Chapter 15: VICE?

724 19 2
                                    


Vice's POV

Tinigil na namin ang kantahan at sayawan.. sabi ni Karylle mag relax muna daw kami.. nakakapagod naman kasi ang sumayaw ng sumayaw habang kumakanta at tumatawa sa loob ng 1 oras.. muling naging tahimik ang paligid.. tahimik pero hindi na awkward.. napatingin ako kay Jaki. Parang matamlay sya..

"Jaki? Okay kalang?" Nagaalala kong tanong.. napatingin naman sya sakin
"Oo medyo inaantok lang" sagot naman nya sakin
"tulog ka muna, dalawat kalahating oras pa naman ang byahe" sabi ko
"sige, teka pano ako makakatulog dito?" Tanong naman nya

"wait lang" sabi ko naman saka ko tinanggal ang bag naming dalawa at inilagay ito sa ilalim ng upuan namin.. yan mas malaki na yung space!

"yan! Higa na!" Sabi ko naman
"higa? Okay lang?" Tanong nya naman
"Oo, heto dito mo ipatong yung ulo mo" sabi ko habang naka hawak sa lap ko..

"sige" sabi naman nya saka sya humiga,
"oh tulog na" sabi ko habang nakayukong nakatingin sa kanya
"thank you" sabi naman nya saka nya tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata..
"sweet dreams" bulong ko naman.
..
.
.
Lumipas ang kalahating oras.. pinapanood ko lang sya habang natutulog.. diko alam kung bakit.. basta gusto kolang tinititigan ang mukha nya.. habang tinititigan ko sya ay hinawakan ko naman ang buhok nya.. napaka inosente nya tignan.. teka? Ano batong mga naiisip ko?! Uy Vice! Gising! Ano batong mga ginagawa mo?! Bat parang gumagaan na ang loob ko sa kanya?! Am I starting to like her?!… Hindi! Antok! Puyat! Yun lang yun! Inaantok nako! Makatulog nanga muna!

Ipinatong ko ang ulo ko sa may gilid saka umidlip..
.
.
Biglaan nalang akong nagising.. nasa loob ako ng van pero ako nalang magisa.. san naman sila pumunta? Iniwan talaga nila ako?! Ano bayan!

Inayos ko ang sarili ko saka ako lumabas ng van.. paglabas ko nang van laking tuwa ko sa tumambad sa aking harapan.. isang dalaga.. naka pink na dress.. nakangiti habang naka tayo sa aking harapan..

"oh Vice! Gising kana pala, tara" sabi ni Jaki saka kinuha ang kamay ko at hinila ako.. sabay kaming tumatakbo.. magkahawak kamay..

"san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.. hindi sya sumagot.. nakangiti lang sya at patuloy ang pagtakbo.. di ko alam kung bakit pero hindi ako napapagod.. nakatitig lang ako sa maamo nyang mukha habang hinahayaan syang dalhin ako kung saan...

Tumigil kami sa pagtakbo.. sa ilalim ng isang malaking puno.. tumingin tingin ako sa paligid... tila kami lang ang naririto.. tahimik.. tanging tunog ng hangin at hampas ng alon ang iyong madirinig.. lumingon ako sa may dagat at pinagmasdan ito.. biglang may humawak sa aking pisnge.. saka nya ito iniharap sa kanya.. sa gitna ng mga oras na iyon ang tanging nakikita ko nalamang ay ang maamong mukha ng dalagang nasa harap ko,, ang mukha ni Jaki..

"Vice?" Sabi nito
"Jaki" sabi ko naman
"Vice?" Sabi nya saka nya ipinatong ang kanyang mga kamay sa aking leeg
"Jaki" bulong ko naman
"Vice?" Bulong nya saka hinawakan ang aking pisnge
"Jaki" bulong ko..

"Vice" bulong nya habang dahan dahang inilalapit ang kanyang mukha sa akin.. napapikit nalang ako dahil tila alam kona ang susunod na mangyayari..

