Chapter 18: HABOL

682 20 1
                                    


Jaki's POV

nung nakaalis na si Vice nagkwentuhan naman kaming magkakaibigan.. masaya ako kasi okay yung mga nangyari pero.. nakakaguilty... nagsisinungaling ako sa kanila.. nadamay pa si Vice..

"guys mamaya mag campfire tayo" masayang sabi ni Madc
"good idea" pagsasangayon naman ni Melvie
"Oo nga, sama sama tayong lahat.." sabi naman ni Charm
"Oo sulitin natin yung overnight" sabi ko naman
"Sige pero ayusin muna nating yung mga gamit natin  sa room" sabi naman ni Cashmir..
"Oo nga" sabi ni Melvie
"osya balik muna tayo sa room natin" sabi naman ni Medc
Tumayo naman kami lahat.. hinatid ko sila sa pinto..

"kita tayo mamaya" sabi ni Charm saka na sila naglakad papunta sa room nila..

Isasara ko na sana yung pinto nang mapansin ko si Vice sa may kalayuan.. nakaupo sya sa malaking bato malapit sa dagat...

naglakad ako papalapit sa kanya.. habang papalapit ako ng papalapit napansin kong may ginagawa sya... nag dadrawing?.. ang seryoso nya.. ano kayang dinadrawing nya?.. dahan dahan akong lumapit sa kanya papunta sa likoran nya... sisilip na sana ako sa dinadrawing nya kaya lang bigla nyang sinara.. tapos bumuntong hininga pa sya...

"Jaki.." bulong nya..

Napansin nya ata ako..

"ieee! Di ko nakita!" Malakas kong sabi
bigla naman syang humarap sakin..
"Anong ginagawa mo dyan?" Sabi nya
"patingin nung drawing mo" sabi ko
"anong drawing?" Tanong nya na hindi makatingin sakin
"yung dinadrawing mo kanina" sabi ko naman
"wala" sabi nya saka tumayo at nagsimulang maglakad pabalik sa room namin..
"huy! Hintayin moko!" Sigaw ko naman saka ako sumunod sa kanya

Naglalakad kami papunta sa room..

"Vice?" Bulong ko... hindi naman sya sumagot..
"uy? Anong nangyari sayo? Kanina ang sweet sweet mo ngayon ang cold cold mo?" Sabi ko naman
"Wala" sabi naman nya..

Di ko nalang sya pinansin at patuloy nalang kami naglakad papunta sa room..

Nasa loob na kami ng room.. dire-diretso lang syang pumunta sa bag nya saka nya inayos ang mga gamit nya.. ano bang problema nya?

"Vice? May problema ba?" Tanong ko
hindi sya sumagot at tuloy padin ang pagaayos ng gamit nya... nung natapos na sya pumunta naman sya sa may kama saka humiga patagilid na nakatalikod sa akin... lumapit ako sa kanya..

"Vice?" Bulong ko saka ko hinawakan ang braso nya.. nagulat ako nang biglaan nyang tinanggal ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya...
.
.

***
Vice's POV

Tutal wala naman na yung mga kaibigan nya.. gusto ko munang umiwas... natatakot ako.. natatakot ako na baka.. baka maniwala na ako.. alam kong weird isipin na.. na parang nagugustuhan ko na sya.. pero alam ko sa sarili ko ang nararamdaman ko.. alam kong pagpapanggap lang ito.. alam kong hindi pwede... mas mabuti na ngayon palang mapigilan kona itong nararamdaman ko...

"Vice? May problema ba?" Tanong nya sakin.. di ko sya pinansin.. pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko dumiretso ako sa kama at humiga nang nakatalikod sa kanya.. alam kong baka nagtataka sya kung bakit ako biglang nagkaganito.. ako din naman..

"Vice?" Bulong nya saka ko naramdaman ang kamay nya na pumatong sa braso ko.. ayoko nang magpadala sa mga haplos nya kaya biglaan kong tinanggal ang pagkakahawak ng kamay nya.. ramdam ko ang gulat nya..

"Vice? Anong nangyari sayo?" Tanong nya
"wala" sagot ko naman
"anong wala? Kanina ang ayos ayos naman natin? Bat ngayon parang galit ka sakin?" tanong nya
"wala nga" sabi ko naman
"may nasabi ba o nagawa akong mali?" Tanong uli nya... diko alam kung bakit pero bigla akong napaupo nang nakaharap sa kanya..

"wala nga! Okay?! Wala!" Malakas kong sabi habang mabilis ang paghinga..

diko alam kung bakit pero ramdam kong ang galit na tingin ng mga mata ko.. ngunit para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang reaction ni Jaki.. gulat at parang takot na takot.. bahagya pa syang umurong sa sobrang gulat.. bumalik sa dati ang emosyon ko.. gusto kong magsorry sa kanya.. grabe ano batong ginagawa ko?!

"J-jaki?" Bulong ko habang unti unting lumalapit sa kanya... pero umaatras sya palayo sakin
"j-j-aki.. wait lang" sabi ko naman pero tuluyan na syang tumakbo palabas ng kwarto.. gusto ko syang habulin pero ako mismo nagulat sa mga nasabi ko at parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko... nang nakalabas na sya dun lang ako nakagalaw... ano batong ginawa ko?! Nakakabwisit!! Paulit ulit ang pagdadabog ng mga paa ko.. diko nadin mapigilan ang mga luha sa aking mga mata.. ilang beses ko ding sinabunutan ang sarili ko.. ewan koba kung bakit.. pero nung nakita ko yung takot na reaction ni Jaki.. parang may sumuntok ng matindi sa puso ko.. parang pati ako nasaktan sa nakita ko.. bakit bako nagkakaganito?.. kailangan ko syang makausap... gusto kong magsorry...

Dali dali akong pumunta sa pinto.. pagka bukas ko sumalubong sakin sila Anne at Vhong..

"sis? Anyari kay Jaki? Bat sya umiiyak? Teka? Bat kadin umiiyak?" Tanong sakin ni Anne..
"san sya pumunta?" Tanong ko naman.. habang patuloy ang pagluha sa aking mga mata...
"dire diretso lang syang tumakbo papunta dun" sabi nya saka tumuro sa may tabing dagat.. natanaw ko si Jaki na tumatakbo.. dali dali akong tumakbo para habulin sya..
"teka brad?" Sabi ni Vhong
"mamaya nako chichika" sabi ko naman habang tumatakbo..

Iniwan kong naguguluhan sila Anne at Vhong habang tumatakbo ako papunta kay Jaki na hindi padin tumitigil sa pagtakbo.. patuloy naman ang paghabol ko sa kanya kahit nanginginig na ang buo kong katawan.. maya maya ay biglang bumagal ang pagtakbo nya.. saka sya huminto sa pagtakbo.. bumagal din ang pagtakbo ko at dahan dahang lumapit kay Jaki habang nakalapat ang mga kamay nya sa kanyang mukha.. nakatalikod sya saakin..

Habang papalapit ako sa kanya..

"Vice! Ano bang problema mo?! Ano bang nagawa ko?!" sigaw nito habang umiiyak... napatigil ako sa laglalakad.. hindi nya ata alam na sinundan ko sya..
"nakakainis naman eh! Bat bako umiiyak ng ganito?! Ugh! Diko mapigilan!" Dagdag pa nya..

Grabe.. nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman nya.. ayoko ng ganito... may napaiyak nanaman akong isa sa mga kaibigan ko.. ang bigat sa pakiramdam..

Lumapit ako sa kanya saka ko.....
..
.
.
..

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum