Chapter 30: MR. OR MS.

775 18 1
                                    

***
Jaki's POV

Grabe ang kabong ng dibdib ko... di ako makatingin sa kanya.. hinihintay kolang ang susunod nyang sasabihin..

"naiwan mo sa may table sa kwarto, saka lowbat na yata" sabi nya saka umupo sa upuan sa tabi ko..

Agad kong tinignan ang phone ko.. nakahainga ako ng malalim nang hindi nag on ang screen.. Buti nalang.. buti nalang na low bat.. pero..

"oh! Bat di kapa kumain?" Tanong nya..
"hinintay kita" sagot ko naman
"osya, kain na tayo" sabi nya sabay abot ng tinidor sa akin

"wait? Okay kana ba? Anong pakiramdam mo? May masakit paba sayo? Uminom kana ba ng gamot?" Sunod sunod kong tanong sabay kapa ng noo at leeg nya
"okay napo ako inay!" Medyo malakas at natatawa nyang sabi
"buti naman" sabi ko saka na kami nagsimulang kumain..

Habang kumakain ay normal naman ang pakikipag usap sa akin ni Vice.. kwento ng kwento.. habang ako medyo tahimik.. di kasi ako komportable dahil sa nangyari kanina.. ni hindi nga ako maka tingin sa kanya ng diretso eh.. naiilang ako..

"uy? Kanina pako chika ng chika parang di kanaman nakikinig?" Biglang sabi ni Vice sabay hawak sa balikat ko.. iginalaw ko naman ang balikat ko para matangal ang kamay nya.. na halatang ipinagtakhan nya base sa reaction nya..

"ah wala wala" naiilang kong sabi na hindi parin sya matapunan ng tingin

hindi sya nagsalita.. ramdam kong nakatitig sya sakin.. rinig ko ang paggalaw ng upuan.. napatingin ako sa kanya... inilayo nya ng kaunti yung upuan nya sakin..

"naiilang ka?" Mahina nyang tanong.. sya naman ngayon ang hindi nakatingin saakin at ako naman ang nakatitig sa kanya..

"medyo.. sorry" nahihiya kong sabi..

"Kalimutan mo nanga yun! Parang naman nakita mo yung kayaman ko? Naka tapis naman ako diba?" Sabi nya sabay subo ng pancake..

Di naman ako nagsalita.. itinuloy ko nalang ang pagkain..

"Jaki? Wala kabang nahahalata?" Napatingin ako sa kanya nang biglang naging seryoso ang tono nya..

"nahahalata? Saan?" Tanong ko
"si Anne? Bakit di nya tayo tinalakan tungkol sa nangyari?" Tanong nya sabay harap sa akin..

"di ba okay yun?" Tanong ko
"okay sana pero.. kilala ko si Anne.. laging chumichika yun kapag may ganap.. at alam kong matinding talak ang hatid ng kiss na nangyari satin.. pero bakit wala? Ni hindi nya manlang nabanggit yun? Kahit kahapon habang namamasyal.. kahit text nga wala parin" sabi nya habang medyo itinagilid ang ulo na malayo ang tingin

"oo nga noh?.. diba lagi nya tayong binubwisit? Diba parang ngayon nya dapat tayo inasar ng todo?" Nagtataka kong tanong..

"hindi lang si Anne.. pati ang buong barkada.. dapat naka hotseat na tayo ngayon.. pero bakit parang wala silang pake sa nangyari?" Sabi naman nya saka nya ako tinignan..
"baka naman ayaw na nila g pagusapan yung nangyari? Syempre.. alam naman nila siguro na hindi naman natin sinasadya yung nagyari.. na napilitan lang tayo.." pag dadahilan ko..

"Oo nga pero.. di ako sanay na.. na ni hindi nila ako tatanungin ng kahit ano tungkol sa mga ganap sa amin.. hindi sila ganun eh" sabi nya habang nakakunot noong nakahawak sa kanyang baba..

"wag mo nangang isipin yun.. tapusin mona yang kinakain mo.. sigurado akong mamaya tatalakan din tayo ng mga yun.. baka hindi muna nila binanggit para menjoy natin yung last 2 hours natin sa resort" sabi ko saka ko tinuloy ang pagkain.. tinuloy narin nya yung kaniya..

Pagkatapos naming kumain ay parehas naming hinugasan ang mga pinagkainanan namin.. pagkatapos ay dumiretso na kami sa kwarto nya..
.
.
Nakahiga si Vice sa may kama na naka lagay ang dalawang mga kamay sa may likod ng kaniyang ulo habang ako ay naka upo sa may gilid ng kama... mag kakalahating oras narin kaming nagkukwentuhan ng kung ano ano..

"kumusta nanga pala yung board exam result mo?" Tanong ko
"This Saturday" maikli nyang sagot
"Vice? May tanong lang ako" seryoso kong sabi sabay titig sa kanya...
"ano?" Ngtataka nyang tanong
"kapag naging lawyer kana—" natigilan ako nang biglang may kumatok sa pinto..

"pasok!" Malakas na sabi ni Vice

Bumukas ang pinto at pumasok sila..

"sis! Anong nangyari sayo?! Bat di mo kami agad tinawagan?!" Malakas na sabi ni Anne sabay patakbong linuntahan si Anne at kapa sa noo at leeg nito..
"ayan nanaman yang ka OAyan mo sis! Okay na ko! Di naman ako nagka cancer! Nilagnat lang!" Mataray na sabi ni Vice

"eh brad? Bakit di mo kami tinawagan kahapon?" Tanong ni Vhong na nasa likod ni Anne
"pano ko kayo tatawagan?" Mataray na sabi ni Vice sabay turo sa basag nyang phone na naka patong sa may lamesa.. nabasag daw yun nung nahulog sya sa kama habang tinatawagan ako..
"pano nyo nga pala nalaman toh?" Nagtatakang tanong ni Vice
"susunduin sana namin si Jaki, tapos sinabi samin ng mama nya yung nangyari" pagpapaliwnag ni Karylle
"ikaw naman kasi Jose Marie! Alam mo namang madali kang kapitan ng lagnat!" malakas na sabi ni Anne

"girl? Nakakabinge ha? Saka Jose Marie talaga?!" Iritang sabi ni Vice
"dapat masanay kana! Eh Jose Marie ang itatawag sayo pag naging lawyer kana diba?" Mataray na sabi ni Anne

"Oo nga pala brad? Anong tawag sayo? Mr. o Ms.?" Natatawang tanong ni Vhong
"che!.... kahit ganito ako.. Mr..... Mr. Jose Marie B. Viceral.. well.. I have to be professional" sagot naman ni Vice

"yiee! Magiging lawyer na ang sis ko!" Masayang sabi ni Anne sabay yakap kay Vice..
"mas exited kapa sakin sis ah?" nataatwang sabi ni Vice
"syempre! Magkakaroon nako ng lawyer na sisteret!" Masayang sabi ni Anne saka kumawala sa pagkakayakap nya kay Vice
"this Saturday na diba?" Tanong ni Karylle
"Oo, kinakabahan nga ako eh" sagot ni Vice
"bakit naman?" Tanong ni Vhong
"syempre.. Di naman sure kung makakasama ako" matamlay na sabi ni Vice
"ano kaba sis?! Sigurado naman akong makakasama ka!" Sabi naman ni Anne nang naka ngiti
"Thanks sis!" Sabi ni Vice saka nagpakita ng ngiti..
.
.

Halos buong araw kaming nandoon sa bahay ni Vice.. ayaw syang palabasin ni Anne kasi daw ay baka mabinat ang katawan.. buong araw kaming nag kukwentuhan at nagtatawanan dahil sa walang tigil na pagpapatawa ni Vice at Vhong.. hanggang sa pag-uwi ay di matanggal tanggal ang guhit na ngiti sa aking mga labi..
.
.
..
.

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now