Chapter 34: PAPEL

681 20 1
                                    


***
Billy's POV

Damang dama ko ang lamig ng hangin... mula sa balkonahe kung saan kami ay naroroon.. matatanaw mo ang malaking bahagi ng kayamanan... na kanyang itinatago... na ibaba sa may kanan ay matatanaw mo ang hardin na punong puno ng ibat ibang makukulay na mga bulaklak.. pati na ang berdeng mga halaman at ang mga puno sa paligid.. sa kaliwa naman ay isang napaka lawak na swimming pool.. kung kukunin siguro ang sukat ng kabuoan ng lugar na ito ay mamari ka nang makapag patayo ng eskwelahan..

Nakaupo kami ni Vice sa dalawang kulay pilak na upuan na magkaharap sa isat isa.. hinihintay ko syang magsalita.. halata naman sa kilos at mukha nya na hindi nya alam kung paano sisimulan ang sasabihin nya...

"bestie? Ano ba yung sasabihin mo?" tanong ko sa kanya..

Huminga sya ng malalim bago nagsalita..

"bestie? Okay lang ba kung mago-open ako?" Sabi nya na parang nahihiya.. matagal tagal narin kasing hindi nakakapag open sakin toh..

"Oo naman, go on" sabi ko saka ko hinila ang upuan ko para mas lumapit sa kanya..

"You remember Jaki?" tanong nya
"yes.. yung isa sa kaibigan mo na ipinakilala mo sakin kahapon? Bat wala ka nga palang naikukwento sakin tungkol sa kanya?" sabi ko
"actually almost 1 and a half month palang namin syang nakakabarkada.. after exam namin sya nakilala.. neighbor.." sabi naman nya
"so? Anong meron sa kanya?" Tanong ko naman..

"well, may nangyari kasi.. 10 days ago.. that.. I have to pretend..." sabi nya

"pretend? Like yung sa mga kaibigan mo?" Tanong ko naman..

"no.. this was different.. I needed to pretend to be her... Boyfriend" sabi nya.. hininahan nya nang konti yung dulo pero narinig ko naman...

"what? Boyfriend? Wow! How? As in ikaw? Boyfriend?!" Medyo natatawa kong tanong
"sige mang asar kapa!" Inis nya namang sabi..
"eh ano bang nangyari? Bat kinailangan mong magkunwaring boyfriend ni Jaki?" Tanong ko habang pinipigilan ang aking tawa..
"ganito kasi yun. Last friday.. nagpunta kami ng 7/11 tapos........."
.
.

Kinuwento nya saakin ang mga nangyari pati na ang nangyari nung may pilay si Jaki.. pati ang eksena sa kwarto nya nang mapagtaasan nya ng boses ang mga kaibigan nya.. pati ang bakasyon nila.. pati narin ang nangyari kahapon...

"Grabe naman pala yung mga nangyari" sabi ko
"sinabi mo pa!" Medyo malakas at mataray nyang sabi
"lampas isang buwan lang tayo hindi nagkita nakahalik kana ng girl!" Pambubwisit ko sa kanya..

pero bakit ganito? Ang inaasahan ko eh hahampasin nya ako dahil sa sinabi ko.. pero bakit bigla syang ngumiti?..

"bestie?!" malakas kong sabi
Gulat na gulat naman sya at muntikan pang mahulog sa kinauupuan nya..

"Bwaahahaahahahahahaaha" malakas kong tawa
"sira ka talaga!" inis nyang sabi

"eh kasi naman! bigla bigla ka nalang ngumingiti! hoy! Bestie?! Anong meron kay Jaki? Ha?" Tanong ko
"w-wala!" Malakas nyang sabi..
"eh bat hindi ka makatingin sakin?!" Tanong ko naman
"Ano bang trip mo ha? Bat ba ganyan yang tinatanong mo?!" Malakas nyang sabi saka tumayo at pumunta sa gilid..

May hindi to sinasabi sakin..

Tumayo ako at lumapit sa kanya.. hinawakan ko sya sa balikat..

"bestie? I know you so well, alam kong may something.. alam mo namang handa akong makinig sayo diba? Sige na?" sabi ko

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now