Chapter 70: WAGAS O WAKAS?

690 19 11
                                    

READ AT YOUR OWN RISK
.

.

.

.

.

.
.
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Vice...... nasan ka?? Vice? Ikaw ba talaga yan?? Nasan ka?? Pupuntahan kita.. please.. nasan ka?" umiiyak na tanong ni Jaki sa kanya habang hawak ng nanginginig nyang kamay ang phone nya..

Agad naman syang nagpanic nung biglang naputol yung tawag

"Vice! Vice! Vice!!" paulit ulit nyang sigaw habang sinusubukan uling tawagan yung number..

Pero di na sinasagot..

"Vice.." halos walang boses nyang sabi at napaupo sa sahig sa may gilid ng kama..

"Jaki?" rinig nyang tawag ni Bela

Pero di nya sya pinansin at tuloy parin sya sa pagiyak habang mahigpit na hawak ang phone

"Jaki dito ka dali" sabi ni Bela..

"Bela tumawag si Vice... tumawag sya.." umiiyak na sabi ni Jaki

Lumapit sakanya si Bela..

Hinawakan nya si Jaki sa may balikat kaya napatingin ito sa kanya..

Nakangiti sya..

halata sa mukha ni Jaki ang pagtataka..

pero bago paman sya makapag salita ay natigilan na sya ng may marinig na tila naglalakad palapit sa kuwarto nya..

rinig din nya ang medyo malakas na tunong na para bang may tungkod ang naglalakad na ito..

muli syang napatingin kay Bela..

na ngayon ay may luha na..

naka ngiti parin..

muling hinawakan ni Bela ang may balikat ni Jaki bago tumalikod at diretsong lumabas ng kwarto..

malalim parin ang pag hinga ni Jaki dahil sa pag iyak..

habang naghihintay..

naghihintay sa pag pasok ng kanina pa nyang naririnig na taong papalapit..

hindi umalis si Jaki sa puwesto nya...

nakaupo sa sahig sa may gilid ng kama na katapat ng pinto..

napakunot ang noo nya ng may itim na tungkod na nagpakita mula sa labas ng kuwarto nya..

tama nga ang hinala nyang narinig nya..

tinignan nya ang kamay na nakahawak dito..

Biglang bumilis ang pag tibok ng puso nya dahil tila nakikilala nya ang kamay na iyon..

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now