob..

Pagkapasok ko sa loob ay agad kong naamoy ang masarap na pancake na niluto nya.. pumunta ako sa kusina. nakita ko ang pancake sa plato na naka patong sa lamesa.. pero nasaan si Vice? wala naman sya dito..

Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang bumirit ng kanta.. si Vice yata yun ha? Nasa kwarto siguro..

Agad akong umakyat ng hagdan papasok sa kwarto nya.. pagkapasok ko ay agad ko syang hinanap.. pero wala sya..

~Pangarap ko ang ibigin ka!~

Rinig ko ang todo birit ni Vice na kumakanta.. pero pambabae ang boses.. nasa banyo pala sya.. ang ganda din pala ng boses babae nya..

Dali dali kong kinuha ang phone ko para videohan sya.. nung pagka pindot ko nagiba naman yung music.. Can't take my eyes off of you?

~You're just to good to be true, can't take my eyes off of you~

Nagulat ako dahil nung kumanta sya ay panlalaking boses naman yung ginamit nya.. bawat kanta nya ay parang damang dama at para syang nakikipag duet sa music na sinasabayan nya.. nakakarelax talaga yung boses nya.. ang sweet pakinggan.... romantic..

Nangalay ang kamay ko sa paghawak ng phone ko kaya pinatong ko ito sa table na nakatutok sa pintuan ng banyo..

Umupo muna ako sa may kama habang hinihintay kong lumabas si Vice..
.
.

Ilang minuto narin ang nakakalipas.. tapos nadin yung kanta.. saglit na naging tahimik.. tapos narin siguro sya sa ginagawa nya..

Nahiga ako sa kama at nagtalukbong ako ng kumot.. wala lang, trip ko lang gulatin sya hehe

Habang tahimik akong nakatalukbong.. rinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo.. rinig kodin ang mga yapak nya habang papalabas dito..

Halos 15 seconds din ang hinintay ko bago ko pabiglang umupo.. pagkatanggal ko ng kumot ay agad ko naman tinakpan ng dalawa kong kamay ang aking mga mata!. Di ko akalaing isang Vice na nakatapis lamang ng twalya sa pangibaba ang lalabas sa pintuang iyon..

"Aaahh!!!" Malakas na sigaw ko

"Sh*t!" Gulat nyang sabi
"anong ginagawa mo dito?!" tanong nya

"sorry! sorry! Di ko alam na naligo ka pala, sorry.. " nahihiya kong sabi na hindi parin tinatanggal ang mga kamay ko sa mga mata ko..

"sige sige, labas ka muna" mahinahong sabi naman nya..

Nagmadali naman akong lumabas ng kwarto at hindi ko manlang sya tinignan pa.. pabangsak pa ang pagkakasara ko ng pinto.. pagkalabas ko ng kwarto saka ako huminga ng malalim
.
.

***
Vice's POV

Pagkalabas ko ng banyo.. napatingin ako agad sa salamin sa tapat ng banyo sa ibabaw ng table.. napataas kilay pa ako dahil sa nakita ko.. sanay na naman ako at tanggap ko nang hindi babaeng katawan ang mayroon ako..

pero kahit bakla ako masasabi kong maganda ang pangangatawan ko.. lagi kasing nagyayaya mag gym sila Vhong..

kaya ito, matchong macho, may musle at abs.. hindi naman kalakihan ang katawan ko pero masasabi kong hot kung kung ikukumpara sa iba..

Wala sa sariling nagpose ako na parang pangmodel na kunwari'y inaayos ang buhok at naka kagat labi habang inaangulo ang abs ko.. ilang araw narin akong hindi nag gygym.. pero hindi pa naman napapabayan ang katawan..

Nagulat ako ng biglang umangat ang kumot ko sa may kama.. lumabas dito ang isang babae.. si Jaki.. pagkakita nya saakin ay agad nyang tinakpan ang mga mata nya..

"Aaahh!" Sigaw nya

"Sh*t!" Gulat kong sabi sabay talikod..
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko

"sorry! Sorry! Di ko alam na naligo ka pala, sorry.." nahihiya nyang sabi.. lumingon ako sa kanya..

"sige sige, labas ka muna" mahinahon kong sabi

Nagmadali syang lumabas ng kwarto at pabagsak pa ang pagkakasara ng pinto..

Saglit pa akong natigilan.. pero agad naman akong natauhan saka na ako nagbihis...

Pagkatapos kong mag bihis ay humarap ako sa salamain.. nag ayos ng buhok.. napatingin ako sa table.. kanino phone toh?

Kinuha ko ito.. tinignan ko yung screen.. napataas kilay ako nang makitang....

***
Jaki's POV

nandito ako ngayon sa kusina.. nakaupo sa may upuan.. di parin ako maka get over sa nangyari kanina.. agad ko namang tinakpan ang mata ko kaya hindi ko naman nakita ng maayos ang katawan nya.. sa totoo lang nanghinayang ako dun ah? Hehe parang sana di ko agad tinakpan ang mga mata ko? ano ba tong mga iniisip ko? Haha di ko tuloy mapigilang matawa ng kaunti

"Anong nakakatawa?" Mataray na sabi ni Vice na nasa likod kona pala..
"wa-wala" agad ko namang sabi habang pinipigilan ang aking tawa
"Jaki? Sayo ba to?" Napaharap ako sa kanya.. nagulat ako nang makita ang tinutukoy nya.. yung phone ko.. naiwan ko nga pala sa kwarto nya..
"a-eh Oo" nahihiya kong sabi saka ko ito kinuha sa kamay nya..

Nakita nya kaya yung video? Saka.. my gad! Navideohan sya habang nagbibihis! Baka akala nya sinadya ko yun.. pano ba to? ..
.
..
.
...

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now