Chapter 31: OO!

703 20 4
                                    


Vice's POV

Kinakabahan ako.. mamaya kona malalaman ang board exam result ko.. tatlong araw narin ang nakakalipas nung nagkasakit ako.. normal naman ang mga nangyari sa tatlong araw na iyon.. 1 linggong wala si Tom dahil may ipinaasikaso daw sa kanya ang kanyang mga magulang sa ibang bansa.. naging masaya lalo na't di ko kailangang magpanggap.. well.. may kaunti paring pagpapanggap kapag kaharap ko ang mommy ni Jaki pero kery lang naman kasi mabait at maayos ang naging pakikitungo nito sa akin..

Exited ako at the same time kinakabahan.. di ko naman kasi alam kung ano ang magiging resulta.. alam kong binigay ko yung best ko sa exam.. ilang buwan din akong tutok na tutok sa pag rereview bago mag exam.. kaya lang.. syempre di ko naman alam kung sapat naba yun..

nandito ako ngayon sa kwarto ko.. naghahanda para mamaya.. kahit na ichechek ko lang naman yung result eh syempre kailangang presentable akong pupunta doon dahil nandun din ang mga kapwa ko law students na titingin din ng result..

magpapantalon ako.. pero parang mas namomoblema pa sakin tong sisteret ko na hindi makapamili sa kung anong kulay ng pangitaas ang bagay saakin.. mag kakalahating oras na syang nagdedisisyon..

"sis? kahit ano nalang dyan" sabi ko
"hindi pwede! kailangan pormadong pormado ka kapag nakita na natin ang pangalan mong lumabas sa screen" sabi naman nya na palipat lipat ang tingin sa dalawang pang itaas na hawak nya..
"ano kaya? black and white na long sleeve or navy green t shirt?" tanong nya habang ipinapatong sa dib dib ko ang mga ito..
"sis? heto nalang long sleeve" irita kong sabi
"parang okay nga.. pero parang bagay sa skin color mo itong navy green" sabi naman nya
"edi ito nalang green" irita kong sabi
"wait! parang mas okay naman to sa pantalon mo" sabi nya sabay lapit nung longsleeve sa pantalon ko
"edi ito nalang!" malakas at irita kong sabi sabay hablot sa kanya ng damit at diretso sa banyo para mag bihis..

paglabas ko ng banyo..

"yan! bagay sayo!" masayang sabi ni Anne
"Oo nga brad! gwapo mo dyan!" natatawang sabi ni Vhong..
"che!" mataray kong sabi
"oh tara na!" malakas na sabi naman ni Anne..
.
.
naglalakad kami ngayon papunta kila Jaki..
.
.

***
Jaki's POV

nasa labas ako ngayon ng bahay namin.. hinhintay ko sila Vice.. sabi nila susunduin nila ako..

pansin kolang ngayon.. mas madalas na akong sumasama kila Vice.. dati kasi minsan di ako pinapayagan ni mommy.. pero ngayon.. tatanong nya lang kung kasama si Vice.. kapag kasama si Vice pinapayagan ako agad agad.. malaki daw tiwala nya kay Vice na hindi ako pababayaan nito..

natigilan ako sa pagiisip nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod..
.
.

***
Vice's POV

natatanaw kona si Jaki sa tapat ng bahay niya.. parang inip na inip na sya sa paghihintay.. ito naman kasing si Anne inabot kami ng isang oras sa pagaayos..

sisigaw ko na sana ang pangalan nya pero natigilan ako at napakunot ng noo nang may naka pulang tshirt na lalaki ang biglang yumakap sa kanya mula sa likod..

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.. parang sasabog ako.. nanlilisik ang mga mata ko habang tinititigan sila.. at ang mas lalong ikinaiinis ko ay parang hindi nagpupumiglas si Jaki sa pagkakayakap sa kanya ng lalaking ito?!.. ano to?! Gusto nya to?!

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now