Chapter 16: YAKAP-BUHAT

709 20 1
                                    


"Jaki!" Sigaw ng isa sa matalik kong kaibigan na si Madc habang tumatakbo papalapit sa amin..
"Madc! I miss you!" Sigaw ko naman saka sya sinalubong ng yakap na pagka higpit higpit

Una syang kumawala sa yakap namin..
"kumusta kana? Tagal nating di nagkita ah? Parang wala namang nagbago sayo ah" sabi nya habang tinitignan ang buo kong katawan
"okay lang naman ako, haha tumaba nga ako ng konti eh" sabi ko naman
"parang hindi naman" sabi nya
"San sila Melvie, Charm saka Cashmir?" Tanong ko
"dun nag-aayos ng mga gamit nila, nauna nakong naglakadlakad" sagot naman nya saka sya napatingin sa likod ko

"kasama mo?" Bulong natanong nya sakin habang tinuturo si Vice..
Tumango naman ako..
"Ang POGI! pakilala mo naman ako" pabebe nya namang sabi

"sige, si.." sabi ko
"Jose Marie Viceral, but you can call me Vice, nice to meet you?" sabi ni Vice gamit ang panlalaki nyang boses habang naka ngiti.
"Madc, nice to meet you Vice" sabi naman ni Madc saka sila nag shake hands

"Melvie! Charm! Cashmir!" Sigaw ko sa kanila sabay kaway.. dali dali naman silang tumakbo at sinalubong ako ng yakap..
"Jaki! Buti nakarating ka!" masayang sabi ni Cashmir
"Oo nga" dagdag naman ni Melvie
"syempre  di pwedeng hindi ako pupunta noh!" sagot ko naman

"sya nga pala Jaki? Sinagot mo na pala yung nangliligaw sayo? Si Tom?" Tanong ni Charm
"uy! Hindi ah!" sabi ko naman
"ah? Eh bat sabi nya kayo na?" Tanong ni Charm
"Walang kami! Walang magiging kami!" Mataray kong sabi

"teka? Sinabi nya? Kailan?" Tanong ko namn
"oo minesseage nyako sa fb tanatanong nya kung saan tayo magsuswimming" sagit naman nya
"sinabi mo?" Tanong ko
"Oo, sorry sabi nya kasi kayo na saka gusto ka daw nyang isurprise" nahihiyang sabi ni Charm
"wag ka ngang mag sorry! Hayaan mona yung lalaking yun!" Sabi ko naman
"eh pano kung sundan nya tayo dito?" Tanong ni Melvie

"okay lang, si Vice nalang bahala sa kanya" sabi ko naman saka tumingin kay Vice na nagpakita naman ng ngiti..
"Uy Jaki pakilala mo naman kami dyan sa POGI mong kasama" sabi naman ni Melvie
"Jose Marie Viceral,, you can call me Vice" sabi naman ni Vice na panlalaki parin ang boses
"Vice? Unique nickname" sabi naman ni Cashmir
"Oo nga, ngayon lang ako nakarinig ng ganong name" sabi naman ni Melvie
"I guess I'm Unique" naka ngiting sabi naman ni Vice
"kaano ano mo nga pala Jaki? Pinsan? Friend?" Tanong naman ni Madc

Tinitigan ko naman si Vice.. lumapit naman sya sakin.. tinitigan nya ako sa mata saka nya tinignan ang kamay ko.. kinuha nya ito at hinolding hands saka tumingin uli sakin ng nakangiti.. binalikan ko naman ng tingin ang mga kaibigan ko.. kitang kita sa mukha nila ang gulat at halatang di makapaniwala.. binigyan ko naman sila ng ngiti saka ako tumingin uli kay Vice na nakangiti parin..

