Chapter 52: GUSTO

613 24 1
                                    

"I love you Jaki ko"




Saglit na natigilan si Jaki pero agad ding nagpatuloy sa paglalakad...




Dahil nakatalikod ay di naman nakita ni Vice ang pasimpleng ngiti ni Jaki..




Akala ni Vice ay nagtatampo parin ito kaya't aalis na sana sya...




Pero bago paman sya makahakbang..




"pasok ka na" medyo mahina pero sapat lang upang marinig ito ni Vice at magpangiti sa kanya..




Ngiting ngiti si Vice habang nakasunod kay Jaki papunta sa kuwarto..




"uy? Jaki? Wag kana magtampo please? Please? Jaki please?" Agad na sabi ni Vice pagka pasok nila sa kuwarto ni Jaki...




Di naman sumagot si Jaki at nakatalikod parin...





Lumapit naman si Vice at niyakap siya mula sa likuran..




"Bat ba ikaw tong nagtatampo? Ikaw ngang may kasalanan nito eh" sabi ni Vice habang yakap yakap si Jaki..





"pano ko naman naging kasalanan to?" mataray na tanong ni Jaki..




Pinakawalan naman sya ni Vice saka nya sya pinaharap..




"ikaw kasi... kung di ka sana naging masyadong maganda.. kung sanang di ka naging sexy masyado.. kung di ka naging masyadong masarap kasama.. kung di ka sana naging malambing... kung di ka lang naging mapagalaga.... kung sanang di ka naging ikaw... edi sana di naapektuhan to.." malambing na sabi ni Vice saka itinuro ang kaniyang puso..




Di naman nakapag salita si Jaki..




Tahimik silang nakatitig sa isa't isa..




Hanggang sa di na nakapagpigil si Jaki at agad nyang niyakap si Vice..




Medyo nagulat naman si Vice pero agad nya ring niyakap pabalik si Jaki...




"makapag salita ka... kasalanan mo rin naman to" medyo mahinang sabi ni Jaki habang sinusubsob ang kaniyang mukha sa dibdib ni Vice..





Di naman maiwasan ni Vice na mapangiti sa sinabi ni Jaki..




Yumuko naman sya at hinalikan ang buhok ni Jaki..




"so pinapatawad mo na ko?" tanong ni Vice





"saan?"




"d-dun sa ano.. yung kagabi" parang nahihiyang sabi ni Vice..




Agad namang namula si Jaki nung maalala nya yung mga nangyari..





"w-wala namang nangyari ah" mahinang sabi ni Jaki..




"so ikaw naman nakalimot ngayon?" natatawang tanong ni Vice




"bakit... a-ano bang nangyari?" painosenteng tanong ni Jaki..




"gusto mo paalala ko?" sabi ni Vice gamit ang kaniyang husky voice...




Nagulat naman si Jaki nang bigla syang hilain at ipitin ni Vice sa pader..



Hinawakan ni Vice ang magkabilang kamay nya..




My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon