Chapter 17: IKAW NANAMAN

746 21 2
                                    


Vice's POV

Nagulat ako sa sinabi ni Anne.. siguradong nagtataka na yung mga kaibigan ni Jaki..

Binigyan ko ng matalim sa titig si Anne saka ko tinuro yung mga kaibigan ni Jaki gamit ang nguso ko.. napa tango naman sya..

"sis! Oo sorry ngayon lang kami napahaba ng konti yung kwentuhan namin" mabilis palusot na sabi naman ni Jaki..

"ah Oo, sis? Sino yang mga kasama nyo ni Vice?" Tanong ni Anne
"ah Oo nga pala sila yung kinuwento ko sa inyo na mga kaibigan ko na kasabay natin dito, Madc, Cashmir, Melvie and Charm" sagot naman ni Jaki habang isaisang pinakikilala ang mga kasama namin

"hello sa inyo! Ako nga pala si Vhong, sya si Anne, yun si Karylle tas yung kasama nya si Yael" pagpapakilala naman ni Vhong
"girls sabay na kayo kumain samin, marami namang hinanada si Yael na food" pagaaya ni Karylle
"nakakahiya naman" nahihiyang sabi ni Madc
"uy! Madc di bagay sayo!" Nangiinis na sabi ni Jaki kay Madc
"grabe? Di pwedeng magpakipot ng konti?" Natatawang sabi ni Madc
"tara nanga kain na tayo" pagaaya ni Anne
"heto maupo na kayo" sabi naman ni Vhong

Umupo na kaming lahat sa kanikanilang upuan na nakapalibot sa isang rectagular na lamesa..

.
.

-heto yung pagkakasunod ng upo nila-

Vhong-Yael-Karylle-Jaki-Vice
___________________________
|                                                 |
|__________________________|
Anne-Cash-Mel-Charm-Madc

.
.

Bago kumain ay nagdasal muna kami.. pagkatapos ay kanya kanyang kumuha ng ulam at kanin..
Habang kanya kanya silang kumukuha ng ulam at kanin, ako naman ang naglalagay ng kanin sa plato ko at sa plato ni Jaki..

"anong gusto mong ulam?" Tanong ko
"Ako na" sabi nya naman saka nya ako pinaupo at sya naman ang naglagay ng ulam naming dalawa.. pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain..

Habang kumakain di ko maiwasang tumingin kay Jaki... pati sya tingin din ng tingin sakin.. tuwing nagtatagpo ang mga mata namin kapwa kami napapangiti.. pero bakit ganon? Hindi ko ito mapigilan.. di naman ako nagkukunwaring pasweet ngayon pero ako mismo nadadala sa sitwasyon...

"Huy! Vice? Jaki? Nakakabusog ba tumitig sa isat isa?"  Pambibiro ni Anne
"siguro.. parang nabubusog nako sa ngiti ni Jaki eh" sabi ko naman habang natitig lang kay Jaki na nakatitig din sakin
"ah talaga ba? Oh akin nayang kinakain mo! Busog kana pala eh!" Pambubwisit naman ni Vhong
"tu naman! Biro lang heto na nga oh, kakain na" sabi ko naman saka sumubo ng pagkain.. nagtawanan naman  sila..

.
.
(1:06 pm)

Nang natapos na kaming kumain nagpahinga kami sa loob ng kwarto..kasama ko si Jaki at ang mga kaibigan nya.. yung iba naman nasa labas...magkatabi kami ni Jaki na nakaupo sa may kama.. si Madc sa tabi ni Jaki.. si Cashmir, este Charm sa may upuan pati si Melvie tapos si Cashmir sa may sahig na naka angel sit.. para akong naka hot seat sa kanila.. sunod sunod ang mga tanong GRABE! GRABE! di ko alam ang isasagot ko kasi tuwing may magtatanong at sasagot sana ako biglang may isang magtatanong uli..

"seryoso kaba kay Jaki?" Tanong ni Madc
"ahh o—" bitin na sagot ko
"eh pano ka makakasigurong magiging maayos ang relasyon nyong dalawa?" Biglang tanong ni Melvie
"sigura—" bitin kong sagot
"sigurado kabang hindi iiyak tong kaibigan namin?" Tanong naman ni Cashmir
"Aahh" di nako makasagot sa dami ng tanong nila..
"anong aahh?" mataray na sabi ni Charm..

di naman ako sumagot.. tumingin ako kay Jaki..
tumingin din sya sakin.. sabay naman kaming ngumiti..
"oh bat kayo ngingiti ngiti dyan?" Mataray na tanong ni Melvie
"wala lang.. nakakatuwa lang.." sabi ko naman nang nakangiti
"anong nakakatuwa?" Tanong ni Madc
"nakakatuwa lang na may kaibigan si Jaki na alam kong talagang nagaalala sa kanya.." sabi ko naman sabay tingin kay Jaki ng nakangiti.. binalikan nya naman ako ng ngiti..
"so tingin mo dati di kami mapagkakatiwalaan?" Mataray na tanong ni Cashmir.. napatingin naman ako sa kanila
"hindi naman sa ganun.. mahirap na kasing makahanap ng totong kaibigan ngayon.. at masaya akong nahanap kayo ni Jaki..." mahinahon ko namang sabi.. sabay ngiti naman sila at nagtinginan sa isat isa saka tumango..

"Oh teka maiba tayo.. gusto kolang matanong? Nagkiss naba kayo?" Kinikilig na tanong ni Madc
nagtinginan naman kami ni Jaki tapos sabay na umiling..
"hindi pa" sabi ni Jaki
"what? Di pa kayo nagkikiss?" Gulat na tanong ni Melvie
"Oo" maikli ko naman sagot
"bakit? I mean diba kayo na?" Tanong ni Charm
nagtinginan naman kami ni Jaki...

"guys tama nanga yan.. parang tinatakot nyo si Vice ah?" Natatawang tanong ni Jaki sabay patong ng kamay nya sa tuhod ko..
tumingin naman ako kay Jaki..
"Boo labas muna ako... kuwentuhan muna kayo para makapag catch-up naman kayo sa isat isa.. dyan lang ako sa may beach" sabi ko
"sige" sagot naman nya..

kinuha ko yung sketch book ko saka mga lapis ko saka ako naglakad papunta sa may pinto.. lalabas na sana ako nang marinig ko si Jaki..

"lab!" Malakas nyang sabi.. humarap naman ako sa kanya saka ko itinaas ang kamay ko na nanghihingi ng yakap..
"you!" makalas kong sabi..

Tumakbo naman sya papunta sakin saka ko sya sinalubong ng mahigpit na yakap.. yumuko ako para tignan sya…tumingala naman sya.. nginitian ko sya saka ko sya hinalikan sa noo..

"uy! Ang kati! Grabe hanggang dito sa loob nakapasok pa yung mga langgam!" Kinikilig na sabi ni Charm habang kunwaring kinakati ang sarili..  nauna naman kumawala si Jaki sa pagkakayakap sa akin..
"sige na bonding muna kayo" sabi ko naman sa kanya saka ako lumabas ng room..

naglakad lakad muna ako sa may tabi ng beach.. tirik ang araw pero malamig naman ang hangin.. parang ako lang mag-isa ang nandito ngayon.. ang sarap sa pakiramdam ng ganitong sitwasyon.. nakakarelax.. yung ang tanging maririnig mo lang ay hangin at ang bawat hampas ng alon...

Natigilan ako sa paglalakad.. naalala ko yung napanaginipan ko kanina.. nag-flash sa utak ko yung mga nangyari.. yung bawat galaw, bawat titig, bawat haplos, at ang muntikan kong pagtikim sa mga labi ng isang dalaga.. Oo alam kong panaginip lang yun.. pero alam ko ding may dahilan kung bakit ko iyon napanaginipan.. pero... hindi pwede.. mali itong iniisip ko.. baka nadadala lang ako dahil sa pagpapanggap namin ni Jaki.. oo.. yun lang yun.. hindi dapat ako nagiiisip ng kung ano ano.. wala lang yun..

Habang naglalakad ako may nakita akong dalawang magkatabing malalaking bato sa may tabi malapit sa tubig... lumapit ako at naupo sa isa... nakatitig lang ako sa dagat na nasa aking harapan.. gusto ko lang magisipisip.. ang dami kasing mga ganap ngayon.. bakit nga ba ako pumayag? Bat ako nadamay dito?..

Binuksan ko ang sketch book ko sa isang pahinang may naka drawing na... tinitigan ko ang drawing.. tinignan ko ang salitang iginuhit ko sa gilid.. "nadarang" yan ang nakasulat.. dinrowing ko ito kagabi bago matulog... ewan ko kung bakit.. mahilig akong gumuhit... lalo na ng mukha ng tao.. sa pagguhit ko naipapakita ang nararamdaman ko.. bakit nga ba ito ang iginuhit ko? Bakit sya?.. I mean Oo sya yung nasaisip ko non pero... bakit?

Nilipat ko ang pahina sa walang nakaguhit.. kinuha ko ang lapis na nakalagay sa aking bulsa.. tumingin tingin muna ako sa paligid.. sinisiguro kolang na walang makakakita sa akin.. nung nakasiguro na ako na walang ibang tao nagsimula na akong gumuhit.. outline muna.. sinimulan ko ang mga mata.. ang kilay.. ilong.. bibig... hugis ng mukha... nanghuhula lang ako ng mukha.. kung ano lang ang maisip kong hugis yun ang iginuguhit ko.. nagsimula na akong magdagdag ng mga detalye... paunti unting nagkakaroon ng buhay ang aking iginuguhit.. saglit akong tumigil.. tinignan ko ang ginuguhit ko.. kumunot ang noo ko nang mapansin na may kamukha ito.. bakit ba? Bakit sya?... naguguluhan ako... itinigil kona ang paguhit at sumulat sa ilalim.. "ikaw nanaman" yan ang isinulat ko.. saka ko pumirma at naglagay ng date sa gilid..

Isinara kona ang sketchbook ko.. saka ako bumuntong hininga...

"Jaki.." bulong ko
.
..
.
.

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon