Chapter 26: ILY

735 20 4
                                    


Jaki's POV

"may natirang pagkalalaki?.. tulad mo?" Tanong ko
"Uy! Girl! Wag moko isama dyan! Boy hanap ko noh?!" Mataray nyang sabi
"Wow? Eh ikaw tong unang nagtanong ng tungkol dyan sa pagkagusto gusto nayan!" Mataray kong sabi..
"Eh.. na-nacucurious lang naman ako.." mahina nyang sabi..

"tama nanga yan! Tulog ka muna" sabi ko naman
"wag kang aalis ah?" Sabi nya habang nakatingin sakin
"pano ako makakaalis kung nakapatong yung ulo mo sa lap ko?" Tanong ko naman
"hehe sige tulog nako basta dito kalang" sabi nya sabay kuha ng kamay ko at hinolding hands nya ito saka ipinatong sa dibdib nya..

"Oo na, sige na, tulog na" sabi ko naman sabay kiss sa noo nya..

"wait ang sarap naman ng kiss nayun! Isa panga! Dito dito oh!" Medyo malakas nyang sabi habang nakaturo sa pisnge nya..

"Tulog na!" Malakas ko namang sabi na medyo natatawa
"iee! Kiss muna!" Parang bata nya namang sabi habang naka turo parin sa pisnge nya..

"sige nanga" sabi ko saka ko sya kiniss sa pisnge

"dito naman oh dito!" Medyo malakas nyang sabi sabay turo sa kabilang pisnge nya
"nakakarami kana ha?" Natatawa kong sabi sabay kiss naman sa kabila nyang pisnge

"dito naman oh" sabi nya sabay turo sa ilong nya..
"last na ha?" Sabi ko.. tumango naman sya..

Dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa ilong nya.. pero laking gulat ko nang igalaw nya ang ulo nya at aksidente kong nahalikan ang mga labi nya.. mabilis ko naman itinaas ang ulo ko..

Hinampas ko sya ng mahina sa balikat..

"bat mo ginawa yun?" Gulat na tanong ko  sa kanya
Imbes na sumagot tinawanan nya lang ako..

"anong nakakatawa?!" Inis kong tanong
"Ang cute mo tignan kapag nagugulat! Saka uy! ang pula mo nanaman girl! Parang naman ngayon lang tayo nag kiss?" Natatawa nyang sabi

"Vice? May sakit ka pa ba sa lagay mong yan?" Inis kong tanong
"malay mo yung kiss mo yung makapag pagaling sakin?" Natatawa nya pang sabi..

"tumigil kana nga sa mga kalokohan mo! Tulog!" Inis kong sabi
"heto na nga po" sabi nya na piniligilan ang pagtawa..

"Jaki?" bulong nya
"hmm?" Medyo inis kong sabi
"May gusto lang akong sabihin.." seryoso nyang sabi
"ano yun?" Tanong ko naman
"Good Night!" Malakas nyang sabi saka nya ipinikit ang mga mata nya..

Halos 5 minuto narin ang nakakalipas.. di ako umalis sa pwesto ko una dahin di rin naman ako makakaalis kasi nakahiga sya sa may lap ko.. pangalawa ewan ko ba kung bakit ayaw nya akong umalis?.. anong trip nya nun?

Tinitigan ko yung mukha nya.. maamo at gwapo ang dating..

kinuha ko yung phone ko sa may gilid ko saka ako nagtake ng pictures namin dalawa.. kinunan ko din sya ng solo pics habang tulog sya..
ito yung gagamitin kong pambwiset sa kanya pag inasar nya ako uli hahhahaha...

di ko mapigilang mapatawa ng kaunti habang tinitignan yung mga pics na nakunan ko sa kanya.. mahigit 25 pics din ang kinunan ko.. ang cute nya kasi tignan pag natutulog.. at gwapo pa! Napatitig ako sa mukha nya.. ang gwapo talaga..

Fininger comb ko pa ang buhok nya..

kahit tulog, hindi parin nya binibitiwan ang isa kong kamay.. ang cute nya tignan habang hinohoding hand yung kamay ko at pinatong nya pa sa dib dib nya..

yung tipong isang prinsepe na nagpapakita ng pagmamahal sa kanyang prinsesa.. ang sweet nya tignan.. bigla tuloy akong kinilig.. ang feeling ko tuloy parang ako yung prinsesa.. at sya ang aking prinsipe

Natigilan ako nang marealize ko ang mga naiisip ko.. ano? Bat ba ako ganito sa kanya? Bat ganito yung mga iniisip ko?

Dahil ba to sa mga ginagawa nya?... yung mga times na super sweet nya sakin.. yung mga times na totoo akong kinikilig sa mga ginagawa nya.. yung tipong kahit kami lang ang magkasama may kilig moments padin akong nararamdaman..

yung bawat titig ng mga mata nya.. yung bawat haplos.. yung mahigpit at napakasarap na yakap.. yung tawa na nakapag bigay saya.. yung bawat ngiti ng kanyang mga labi..

yung labi... labi na aking natikman...

masama ba kung sasabihin kong umasa ako?.. umasa ako na baka.. baka sakali lang naman na.. na baka may pagasang.. maging lalaki pa sya.. na baka may something samin.. na baka may nararamdaman din sya sakin..

dahil Oo aaminin ko.. dahil sa mga nangyayari ngayon di ko naman maipagkakaila na.. na may nararamdaman ako.. sa kanya.. pero syempre.. di naman pwede.. alam kong lahat ng mga nagawa at ginagawa nya ay dahil sa pagpapanggap nya bilang bf ko... na lahat ng yung acting.. at yung mga times na kami kami lang.. syempre.. sweet sya kasi.. kasi tinuturing nya ako bilang sister nya..

Pero ilang beses nanga rin akong naguluhan..

yung mga times na talagang lalaking lalaki sya umasta.. yung halik na ipinatikim nya.. yung tanong nya na kung posible bang may magkagusto sa kanyang girl?..

tapos kanina sinadya nya pang magkiss kami for the second time..

ewan ko ba pero.. sa totoo lang kung hindi lang sya bakla iisipin ko na may gusto talaga sya sakin.. at baka may gusto na din ako sa kanya..

kaya nga ako nagtanong sa kanya kung posible bang magkagusto ang isang gay sa isang girl eh.. at nung sumagot sya ng Oo lalong akong umasa na baka talagang may gusto sya sakin..

kaya lang bigla nya namang sinabi na boy ang hanap nya.. tapos sinadya nya namang magpakiss sa lips.. alam kong weird kung iisipin.. na baka.. baka nagkakagusto na ako sa kanya pero.. hindi talaga eh..

ewan koba alam kong bakla sya pero.. lalaki yung nararamdaman ko sa kanya..

Ano ba tong mga naiisip ko? Jaki! Jaki! Jaki! Huy! Gising! Si Vice ang tinutukoy natin dito oh?! Yung kaibigan mong bakla na ang hanap ay lalaki! Kaya Jaki!! Tigil tigilan mo na nga yang mga kalokohang naiisip mo! My GAD! ano ba naman to?! Jaki! Okay?! Lahat ng to pagpapanggap! Okay?! Yung sweetness nya dahil yun sa tinuturing nya ako bilang sister okay?!

Jaki! Tandaan mo! Mahirap umasa sa WALA, mas mahirap umasa sa PARANG MERON, pero mas mahirap umasa sa BAKLA!! kaya please lang kailangan mong tigil tigilan yang mga iniisip mo!

Nagulat ako ng biglang gumalaw si Vice.. tinanggal nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko at saka nya hinipo ang noo nya.. sumasakit nanaman siguro ito..

"Vice? Masakit ba?" Tanong ko saka ko hinipo ang noo nya..
Hindi naman sya sumagot.. umungol sya ng mahina..

"Vice? Vice? Masakit ba?" Tanong ko uli..
dahan dahan nyang ibinukas ang mga mata nya..

"J-Jaki?" Bulong nya
"Vice? Ano? Masakit nanaman ba?" Tanong ko
"J-Jaki? W-wag mo akong iiwan" mahina nyang sabi
"Oo, dito lang ako hanggang gumaling ka" sabi ko naman ska ko hinipo ang pisnge nya..

Hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa pisnge nya..

"J-Jaki.." sabi nya saka sya tumagilid ng pagkakahiga..

"I love you.." mahina nyang sabi..
..
.
..
...

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now