"OGM! Jaki!" kinikilig naman na tili ni Madc
"kailan pa?!" Kinikilig na tanong naman ni Melvie
"2 weeks 2 days" sabi ko naman
"huy! Di kaman lang nagsabi samin agad ha?!" Sabi ni Cashmir
"syempre gusto ko ipakilala sya sa inyo ng personal" sagot ko naman

"hoy! Vice! Alagaan mo tong kaibigan namin ha? Wag mong paiiyakin toh? First bf ka nya!" Sabi naman ni Charm kay Vice
nilakihan ko naman sya ng tingin
napangiti naman si Vice,,

"wag kayong magalala, diko pababayaan ang buhay ko" sabi naman ni Vice saka nya itinaas ang magkahawak naming kamay saka nya hinalikan ang kamay ko.. ieeee! Vice kinikilig tuloy ako ng totoo..

"uy! Nilalanggam na tayo dito oh!" Kinikilig na sabi naman ni Cashmir
"tara lakad lakad muna tayo" pagaaya naman ni Charm..

Nagsimula naman kaming maglakad lakad.. magkakasama kaming mga girls sa harap.. nasa likod naman namin si Vice.. tahimik lang syang sumusunod samin.. habang naglalakad sunod sunod naman ang tanong nila sa akin.. ako lang kasi ang nahiwalay sa aming magkakaibigan nung lumipat ako ng bahay.. kung ano anong ang tinatanong nila.. maya maya napunta naman kay Vice ang usapan..

"saan saka kailan mo sya nakilala?" Tanong ni Madc
"isang kanto lang layo ng bahay nya samin, lagi ko syang nakikita saka nakakausap non" sagot ko naman
"Pano sya nanligaw?" Kinikig na tanong naman ni Cashmir
"secret" nakangiti ko namang sagot.. wala akong maisip na sabihin eh

"ganon? Eh anong work nya?" Tanong naman ni Melvie
"Hinihintay pa namin yung board exam result nya this week eh" sagot ko naman
"board exam?" Tanong ni Melvie
"Oo" sabi ko naman
"eh ano bang tinake nya?" Tanong ni Charm
"law" maikli kong sagot.. halata namang nagulat sila sa sagot ko
"future lawyer bf mo?!" Gulat na tanong ni Madc
"Oo, pero hinihintay pa namin yung result" sagot ko naman
"Eh anong pinagkukuhanan nya ng pera ngayon?" tanong naman ni Melvie

"Nag papart time Assistant Nurse sya sa ate nyang doctor" sagot ko naman
"wow! Lawyer na nurse pa! Swerte mo naman Jaki" sabi ni Madc
"saka magaling magluto" sabi ko naman

"wow! Edi ikaw nang maswerte" ingit sabi naman ni Cashmir saka kami nagtawanan..

Habang nagtatawanan kami biglang may yumakap sabay buhat sa akin sa likod.. si Vice...

"Vice!" malakas kong sabi dahil sa gulat.. maya maya binaba nya na ako at hinampas ko naman sya ng mahina sa balikat

"bat mo ginawa yun?!" inis kong tanong
"Sorry na po, miss lang kita" nakangiti namang sagot ni Vice.. nawala bigla yung inis ko.. napalitan ng kilig.. napangiti naman ako

"miss agad eh nasa likod lang kita" sabi ko naman
"ieee! Gusto ko katabi kita eh!" Parang bata nyang sabi..

napatingin naman ako sa mga kaibigan kong kilig na kilig habang pinapanood kami
"puro ka kalokohan tama na nga yan!" Sabi ko naman
"Tu naman galit agad.. halikanga dito" sabi nya saka sya lumapit sakin at binuhat ako.. yung pangkasal ang peg..

"Vice! Baba moko" sabi ko
"baka mapagod ka, tara kain na tayo Boo, girls sama na kayo" sabi naman nya saka nagsimulang naglakad papunta sa room namin.. sumunod naman samin sila Madc..

.
Nang papalapit na kami sa room binaba na ako ni Vice.. nakita ko sila Karylle, Yael, Anne at Vhong na inaayos ang mga pagkain sa lamesa sa harap ng room namin..
nang makita kami ni Anne ay sumigaw sya

"oh sis! Nandito na pala kayo ni Jaki" sabi ni Anne
Nagulat ako sa sinabi nya.. napatingin ako sa mga kaibigan ko na halatang naguguluhan sa narinig nila...
..
.
..
.

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon