Chapter 28: LIGO

705 18 1
                                    


Vice's POV

kakalabas ko lang ng cr.. najihi kasi ako.. bat ang tagal naman ni Jaki?.. di paba sya tapos? Puntahan ko kaya?...

Lumabas ako ng kwarto.. dahan dahan akong bumaba ng hagdan.. naabutan ko si Jaki na nakatalikod sakin..

"Vice? Vice? Vice?" Sigaw nya.. bat naman nya sinisigaw ang pangalan ko?
"Uy! Jaki? Anong meron?" Medyo malakas kong sabi...

Biglaan naman syang humarap sakin.. kita sa mukha nya ang pagkagulat..

"Vice!" Malakas nyang sabi saka sya tumakbo papalapit sakin..
"bakit ba?" Ngtataka kong tanong
"kala ko kung san ka nagpunta!" Malakas nyang sabi sabay yakap sakin..

"OA ka girl! Nag cr lang ako" sabi ko naman..
"Grabe! Kinabahan talaga ako" sabi naman nya

"Hmm? Jaki? Di nako makahinga" sabi ko.. ang higpit higpit kasi ng yakap nya.. para namang ilang taon kaming hindi nagkita..

"sorry sorry" nahihiya nyang sabi sabay tanggal ng pagkakayakap sa akin..

"Girl ano bang nangyari sayo?" Tanong ko
"eh nung pumunta ako sa kwarto mo wala ka eh.. nilibot ko nga yung buong bahay mo ee" sabi naman nya
"Nagawa mong libutin ang buong bahay maliban sa cr?" Medyo natatawa kong tanong
"eh nataranta ako" sabi naman nya
"grabe ka naman.. parang naman may mangyayaring masama sakin" natatawa kong sabi
"may sakit ka kaya!" Malakas nyang sabi
"yun nanga eh, may sakit ako, sa tingin mo lalabas ako?" Mataray kong tanong.. di naman sya naka sagot..

bigla nalang syang tumalikod sakin..

"ako nanga tong nagaalala" rinig kong bulong nya.. matampuhin talaga toh..

"Tampo pa" mahina kong sabi..
"sinong nagsabing nagtatampo ako?" Inis nyang tanong

"halat-" natigilan ako sa pagsasalita nang bilang kumirot ang ulo ko.. ang sakit.. napahawak pa ako sa upuang nasa tabi ko.. nahalata naman yata ito ni Jaki kaya humarap sya sakin.. hinawakan nya ako sa braso..

"Vice? Bakit? Ano?" Tanong nya
"Wala, okay lang ako, bigla lang kumirot ulo ko" sabi ko naman saka ako nagpakita ng pilit na ngiti
"akyat kana sa taas para makapag pahinga kana" sabi nya.. tumango naman ako..

Inalalayan nya akong umakyat hanggang sa paghiga sa may kama..

"Jaki, nilalagnat lang naman ako.. hindi naman ako na stroke" natatawa kong sabi
"kahit na noh!" mataray nyang sabi habang kinukumutan ako..

Ang... sweet nya... ang sarap pala sa pakiramdam nang may nagaalaga sayo.. yung tipong inaalagaan kanya tapos pinaparamdam nya sayo na mahalaga ka at nagaalala sya sayo.. ganito pala sya mag-alaga.. naisip ko lang.. bakit nya ba ginagawa to?.. ganito ba ako kahalaga sa kanya?..

"Jaki?" Bulong ko
"hmm?" Sagot nya
"bat mo ginagawa to?" Tanong ko
"huh? Bakit naman hindi?" Nakangiti nyang sagot
"yung seryoso, bakit ka nagbibigay ng oras mo sakin?.. pwede namang abutan mo lang ako ng gamot tapos okay na.. saka naglinis kapa ng bahay?" tanong ko

"Syempre, ito naman talaga ang dapat gawin mga kaibigan sa kaibigan nya diba?,, saka kulang pa ito sa ginawa mong pagtulong sakin" nakangiti nyang sabi..

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now