Chapter 23: ANTOK

655 15 0
                                    


Jaki's POV

"Jaki.." bulong nya..

Kinakabahan naman ako sa itatanong nya.. parang seryoso sya..

"Jaki.. may extra kabang toothbrush?" Medyo natatawa nyang tanong

"toothbrush? Wala, isa lang dala ko eh.... teka?! Ano? Nagkiss lang tayo toothbrush agad?!" Inis kong sabi
"uy girl hinaan mo yung voice, mabubukayo tayo nyan bala ka" mahina pero natatawa nyang sabi
"ikaw kasi eh.. toothbrush agad?" Sabi ko naman

"uy girl you think okay sakin yung nangyari? Eww!" Maarte nyang sabi
"eww? Eh ikaw nga tong humila sakin para makiss tayo tapos ikaw pa yung mage-eew?" mataray kong sabi
"alangan namang ikaw yung magmomove para makiss tayo? Diba dapat yung boy yung gagawa ng moves? Kung ikaw yung nagmove edi  nagmukha kang despirada?" Mataray nya naman sagot

Hindi naman ako naka sagot.. kasi may point naman sya.. naalala ko yung nangyari.. diko inaasahang aabot sa ganun.. akala ko nakaligtas na kami pero kami pa pala mismo ang matutuloy.. yung ginawa nya.. napaka romantic na may pagka wild.. aaminin ko.. nadala ako sa nangyari kanina.. nakakadala yung kilos nya… yung galaw.. yung haplos.. yung bawat titig.. yung pilyong ngiti.. nakakadala sya.. parang hindi si Vice ang kasama ko kundi si tutoy..

Napatitig ako sa kanya habang sya naman nakatingin sa may apoy.. ang gwapo nya talaga tignan.. lalo na yung look nya.. basa ang buhok.. walang make up.. lalaking lalaki.. i wonder...

"Vice?" Bulong ko..
"yes?" Sabi nya naman sabay tingin sakin.
"nandyan parin ba sa katawan mo si Jose Marie? Si Tutoy?" Di ko mapigilang itanong sa kanya yun.. curious lang ako..
"Oo" mabilis nyang sagot
"sa tingin mo ba kung purong bakla nako ngayon matitiis kong humalik ng girl?" Dagdag pa nya

"so kanina yung humalik sakin.. si Tutoy?" Tanong ko
"hindi ko alam.. siguro.. teka? Bat ba ganyan yung tanong mo sakin?" Tanong naman nya

"wala.. nacucurious lang ako.. parang kasi kanina hindi  ko nakita si Vice.. ang nakita ko si Tutoy" sagot ko naman
"hay, tigil tigilan mo nga ako girl" naiirita nyang sabi..
"hindi, totoo nga" sabi ko naman
"Jaki, antok kana" sabi naman nya
"ay, bahala ka kung ayaw mong maniwala" sabi ko naman saka ako tumingin sa apoy na nasa harapan namin..

Hindi naman sya sumagot.. bigla kaming naging tahimik.. hindi naman tahimik yung paligid kasi nasa may tabi lang ang barkada na nagtatawanan.. habang naka tingin ako sa may apoy.. ramdam kong nakatingin sya sakin.. halos 2 minuto na.. ramdam kong nakatingin parin sya sakin.. bakit kaya?? Anong meron??..

"Vice" bulong ko sabay tingin sa kanya..
"yes" medyo gulat nyang sabi
"anong oras tayo uuwi bukas?" Tanong ko.. gusto kolang mag start ng topic.. ang awkward na kasi..
"ah.. mga 8:00 am siguro, kailangan kasing maibalik ni Yael yung sasakyan bago mag 1:00 pm sa papa nya" sagot naman nya
"Ahh.." sabi ko naman

"Jaki? Can I ask you something?" Seryoso nyang tanong
"Sige" sabi ko naman
"san yung dad mo? Sorry kung nangengeelam ako.. pansin ko kasing wala naman sa bahay nyo yung dad mo tapos wala kapang naikukwento samin" tanong nya
"Katulad ng mama mo nasa ibang bansa din sya.." sagot ko naman
"OFW? anong work nya dun?" Tanong nya
"ewan" matamlay kong sagot
"ewan? Hindi mo alam?" Tanong naman nya

"halos 5 taon kona ding hindi nakakausap yun.. di konga alam kung kilala paba ako nun eh" sabi ko naman

"sorry" bulong nya naman
"bat ka nagsosorry?" Tanong ko
"wala, dapat kasi nanahimik nalang ako,, tu talagang bunganga ko kung ano anong nachichika, yan tuloy" sabi naman nya
"Ano kaba, okay lang, wala nadin naman akong pakielam sa lalaking yun.. i mean.. masaya na naman kami ni mommy tsaka ng mga kuya ko" sabi ko naman

"may mga kuya ka?" Tanong nya
"Oo, 5 sila, ako bunso at kaisa isang babae" sabi ko naman
"uy pakilala moko, malay mo maging magsister tayo" masaya nyang sabi
"Taken sila lahat" sabi ko naman
"ay ganern? Keri lang, willing to wait" sabi nya naman
"Willing to wait talaga ha?" Natatawa kong sabi

Natigilan ako tapos bigla akong napahikab.. inaantok na kasi ako kanina pa..

"antok kana girl? Diba natulog ka nung biyahe?" Tanong nya
"Eh napuyat ako kagabi eh" sabi ko naman

***
Vice's POV

antukin pala tong si Jaki.. halos 3 oras na syang natulog sa biyahe antok pa ngayon? Sabagay pati naman ako antok nadin..

"Vice?" Biglang bulong nya sakin
"yes?" Sagot ko naman
"lab?" Nahihiya ngang sabi..
"tulog ka?" Tanong ko.. tumango naman sya..

di ako nagsalita.. humarap ako sa kanya at ipinuesto ko ang kaliwang paa ko sa likod nya at ang kanan sa harapan nya saka ko itinaas ang kamay ko na nanghihingi ng yakap..

lumapit sya sakin at niyakap ako.. naka palibot ang kamay nya sa kanang braso ko habang naka yakap din ako sa kanya..

"thank you" bulong nya..

Ewan ko ba pero napapadalas ang pagyakap namin sa isat isa.. madalas sya naman yung humihingi ng yakap ng wala lang.. parang gusto ko naman..

Ipinatong ko ang ulo ko sa ulo nya..

"Jaki?" Bulong ko
"Hmm?" Sagot naman nya
"tingin moba may magmamahal sakin? Yung love talaga?" Tnong ko.. gusto kong malaman yung isasagot nya..
"Oo naman" sagot nya naman

"talaga? Kahit girl?" Tnong ko..

"huh? Girl? Diba dapat boy?" Tanong nya naman
"hindi, curious lang ako,, sa tingin mo pwedeng magkagusto sakin ang isang girl kahit ganito ako?" Tanong ko

"Oo" maikli nyang sagot..

Hindi ako naka sagot.. nagdadalawang isip kasi ako sa susunod kong itatanong sa kanya.. baka kasi..

Halos 3 minuto nang walang nagsasalita sa amin.. di naman nagbago ang position namin.. actually parang ang sarap sarap ng pakiramdam ko habang nakayakap ako kay Jaki.. iba ang pakiramdam ko.. hindi normal na yakap ang nararamdaman ko.. naiisip kolang.. pareho kaya kami ng nararamdaman?

"Jaki?" Bulong ko.. hindi naman sya sumagot..

may gusto talaga akong itanong sa kanya..

"Jaki, pano kung nagkagusto ako sa isang girl? Pano kung kunwari trip kita?" Tanong ko..
..
.
...
.

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now