Chapter 11: PANSIN

716 26 1
                                    


Anne's POV

Naglalakad kami ngayon.. sinusundan lang namin si Vice... sabi nya kakain daw kami pero di nya sinabi kung saan.. ako lang ba ang nakakapansin na parang close na sila Vice at Jaki? Napapansin kulang na di na sila naiilang.. lalo na si Vice.. dati todo iwas yan kay Jaki.. pero ngayon... nasa likod kaming tatlo ni Vhong at Karylle.. sa harap namin si Vice.. katabi si Jaki.. tapos kanina magkasama pa silang pumunta sa bahay..

"Anne? Huy?" Bulong sakin ni Vhong
"ah eh bakit?" Tanong ko
"kanina kapa nakatulala kila Vice, ano bang tinitignan mo?" Tanong nya
"Wala" sagot ko
"anong wala? Eh kanina mopa sila tinititigan mula ulo hanggang paa" sabi ni Vhong
"hindi kasi.. nacucurious lang ako.. kasi tignan mo, parang sobrang close na nila" bulong ko naman
"tama na nga yan, napahamak na tayo sa curiosity nayan diba?" Bulong naman ni Karylle

Biglang tumigil sa pag lalakad si Vice.. baka narinig nya kami.. omg anong sasabihin ko??

"Brad? Bat ka huminto?" Tanong ni Vhong
"nandito na tayo" sabi nman nya.. tumingin kami sa lugar kung nasan kami.. palengke??

"Anong ginagawa natin dito? Kala koba kakain tayo?" Tanong ni Karylle
"K pano kakain kung walang pagkain? Pano magkakaroon ng pagkain kung walang iluluto? Pano magluluto kung walang sangkap?" Mataray na sabi ni Vice saka naglakad papasok ng palengke
"magluluto ka?!" Gulat na tanong ko
"ano paba?" Sagot ni Vice habang patuloy na naglalakad
"yieeee!!!" Kinikilig na tili ni ko

Yes! Finally matitikman ko din ang luto nya! Ano kayang iluluto nya? Exited nako!

Sumusunod lang kami kay Vice habang tumutingin sya ng sangkap.. sobrang mapili sya.. tinitignan, hinihipo at inaamoy nya bawat sangkap.. ano kaya ang lulutuin nya?. Bawang.. sibuyas.. pasta.. bacon..parsley… crab?? Anong luto naman to?

Nang natapos na syang mamalengke ay dumiretso na kami sa bahay nya..
..
.
.
Nasa kusina na kami ngayon... kahit kailan ang ganda talaga ng kusina nya.. ang linis.. ibinaba nya sa may lamesa ang mga sangkap na binili nya..

"ok! Let's start!" Sigaw nya saka sya kumuha yung apron at hair net saka nya ito sinuot..
"ano pang tinatayo tayo nyo dyan?" Mataray nyang sabi
"ha?" Sagot ko naman
"kumuha na kayo ng apron saka hair net dun oh" sabi nya sabay turo sa lalagyan ng apron at hair net
"magluluto din kami?" Tanong ni Vhong
"ano? ako magluluto? Kayo relax lang?" Mataray na sagot ni Vice
"di ako marunong maluto" sabi ko naman.. kumuha sya ng kutsilyo
"magluluto o iluluto?" Mataray nyang tanong
"sabi konga" sagot ko naman saka na kami kumuha ng apron at hair net.. maikli lang naman ang hair namin ni Karylle kaya madali lang isuot yung hairnet.. pero mahaba yung hair ni Jaki kaya medyo nahihirapan sya..

"hali kanga!" Sabi ni Vice kay Jaki,, lumapit naman si Jaki.. inayos ni Vice ang buhok ni Jaki para mailagay yung hair net..

Yan nanaman.. am I the only one who can see their sweetness? Naka ngiti pa silang parehas! Omg tama kaya tong hinala ko?!

"sa susunod pa kalbo ka para di na kailangan ng hairnet" pambibiro ni Vice
"che!" Inis na sabi ni Jaki

Nung tapos na kami maglagay ng apron at hairnet lumapit na kami kay Vice..

"Vhong oh,," sabi ni Vice habang inaabot kay Vhong ang 2 bawang at 1 sibuyas
"anong gagawin ko dito?" Tanong ni Vhong
"Ano paba edi i chop mo!" Mataray na sabi ni Vice
"tu naman nagtatanong lang" bulong ni Vhong
"Anne? Ito naman sayo, chopped" sabi nya sabay abot sakin ng bacon
"sige" sagot ko naman
"K? Marunong kang mag luto ng pasta diba?" Sabi naman nya kay Karylle
"Oo" sagot naman ni Karylle
"oh heto" sabi naman ni Vice saka inbot ang spaghetti pasta kay K
"Jaki pakuha naman ng cream, Parmesan cheese, 2 egg saka white wine sa ref" sabi naman nya kay Jaki
Kinuha naman ni Jaki...
"oh heto" sabi ni Jaki
"heto kadkarin mo yung cheese" sabi naman ni Vice
"Ok" sagot naman ni Jaki

Habang ginagawa naman namin yung mga pinagawa nya samin pinakuluan nya na yung 5 crabs na binili nya.. nung tapos nako sa ginagawa ko lumapit ako sa kanya..

"sis, ano pang gagawin?" Tanong ko
"sige sis paki hiwalay yung egg yolks sa white" sagot nya naman
"sige" sabi ko.. kinuha ko na yung 2 egg.. ginawa ko yung pinagagawa nya..

"Vice okay nato!" sigaw naman ni Karylle..
"sige set aside mo nalang dyan" sagot naman ni Vice

Inasikaso naman ni Vice ang mga crab na luto na.. isa isa nyang binuksan at kinuha ang laman.. kahit ang mga paa at sipit ay di nya pinalampas.. parang sanay na sanay na sya sa ginagawa nya.. tinabi nya muna yung crab meat sa gilid saka nya binuksan ang apoy sa kalanat nag lagay ng pan sa ibabaw..

"Karylle paabot naman ng olive oil, nandun sa taas" sabi ni Vice habang nakaturo sa itaas na cabinet
"heto" sabo naman ni karylle saka inabot ang olive oil kay Vice.. nagsimula nang mag luto si Vice.. inilagay ang olive oil..
"Bacon" sabi nya. Inabot naman ito ni Vhong
"thanks" sagot naman ni Vice saka nya ito nilagay sa pan..
Mayamaya ay inilagay na nya sa may plato yung bacon na naluto na
"onions and garlic" sabi naman nya.. inabot ko naman sa kanya
"thanks" sagot namn nya..

Mayamaya dinagdag na nya yung crab meat..
"Pagsamahin nyo sa isang bowl yung egg yolks, cream, saka cheese" sabi naman nya
kumuha naman ako ng bowl.. pinagsama sama na namin yung mga ingredients..
"paabot po ng wine" sabi ni Vice.. inabot naman ito ni Jaki.. saka inilagay naman ito ni Vice sa pan..
"san na yung bacon saka yung pinahalo ko." Sabi ni Vice
"heto o" sabi namn ni Vhong habang inaabot ito kay Vice
"thanks" sabi ni Vice saka ito inihalo naman nya ito sa pan.. saka nya nilagyan ng konting asin at paminta..

Maya maya.. kumuha sya ng kutsara.. kumuha sya ng konti sa niluto nya saka nya hinipan
"tikman mo nga" sabi nya habang naka tapat kay Jaki ang kutsarang hawak nya... tumikim naman si jaki..
"Hmm sarap" sabi ni Jaki..
"talaga?" Sabi ni Vice saka sinubo ang parehas na kutsarang ginamit ni Jaki..
"hmm okay nanga" sabi nya

Wait! Ako lang ba naka pansin don? Parehas yung ginamit nilang kutsara?

"K? yung pasta?" Sabi naman ni Vice
"heto" sabi ni Karylle habang inaabot ang pasta na nakalagay sa isang malaking bowl.. ibinuhos naman ni Vice ang niluto nya dito..

"paabot ng parsley, kutsilyo tsaka chopping board" sabi naman nya.. inabot naman ito ni Vhong

nagulat ako ng tinadtad ni Vice yung parsley gamit ng kutsilyo ng hindi manlang nakatingin
"Vice!" Sigaw ko
"Oa sis?" Sabi ni Vice habang tinatadtad ang parsley ng naka tingin sa akin.. pagkatapos nyang tadtarin ay ibinudbod nya ito sa pasta..

"Done! Creamy Carbonara with Crab meat!" Sigaw ni Vice
"wow ang bango!"malakas na sabi ni Karylle
"tara na kainan na!" sabi naman ni Vhong
"let's go!" Malakas na sabi naman ni Vice saka binuhat ang malaking bowl ng Carbonara..
..
.
.
.

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now