"Vice? Vice? Vice?" Paulit ulit nyang sabi...
..
.

***
Jaki's POV

bigla akong nagising nang may humawak sa tuhod ko..

"Jaki? Gising na. Gisingin mona rin si Vice, nandito na tayo" panggigising sakin ni Karylle
"ah sige" sagot ko naman

Bumangon ako saka ko tinignan si Vice na nakaupong natutulog..

"Vice? Vice? Vice?" Paulit ulit kong sinabi habang hinahawakan ang kanyang pisnge

"Ah?" sabi nya na parang nagulat sa pagkakagising
"nandito na tayo" sagot ko naman habang inaayos ang buhok ko
"ah?" tanong nya
"nandito na tayo!" mas malakas kong sabi

"panaginip lang pala" bulong naman nito
"anong panaginip?" tanong ko
"wala nanaginip ako na nag rurun-way ako" inis nya namang sagot saka sya nagsimulang mag-ayos ng sarili..
"bat ka naiinis?" Tanong ko

"wala.. di natuloy yung rampa, ginising moko eh" sagot nya naman

"tu naman! Panaginip lang yun!" sabi ko naman saka bumaba ng van.. maya maya ay bumaba narin sya..

"guys! Dito tayo!" Sigaw ni Anne habang kumakaway sa aming dalawa ni Vice
naglakad naman kaming dalawa ni Vice papunta sa kanila..

Nakapasok kami ngayon sa isang room.. dito kami mag oovernight..

"Yael thank you sa room ah, buti nalang kayo may ari ng resort" sabi ni Vhong
"no worries" sagot naman ni Yael
"oh ibaba nyo na mga gamit nyo" sabi naman ni Karylle

Ibinaba na namin ang mga gamit namin sa gilid ng room.. lalabas na sana ako pero pinigilan ako ni Vice

"bakit?" Tanong ko
"tanggalin ko nayang benda sa paa mo" sagot naman nya
"upo ka muna dito" dagdag pa nya.. umupo naman ako sa may kama saka nya inasikaso ang paa ko.. pagkatapos nyang tanggalin ang benda ay sabay na kaming lumabas ng room..

"tara pasyal muna tayo" sabi naman ni Anne
"let's go" sabi ni Vhong saka sila sabay na naglakad
"sige mauna na kayo pahahanda lang namin yung food" sabi naman ni Yael saka sila sabay ni Karylle na naglakad papalayo sa amin..

kaming dalawa nalang ni Vice ang natitirang magkasama..

"tara?" Pagaaya nya
"sige" sabi ko naman saka kami naglakad ng sabay..

Magkasama kaming naglalakad ni Vice sa may beach.. may ibang mga tao pero di gaanong marami kasi siguro halos ka bubukas palang ng resort na to.. napatingin ako kay Vice na nahuli kong nakatingin din sakin.. bigla naman syang umiwas at diniretso ang tingin.. ano bang nangyayari sa kanya? Bakit parang kanina pasya tingin ng tingin sakin?

"Vice?" Bulong ko saka ako tumigil sa paglalakad at humarap sa kanya
"Jaki?" Sbi naman nya
"may problema ba?" Tanong ko naman
"wala, bat mo naman natanong?" tanong nya naman
"kasi kanina kapa hindi mapakali eh" sabi ko naman
"wala may iniisip lang ako" sabi nya
"sure ka?" Tanong ko naman
"Oo tara na" sabi nya

Naglakad kami ulit.. mas mabagal ang paglalakad.. napansin kong hindi na sya tumitingin sa akin at diretso nalang ang lakad.. natigilan ako nag biglang may sumigaw ng aking pangalan

"Jaki!" Sigaw sa aking likuran.. lumingon naman ako.. nang nakita ko kung sino ito ay bigla akong nataranta.
Bigla naman syang tumakbo papunta sa akin..
..
.
.

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now